25

8 2 0
                                    

Mag-isa na ako ngayon sa bahay kinaumagahan. Maaga na akong pumasok para naman hindi na ako ma-late. Ine-expect ko na meron na si Lhespher. Gustong-gusto ko na talagang makausap siya. Hindi ko talagang kaya na hindi siya makita o makausap sa isang minuto, oras pa kaya.

Naiisip ko na ding umamin sa kaniya. Ayaw kong lumayo siya sa tabi ko dahil hindi ko kaya. Mas kaya ko siyang mahalin keysa sa malayuan ako ng taong mahal ko.

Natatawa din ako sa sarili ko. Hindi na ako ganito dati. Wala akong pakealam sa mga pagmamahal, boyfriend, relationship. Pero nung pumasok na si Lhespher sa buhay ko, doon ko na-realize na ang sarap palang mag-mahal. Pero sa tingin ko mas masarap mag-mahal kung mahal din ka nung taong mahal mo. Panatag naman ako na mahal ako ni Lhespher. He always saying that he love me.

Naparating na ako ng parking lot ng school at tumabi ako sa dating pinagpa-parking'an ni Lhespher. Pagbaba ko ng motor ko saktong pu-mark na yung kotse na ikinaliwanag ng mukha ko. Pumasok na siya!! Lumundag ang puso ko sa saya nang makita ko siyang bumaba ng kotse niya.. pero nawala agad ang ngiti ko nang kasabay din niyang bumaba ng kotse niya ang isang babae na hindi ko kilala o pamilyar man sa akin.

Babaeng hindi katangkaran, maputi at sexy na talagang hahabulin ng mga lalaki kapag nakita siya.

Hindi pa nila ako nakikita ang presensiya ko dahil siguro ang mga magkadikit nilang mga mata ay nakatuon lang sa kanila ang atensyon ng isa't isa. Nakita kong yumakap ang babae sa leeg ni Lhespher at hahalikan na siya!

Hindi ako makagalaw pero sinikap kong umalis na sa lugar na iyon kung saan sila magiging solo ang isa't isa. Nasasaktan ako. Napahawak ako sa dibdib ko kung saan nasa tapat ng puso ko. Napakabigat. Nakakapanibago ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang ito naranasan at parang ang sakit.

Napalunok ako ng pumasok na ako sa room namin. Kailangan kong iwala ang isip ko para sa nakita ko kanina. Ayaw kong maramdaman ni Jaybe at Reiven ang ekspresyon ko. Hindi ako yung tao na magaling mag-tago ng emosyon sa pamamagitan ng pag-ngiti.

Umupo na ako, kitang-kita ko ang pag-upo nila pareho sa magkabilang tabi ko. Nagulat ako nang pareho nila akong niyakap ng mahigpit.

"Hm.. Lhara.. let's date?" Kunot noo ko lang siyang tiningnan. Nagtataka. Bumitaw siya sa pag-kakayakap sa akin. Napansin niya sigurong nagtataka ako kaya tumikhim siya saka nagsalita. "Wala lang.. gusto ko lang may makalimutan." Ngumiti siya ng malungkot pero agad ding napalitan ng maliwanag na ngiti. "Pumayag kang mag-date tayo, promise, lalamgamin ka sa sobra kong sweet!"

"Tss, ang sabihin mo broken ka, Gago." Sabat naman ni Jaybe na bumitaw na din sa pag-kakayakap sa akin.

"Anong broken?! Hindi ako broken ha!" Angal naman ni Reiven na humaba na ang nguso.

"Guilty. Kasama mo ako na nakita si Patricia na--"

"Tama na! Baka ikaw ang masipa ko--"

"Pwedeng huwag kayong mag-away sa tabi ko? Bad mood ako ngayon promise." Sabi ko at napahawak ako sa sentido ko na hinilot 'yon.

"Bad mood o Sad mood?" I glared at her. "I think, it's a Happy mood hehe."

"Tss."

"Sige. Basta, date tayo ah? Mamayang hapon." Naninigurong si Reiven.

Lumiit ang pagkakatitig ko sa kaniya. Sinusuri ang emosyon na nababasa ko sa mukha niya. Mukhang malungkot pero pinipilit na maging masaya. "What kind of date?" Nag-iwas ako ng tingin.

"50/50 date!"

"HUH?!" Gulat naming baling sa lalaki.

"Tangina. Anong 50/50 date?!" Jaybe asked.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon