𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 22:

45 2 0
                                    

Stanley Eun's POV

Maaga akong umalis sa mansion, to buy a flower bouquet for Ella. Alam kong maaga nagbubukas yung flower shop dito. Bumili ako ng white roses at kumuha ako ng isang piraso. Para alam ko kung kailan sila nalalanta at alam ko when to buy a new one.

" Thank you, Miss! " I said, as I receive the bouquet.

Mabilis akong umalis sa shop at pumunta agad sa bahay ni Ella. I am little bit curious kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinapapasok sa bahay nila. Pero ayos lang, baka hindi siya komportable sa ganoon.

Inamoy ko ng bulaklak habang nagmamaneho at na-satisfy naman ako sa amoy nito. I just want to share something, I normally keeping a one piece of roses so that alam ko kung kailan sila malalantay at para makabili sa taong pinagbibigyan ko. Naalala ko tuloy si Ella, matagal-tagal na akong hindi nakakapasyal sa puntod niya. Kapag papasok siya sa isip ko, I automatically do smile, because of her genuine smile.

Ilang minuto lang at nandito na ako sa tapat ng gate ni Ella. Bumusina ako at hinintay ang paglabas niya.

Maya-maya, agad akong bumaba sa sasakyan kasi akala ko lalabas na si Ella but I was wrong. May isang babae na nasa edad na ang lumabas dito at nagtapon ng basura. Sobrang pamilyar niya, bakit kamukha siya ng mama ni France? Or baka namimiss kolang si France kaya ganito ang nakikita ko?

Paglabas ni Ella agad ko syang sinalubong at niyakap. Niyakap naman niya ako pabalik at inihabot ko ang bulaklak na binili ko kanina.

Ang tahimik ng byahe namin kaya binasag kona ang katahimikan.

" Ella, ayos kalang ba? You may tell me. I'm open and I'll listen. " I smile para mas maramdaman niya na safe place niya ako.

" Medyo malapit na kasi ako sa hinahanap ko, yung krimen na nasaksihan ko parang nakikilala ko na kung sino talaga 'yon. Pero mas lumalapit din ako sa kapahamakan. "  Paliwanag niya may butil din ng luha sa gilid ng nata niya. Medyo nanginginig din siya, nararamdaman ko talaga na natatakot siya.

" Ella, I am here. I will protect you, " tumingin saakin si Ella kaya ganoon din ang ginawa.

" Thank you Stanley, kasi nandito ka lagi sa tabi ko. " Saad niya at ngumiti rin sa wakas.

" By the way Stanley, huminto ka saglit sa gilid. Hindi pa naman siguro tayo male-late. " Request niya kahit hindi ko alam ang gagawin niya, ginawa ko nalang.

" Ayan, pero anong gagawin mo? " Tanong ko, niyaya niya ako na lumapit sakanya kaya ginawa ko naman.

Akala ko may ibubulong siya saakin, pero namilog ang mga mata ko when she suddenly kiss my cheek. I really don't know kung anong itsura ko ngayon.

" HAHAHAHAHA you're blushing Stanley! " Pagtawa ng malakas ni Ella kaya umiwas ako ng tingin sakanya, nahihiya kasi ako.

" You deserve it, Stanley. Kiss lang pala ang magpapakilig sa Stanley ko. HAHAHAHA. "

Stanley ko? Bahala na kung mag-mukha akong bading pero kinilig ako sa part na 'yon.

Tumatawa padin siya kaya inumpisahan konang buhayin ulit ang makina ng sasakyan para makapasok na kami.

Kanina parang ang daming problema ni Ella ngayon naman sobra-sobra ang energy niya. Mabilis din magbago ang mood niya.

Pagpasok namin sa DU, nakatingin ang lahat saamin pero mas hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa kamay ni Ella. Hindi ko narin nakikita si Kim dito university.

Pagpasok namin sa classroom, nandoon na pala si Sir Francisco. Nagtataka ako kung bakit naka-focus si Ella kay Sir Francisco, para syang detective kung titignan. Nakita kong nagulat si Ella noon itinaas ni Sir Francisco ang wrist part ng longsleeve niya. Anong meron doon? Mas nagulat ako sa ginawa ni Ella, nagsuot siya ng plastic gloves at kinuha ang ginamit ni Sir na Whiteboard marker.

Kitang-kita ko na maingat niya itong hinawakan at iniligay sa plastic. Mabilis din niya itong inilagay sa box na naglalaman pa ng ibang bagay. Pagbalik din ni Sir, pa-sikretong kinuhanan ni Ella ng litrato si Sir.

In my perspective, may hinala na si Ella about doon sa krimen na nakita niya. Hindi rin kasi dinetalye ni Ella saakin that is why, kaunti lang ang alam ko.

What was that? Para saan 'yon? Wait, hindi kaya ang taong nakita ni Ella na pumatay sa isang tao, ay si Sir Francisco?

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon