Stanley Eun's POV
" Dude hintayin ka nalang namin, punta ka ha? " Sigaw ng kaibigan ko at tumakbo na paalis.
" Aalis kayo? " Tanong saakin ni France na ngayon ay kasabay kong naglalakad.
" Uhm, yes " sagot ko naman sakanya, tsaka ko ginulo ang buhok niya.
" Sumama kana sakanila Stanley, " biglang tugon niya saakin at nakangiti pa ito.
" You're beautiful. I love your genuine smile. "
" Nambobola kapa, sige na. Sumama kana sa mga kaibigan mo, may dadaanan rin ako. " Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya. I'm fortunate to have a girl like this.
" Seryoso babe? Sorry ha? Hindi kita mahahatid sainyo ngayon. Ikamusta mo nalang ako kila Tita. " Tsaka ko hinalikan ang noo niya at niyakap naman niya ako.
Hinintay ko syang maka-alis at sumunod na rin agad ako sa mga kaibigan ko. They are inviting me to drink. Iinom kami serve as celebration daw bago ako umalis sa Pilipinas. Honestly, hindi pa ako nakakapag-sabi kay France. Kahit 1 year na kami gusto kong maging honest sakanya sa lahat ng pagkakataon. I mean, noong simula palang naman honest na ako.
Nagsimula kaming maglakad papunta sa beer house malapit dito sa DL University.
" Dude, ang ganda ng boyfriend mo no? Huwag molang sasaktan 'yan, kukunin ko 'yan sayo. HAHAHAHAHA " Biro saakin ni Brix kaya nagtawanan kami.
" Mukha ba akong mananakit? HAHAHAHAHA " teka? Bakit literal na nagulat sila sakin? Tinignan ko sila na parang nagtatanong.
" Namumula ka gagi. " Nagulat naman ako, kaya pala ang imit ng mukha ko.
" Syempre umiinom tayo, ". Tsaka nalang ako ngumiti.
Nagulat naman kami dahil sa pagbukas ng pinto. Tumambad saamin si Mama na sobrang lungkot ng mukha. Hindi kami ganoon ka-close ni mama dahil hindi niya gusto si France para saakin. Parang lumayo ang loob ko sakanya.
" Stanley, watch this video. " Hindi na ako nagsalita pa at agad kong kinuha at pinlay yung video.
Kitang-kita ko sa video na binubuhat si France papasok sa ambulance, halos maligo ito sa sarilii n'yang dugo dahil sa car accident.
" Dead on arrival, I apologize Stanley for the sad news. " Kalmadong turan ng Mama ko saakin na ngayon ay papalapit saakin.
" Mama, sabihin mo saakin na hindi totoo ito! Tell me! " Hindi kona magawang tumayo pa dahil nanlambot na ang mga tuhod ko. Tatakbo na sana ako palabas ng pigilan ako ng mama ko, niyakap niya ako.
" Huwag kanang pupunta doon, ipahinga mo ang sarili mo. You have to rest. " Tumango nalang ako at humagulgol sa balikat ng mama.
Ngayon ko na-realize na walang permanenteng tao at any time pwede silang mawala. Dapat hinatid kona siya kanina sa bahay nila. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Kahit patay na si Dad at walang tutulong saakin sa pag-alam ng nangyari kay France, hahanapin ko pa rin ang sagot.
Kahit palubog na ang araw, naglakad pa rin ako papunta sa Astro Park. Magandang maglakad papunta doon. Tahimik ang lugar, at malinis doon. Binilisan ko ang paglakad para agad na makapunta doon.
Hindi ko magawang puntahan si France dahil alam kong hindi ko kakayanin. Mamaya na ang alis ko kaya nag-desisyon ako na pumunta dito sa Astro Park. Favorite place namin 'to.
Naglakad ako papasok sa park at pumunta sa favorite spot namin ni France. May isang bench doon na sinulatan namin ng mga pangalan namin. Kahit imposible ayokong may ibang naka-upo doon. Teka, pamilyar saakin ang taong naka-upo ngayon dito.
" France? "
" Hello? " lumapit pa ako hanggang sa mapuwing ako dahil sa lakas ng hangin.
Wala pala si France dito, imagination lang pala. Nag baka sakali ako na siya 'yon pero hindi e. Hindi na babalik yung taong napasaya saakin at bumuo saakin. Wala na yung taong naiintindihan ako, wala na yung taong hindi ako iniwanan kahit sobrang bigat na ng problema ko. Wala na yung taong nagpapalakas ng loob ko.
Pumatak ang luha ko sa bench dahil tinititigan ko ito ngayon. Pinunasan ko ang mga luha ko na nag-uunahan pumatak at kinuha ko ang permanent marker sa bag ko.
Nagsulat ako sa bench ng " kung babalik ka man, magkita tayo dito sa araw ng kaarawan mo. " Kahit imposible, ginawa ko. Kahit alam kong hindi na siya babalik ulit, nagsulat pa rin ako.
" France if you could hear me now. I want you to know that I love you so much. I will never forget you, I will always look for your genuine smiles. I will always look for you in my dreams. Magpahinga kana, Mahal ko. "
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL CHANGE
FanfictionFrance Ella Pineda is a lonely girl na nagtatago sa mga tao dahil sa isang dahilan at ang tanging lugar na ligtas siya ay ang Deluvio University. Enter-Stanley Eun Deluvio na walang ginawa kung hindi tumahimik at mag-suplado sa loob ng University na...