24

5 2 0
                                    

Hindi ako mapakali sa sinabi kanina ni Lhespher. Kanina pa ako iba ng iba ng posisyon ko dito sa kama habang nakahiga ako. Ano ang ibig niyang sabihin? Bakit naging ganon nalang siya bigla? Ang saya palang namin kanina ah. Nagiba nalang ang mood niya bigla.

Natamaan ako masyado sa sinabi niya.

Okay na okay kami kanina ah. Masaya kami, parang walang problema.. pero bakit biglang umiba ang mood niya? Sinabi niya pa ang hindi ko inaasahan.

Parang nalungkot ako. Ayaw kong maging siya ay mawala sa buhay. He's now part of my life.

Natigil ako sa kaiisip sa kaniya nang tumunog ang cellphone ko. Si Lei, tumatawag.

"Hello?"

[Ganda, bukas, lunch sabi ni Mommy. Gusto ka niya raw talaga makilala. Ano, okay ba?] Mukhang masaya si Lei sa kabilang linya.

Napangiti ako ng konti ng marinig ko ang boses niya na masaya. Parang ang kasiyahan niya ang nagpapagaan sa dibdib ko kapag mabigat. Thanks to Lei.

"Oo, okay lang. Saan ba?" Tanong ko hanag nakangiti narin.

[Sa Corpuz'Restaurant daw. 'Yun ang malapit eh. Deal?]

Ngumiti na naman ako. "Deal. Goodnight!"

[Goodnight, Lhara Ganda!]

Inilagay ko sa table ng lampshade ang cellphone ko.

Napatingin ako sa kisame habang hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. Si Lei ang nagpapagaan sa kalooban ko kapag mabigat ang dibdib ko sa mga problema. Ang weird lang dahil sa kaniya ko lang ito nararamdaman. Hindi ko nga alam kong mahal ko nga siya o hindi.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng maalala ko si Lhespher. Napapikit ako nang maalala ko ang mga sinabi ni Lhespher kanina lang.

Kung sasama ka sa kaniya, asahan mong hindi na ako lalapit sa'yo.

Napahawak ako sa noo ko. Bumalik na naman ang bigat sa dibdib ko. Siya lang ang nagpaparanas ng ganito sa akin. Hindi ko kaya na ganito pa kami bukas. Sobrang seryoso niya kanina pero mas iniisip ko na nagbibiro lang siya. Ang hirap lang na isa-puso ang sinabi niya dahil sobra akong nasasaktan.

Napa-sabunot na ako nang sariling buhok nang maalala ko kung saan kami mag-kikita ni Lei at ang Mommy niya-- putangina! Sa Restaurant nila! Bakit ngayon ko lang na-realize ang putangina?! Ba't ba napaka-weird ko ngayon!

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Masaya lang si Lei, masaya na din ako. Pero si Lhespher, hindi ko alam.

Napasabunot na naman ako ng sariling buhok. "Putangina. Bakit ba ako nagkaka-ganito?" Bulong ko sa sarili habang naka-tagilid ang higa.

Alam kong magiging okay din kami bukas. Ako na ang lalapit sa kaniya para maging okay lang kami. Hindi ko ugaling maunang humingi ng sorry pero.. para lang maging okay lang kami, gagawin ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang magsimulang uminit na ang mata ko. Agad akong bumangon at pinigilan na huwag bumagsak ang mga luha ko. Humiga din ako agad at ipinikit na ang mga mata ko.

Bukas ko na lang aayusin.. para sa amin.

--

Maaga akong pumunta ng school pero hindi pa ako pumasok. Hinintay ko si Lhespher sa dating parking'an ng sasakyan niya. Nagbabaka-sakaling maaga siyang papasok. Ngunit ilang oras akong naghintay hanggang sa nagsimula na ang time for first subject. Hindi siya dumating.

Bagsak ang balikat kong pumasok ng school at diretso na sa building namin.

Kasabay lo lang dumating ang teacher namin. Nagsimula na siyang nag-discuss pero wala akong atensyon sa mga sinasabi niya. Hanggang sa sumunod na subject wala parin ako sa mood na makinig. Minsan natatawag ako pero nakaka-recite din naman. Buti na lang nagre-review ako bago ako pumasok.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon