26

7 2 0
                                    

"Hey, Gurl. Joins us." Pagpasok ko palang ng canteen, boses na agad ni Reah ang sumalubong sa akin. Yung Kambing. Nasa gilid sila nakaupo kasama niya sina Jaybe at Meya.

Tumingin ako sa mga pagkain nila na nasa table. Marami. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit na agad sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Meya, agad na akong kumuha ng isang slice ng pizza. Sa parteng maraming cheese.

Kakain nalang ako ng marame keysa isipin ang butiking pangit na 'yon!

"Ilang araw ng ganiyan 'yang Pusa na 'yan." Biglang sabi ni Jaybe na ikinablangko ng mukha ko.

"Ahh, talaga? Bakit?" Tss, ang numero uno sa chismisan. Si Meya.

"Secret."

"Lahh! Magsasabi ka nang ganap tapos walang explanation?!" Nakanguso na ang mukha ni Meya na nakatingin kay Jaybe.

"Huwag ka ngang masyadong chismosa, Meya. Hindi bagay sa'yo." Komento ni Reah saka uminom ng orange juice.

"Gusto ko ngang malaman! Alam niyo naman na hindi ako nakakatulog kapag hindi ko nalalaman ng buo!"

"Ganyan ba talaga ang epekto ng absorbing the news mo?" Tanong ko habang matiim na nakatingin sa kaniya saka ulit kumuha ng pizza na may maraming cheese.

"Tsk! Oo, kaya ikwento mo nga sa amin kung bakit ka ganyan!"

Nagsalubong ang kilay kong nakatitig sa kaniya. "Wala kang karapatan na pilitin akong ikwento sa'yo ang nararanasan ko. Bakit, ikaw ba pinipilit ko na magkwento? Hindi diba. No hate, Meya. Bawasan mo pagka-chismosa mo." Seryoso kong sabi at kinain ko na lahat ang pizza na kanina ko pa hawak. Kinuha ko nalang ang baso ni Reah na may laman na juice at ininom na 'yon.

"That's my juice!"

"I know. Thank you." I said and walk away.

Habang naglalakad ako na hindi ko naman alam kung saan talaga ako pupunta, iniisip ko lang ang mga nakita ko makalipas ang mga ilang araw.

Sariwa parin ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko nang makita ko sila nung araw na 'yon. I didn't imagine na ganito pala kasakit.

Hanggang sa makalipas ang hapon, naglalakad na ako pauwi. Hindi kona ginamit ang motor ko dahil gusto ko muna magkapag-isip at mapag-isa.

Nasa daan lang ang paningin ko habang naglalakad at nakahawak sa bag ko. Tss.

"Lhara."

Natigil ako sa paglalakad at inangat ko ang tingin ko sa nagsalita. Siya na naman. Binalewala ko ang presensiya niya at nilampasan siya. Buti nalang at hindi ako nag-deretso na naglakad baka mabangga ko siya o yung sasakyan niya.

Nakakailang hakbang palang ako ay pinigilan na niya ang braso ko. Blangko siyang nilingon. "May kailangan ka?"

"Meron. Kailangan natin mag-usap."

Tinitigan ko siya at saka ko tiningnan ang kamay niyang hawak-hawak ang braso ko. "Sige. Bitiwan mo ako." Sinunod niya agad ang sinabi ko. Umatras lang ako para medyo makalayo ako sa kaniya. Ayaw kong dumikit sa kaniya. "Magsalita ka na."

Bumuga siya ng malalim na hininga saka nagsalita. "She's Jeanne."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sinong Jeanne?" Takhang tanong ko.

"Yung palagi kong kasama." Sagot naman niya.

"Ah.." tatango-tango ako habang deretsong nakatayo at dalawang kamay ko ay nasa dalawang bulsa ng pants ko. Jeanne ang pangalan niya. Pota. Pati pangalan maganda! "Tapos?

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon