"Kailangan parin ba talaga na kasama kita?" Pikon kong tanong.
He grab again my waist close to him. "Our deal, remember?" Nakangisi siya.
"Tss, isang linggo nang nalampasan yang deal natin. Ayaw ko na--"
Bigla niyang hinala ang bag ko ng maglalakad na sana ako palayo sa kaniya. "Anytime, pwede ko ng i-post," I gulped. "And remember, I'm your bodyguard." He whispered.
Inis akong pumasok sa loob ng room namin na ngayon ay nagbubulung-bulungan na naman ang mga chismosa kong mga kaklase nang agad na tumabi sa akin si Lhespher.
Ayaw kong makasama forever ang butiki na ito.
"Sila na talaga?"
"Pa-mysterious naman si gurl.."
"Hindi sila bagay."
"Pangit niya!"
"Ang kapal niyang patulan si Lhespher!"
"Walang taste si Lhespher masyado."
"Oo nga, gwapo pa man din!"
Nakita ng gilid ng mata ko ang paglingon ni Lhespher sa pagsinghal ko. "Tss.."
Nagulat ako nang bigla niyang ituro ang mga nagsalita kanina at pinagsigawan.
"Hoy, mga chismosa na mukhang palaka! Ang O-OA niyo, hindi naman kayo maganda!"
Pasimple kong kinurot sa hita si Lhespher para magtigil sa mga sinasabi niya. Nilingon ko siya at pinandilatan ng matalim.
How dare he say that to a girl? Kahit na mukhang palaka nga yang mga yan eh, hindi naman nila deserve na pagsabihan ng ganon. Babae din naman ako kaya mukha na din akong palaka.
"Ano?"
"Pwede mo bang kontrolin mo yang sarili mo! Babae ang sinabihan mo ng palaka at babae din ako. Kaya mukha na din akong palaka--"
"Wala akong sinasabing ikaw ang mukhang palaka, sila ang sinasabi ko--" binaba ko ang kamay niyang nakaturo sa mga babaeng chismosa. "Ano?! Totoo naman ah!"
"Pati ako mukhang palaka?" Sumulpot si Bea sa harap namin na naka-pout pa ang puta.
"Hindi naman," Lhespher said while smiling.
Bea's face softened. "Aww, thank you, Lhespher-"
"Mukha kang uod." Pagtatapos niya.
CANTEEN
Kanina ay sinubukan kong tumakas para hindi makasama ang butiking ito, kaso, nahuli niya parin ako.
Pinapanood ko siyang kumain ng spaghetti. "Sana, mabilis kang magsawa na kasama mo ako." I said while smiling.
He looked at me with a cold stares. "We'll see."
Nagsimula na akong kumain. "Akala mo ba nakalimutan ko yung ginawa mo sa akin sa cr?"
"Ano ba! Nag-sorry na nga ako eh. Kalimutan mo na yun, hindi ko na uulitin."
Tinitigan ko siya. "Totoo?"
"Oo, kapag may ginawa akong ayaw mo, layuan mo na ako. Ano?"
"Sige. Ahm, by the way, bodyguard.. pwede ba akong mapag-isa? Kahit ngayon lang, please? Masyado na akong madaldal nitong mga nakaraang araw dahil kasama kita eh."
He just blinked. "No."
Arg! Fuck you, Corpuz! Fuck you! Papansin ka na masyado sa buhay ko!
Nako naman, gusto ko ng mapag-isa baka naman kahit isang linggo lang mawala sa paligid ko ang pagmumukha ng lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Waiting for your Answer (Waiting Series #3)
Random[WAITING SERIES #3] Lhespher blockmailed Lhara because he was annoyed, ended up dating, pero .. as time went on, the girl gradually fell in love with him, at sa isang iglap, kalokohan lang pala ang lahat. "Siya ang Kapitana ko." -Jaile Lhespher Corp...