Good morning, Lhara. Have a great day. Don't stress yourself. You can do it :)
Napa-ngiti na naman ako sa hawak kong bouquet ng cheese. Since I'm in first year college, nagsimula nang may nagpapadala sa akin ng ganitong klaseng trip. Bouquet of cheese na sapat nang kainin ko sa isang araw!
Hanggang ngayon, hindi ko parin alam o kilala kung sino ang nagpapadala ng ganito sa akin. Everyday meron akong natatanggap na ganito at minsan, flowers at chocolates pa.
Nasa punto na akong.. nahuhulog na sa hindi ko naman kilala kung sino man itong gumagawa sa'kin ng ganito. Kahit na bumagyo o saan man ako mag-punta, lagi akong may natatanggap.
Laging buo ang araw ko.
"Nakangiti na naman si Jales." Pumasok ng opisina ko sina Mines at Ivhan.
"Tumahimik kayo. Umalis nga kayo dito! Nasisira na ang araw ko!" Inis kong sigaw sa kanila.
"Woah.. easy, magdu-duty din naman kami eh. Pero hindi kasing aga mo. Iba na talaga ang tama mo sa secret admirer mo."
Nginisian ko si Mines. "Ikaw, ano naman kaya ang tama mo kay Chariza--"
"Natamaan kona siya kaya akin na siya."
Nagkatinginan kami ni Ivhan saka sabay na tumingin kay Mines. "Huh?"
"Ano ba! Tara na nga, Vhan. Maya-maya magsisidatingan na ang mga pasyente ni Dra. Jales."
Napangisi ako. "See you later, Dr. Sones and Dr. Santos." Ngiti ko sa kanila. Nginitian rin nila ako bago sila lumabas sa clinic ko.
Pagkalabas nila ay siyang pagpasok ng nurse na kasama ko kapag duty ko dito sa clinic ko.
"Dra. May limang patient na po sa labas." Pagpapaalam niya.
I nodded. "Sige, asikasuhin mona sila para ma-check ko na sila." Utos ko sa kaniya. She nodded.
Ilang saglit lang ay pumasok na ang unang pasyente.
"Good morning po, Doc." Bati sa akin ni Tatay.
"Good morning po.." umupo siya sa harap ng table ko. "Ano po ipapa-check up niyo?" Magalang kong tanong.
"Doc, ilang araw na po akong ubo ng ubo. Makati pa lalamunan ko."
"Naku.." pagbibiro ko. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Tumingin po kayo sa taas, Tay." Sinuri ko ang leeg niya pero wala naman ni isang possible na sintomas na nakikita ko. Sinuot ko ang stethoscope sa aking tenga at tinapat sa dibdib kong nasaan ang katapat ng puso niya. "Hinga po kayo, Tay.. hm-mm.. hinga pa po.. okay," tinapat ko naman sa likod niya. "Hinga, Tay.. okay." Bumalik na ako sa swivel chair ko at kinausap si Tatay.
"Wala na po kayong ibang nararamdaman?"
"Wala na, Doc. Yun lang talagang ubo ako ng ubo."
Tumango-tango ako. "Okay.. inumin niyo po ito ha.." sinulat ko ang reseta ng gamit ni Tatay. "Bago kayo matulog. After meal po ang pag-inom--"
"Eh.. doc, w-wala po akong pambayad--"
"Wala pong problema, Tay," sinulat ko sa papel na senyales ng huwag nang pagbayarin si Tatay. "Ito, Tay. Ipakita mo lang ito sa nurse. Wala ka nang babayaran." Binigay ko sa kaniya ang reseta. "Saka, pagkagising niyo ng maaga, uminom kayo ng mainit o maligamgam na tubig. Malaki rin po tulong nun."
Tinanggap niya ang papel. "Salamat po, Doc. Narinig ko kasing hindi ka nagpapa-bayad sa mga walang pambayad kaya lumapit ako sa'yo. Maraming salamat, malaking tulong ito."
"Walang anuman po, Tay. Magpa-galing po kayo ha.." kinuha ko ang kamay niya saka ako nag-mano. "Wala po ba kayong kasama?" Takang tanong ko.
"Nasa labas yung apo ko, hinihintay ako."
BINABASA MO ANG
Waiting for your Answer (Waiting Series #3)
Casuale[WAITING SERIES #3] Lhespher blockmailed Lhara because he was annoyed, ended up dating, pero .. as time went on, the girl gradually fell in love with him, at sa isang iglap, kalokohan lang pala ang lahat. "Siya ang Kapitana ko." -Jaile Lhespher Corp...