14

11 3 0
                                    

Magisa akong nagtungo sa canteen dahil astig ako. Ayaw ko munang may kasama kahit ngayong araw lang at gusto kong walang magulo sa tabi ko para naman talagang matawag kong good day ang araw na ito.

Magisa akong kumakain dito sa gilid ng table ko. Walang katao-tao dahil katatapos lang ang recess ng mga students.

Nilabas ko sa bag ko ang isang makapal na libro ng Doctor. Nakuha ko ito sa kwarto noon ni Mommy na mukhang naiwan niya. Simula nong nabasa ko na ang umpisa nito ay hindi ko na napigilan ang hindi tapusin. Hindi ko pa tapos basahin lahat.

Ito ang dahilan kung bakit gusto ko ng maging doctor in the future. Ang daming sakit na tayo naman mismo ang gumagawa ng sarili nating sakit o di kaya ay nakukuha natin sa mga kinakain natin. Yung iba ay namamana sa genes.

Habang nag-babasa ako ay kumakain naman ako ng sandwich.

Nagulat ako ng biglang may narinig akong nag-click sa gilid ko. I saw Patricia holding a camera.

"Tss,"

Tinukoy niya ang hawak na camera. "You're beautiful in this posture." Lumapit siya sa akin at ipinakita ang kuha niya.

Tumango ako. "Oo. Maganda nga ako."

"Pero mas maganda ako." Kinikilig niyang sabi.

Umiwas nalang ako ng tingin habang nakangiwi. "Oo. Malandi ka--aray!"

"Grabe ka ha!" Binatukan na naman niya ako.

"Tsk!"

"Slight lang." She pouted.

"Ha. Slight huh. Umalis kana nga. Doon ka, manlandi. Sho!"

Nagkembot siyang lumabas ng canteen hanggang sa nakita kong may nabangga siyang mukhang totoy na gwapo din naman. Tss, hindi ko nalang pinansin. Alam ko naman ang gagawin ng babaeng 'yun. Lalandi na naman 'yun.

Binalik ko ang atensyon ko sa binabasa kong libro.

Biglang pumasok sa isip ko si Lei. Nawala na ang atensyon ko sa binabasa ko at nangingiting nagangat ako ng tingin habang iniisip ang mukha ni Lei.

Bakit ba ang lakas ng tama ko sa totoy na 'yun?

Nawala ang ngiti ko nang maisip ko ang isang imposibleng mangyari.

May something kami.

When I first saw him, I feel my whole body was froze. His smile was so light that makes my heart beats fast.

Kaya tinanong noon kay Kevin na i-search ang background ng nangangalang Lei. Magaling sa mga gadgets si Kevin. His brother is IT. Information Technology. Maalam silang magkapatid sa mga gadgets at madali lang sa kanila ang makahanap ng impormasyon na kailangan.

Pero sa tingin ko, hindi na bale. Kahit hindi ko na malaman ang iba pang background ni Lei. Masaya na akong makasama siya.

Pero paano na si Lhespher?

Nagsalubong ang kilay ko nang maalala ko ang butiking 'yun. "Bakit napasok na naman ang butiking 'yun sa isip ko?!"

"Sinong butiki?" Nakita ko si Mines na papalapit na sa akin.

Nginitian ko siya. "Mines," sambit ko sa pangalan niya.

"Yeah-- wow! Doctor's Book?! Pahiram--"

"Heh! Ayaw ko!" Mabilis kong itinago sa bag ko ang libro ng Mommy ko.

He pouted. Hmm.. infairness,  bagay niya. "Ang damot mo. Hindi ka lang maganda, naku!"

Nakangisi akong tumayo at umalis canteen bitbit ang bag ko at ang libro. Nakakatwang hinabol niya talaga ako.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon