SIMULA

75 5 0
                                    

"May plano na ba?" Masaya kong tanong sa center namin.

Umiling siya at naka ngusong lumingon sa 'kin. "Masyado kang excited, mauulul ka niyan."

Nakanguso akong tumango at rumampa paalis sa gym. Tahimik kong dinadamdam ang hangin na tumatama sa balat ko habang kumakain ako ng cheese.

"Mare," may umakbay bigla sa 'kin. Si Keisha.

"Ano?"

"Punta-- tangina mo! Cheese na naman?! Ikaw dapat ang tawaging Daga at hindi si Coraño!"

"Wala kang pake. Ano bang sasabihin mo?" I asked. Irritated.

She shrugged. "Wala lang.. nagaaya palang manlalaki si Patricia, sama ka?"

I give her my death glare. "Mukha ba akong malandi?"

"Kaya nga niyayaya kita eh."

"Kayo lang naman dalawang mahilig eh." Inalis ko ang akbay niya sa 'kin. "Dun ka nga! Bad influence ka!"

"Hindi ka totoong kaibigan!"

"Totoo ako."

Nagulat ako ng bigla siyang natumba-- nadapa. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Ang aga-aga lumalangoy ka na! Hahahaha."

"Ano ba! Tulungan mo kaya ako."

Ngumisi ako at naglakad. Nilampasan ko siya, nilingon ko siyang umuusok ang ilong. "I told you. Totoong kaibigan ako."

"Ang totoong kaibigan, nagtutulungan--"

"Depende. Pero sa sitwasyon mo ngayon, tatawanan talaga kita at.." binitin ko muna ang sasabihin ko.

"At, ano?"

"Iiwan!" Mabilis akong tumakbo palayo sa kaniya. Pasimple ko siyang nilingon, nakatayo na ang kalabaw na mukhang na-badtrip sa ginawa ko.

Well, that's what friends do. Haha.

Nakarating na ako sa building namin at saktong naka-sabay ko si Jaybe na umakyat ng hagdan. Naka-jacket siya. Palagi siyang naka-jacket kahit na mainit ang panahon. Blangko ang mukha niya palagi pero nagiging abnoy din kagaya namin.

"Saan ka galing?" Tanong ko sa kaniya.

Kanina lang ay nagpaalam ako sa kaniya sa room namin. Iniwan ko siya saglit dun pero eto, nakasabay ko siyang umakyat ng hagdan papuntang floor namin.

"Anong plano sa sayaw natin?" Balik niyang tanong.

Alam ko na.. may problema 'to, kapag ganyan ang mood niya, may problema na 'yan. Pero kahit na tanungin namin kung ano, hindi din naman niya sasagutin kaya huwag nalang.

"Wala pang plano." Sagot ko na lang.

As a friend, hahayaan ko na muna siyang paginhawain ang brain niyang problemado. As usual, palagi namang problemado 'yan.

Nakarating kami sa classroom namin Section Saturn at ang mukha ni Reiven ang una kong nakita. Ang nakakabwisit niyang mukha ang palaging lumalapit sa akin. Kagaya ngayon.

"Lhara babe!" Parang kengkoy ang mukha niyang lumapit sa 'kin at niyakap ako.

Nakita kong hinawakan siya ni Jaybe sa kamay at nilingon siya. "Naligo ka ba?" Tanong niya. Seryoso ang mukha.

Inis niyang binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ni Jaybe. "Tsk! Syempre naman no! Tingin mo talaga sa akin, hindi naliligo no?"

"Nays. Alam mo pala." Walang emosyon niyang sabi at umupo na sa upuan niya.

Tinulak ko si Reiven para makalayo sa akin ng konti. Palagi niya sa akin ito ginagawa pero bigla-bigla. Kaya minsan, nakakakulo ng dugo. Binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko at seryosong tiningnan siya.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon