𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 18:

47 4 0
                                    

Ella's POV

Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa DU. Gusto ko kasing makapag-isip muna sa mga bagay na sinabi saakin ni Stanley. Hindi ko talaga alam kung mag te-take ako ng risk o ano. Ang sabi kasi saakin ni Mama, pwede naman raw akong mag take ng risk as long as ikakasaya ko ito.

Ang daming nangyari, pero kahit hindi ako pumapasok sa DU. Hindi nakakalimutan ni Stanley na tumawag at mag-text saakin. Gusto nyang pumunta dito pero hindi ko siya pinapayagan. Napag-alaman ko rin na umalis na raw sa DU si Third. Noong una nalungkot ako pero para siguro sa career niya kaya he chose to study in US.

Maayos na ang lahat ngayon, hindi ako lumayo at hindi lumayo si Stanley saakin. Bigla nalang naging magaan ang loob namin sa isa't-isa. Matapos na malalim na usapan namin naging ganito nalang bigla. Hindi ko mapaliwanag pero parang wala na kaming problema.

" Anak, may rider sa labas. Hinahanap. " Sigaw ni Mama kaya agad akong tumayo sa kama ko. Wala akong in-order sa pagkaka-alam ko. Eh, hindi ko nga alam gamitin yung mga apps na pwedeng um-order ng kung ano-ano.

Lumabas ako sa kwarto at kinuha ang twalya ko para ipang-cover sa katawan ko dahil mainit ang panahon.

" Good afternoon po, Ma'am. " Ini-abot niya saakin ang isang bouquet ng bulaklak at dalawang paper bag ng Mcdo. Biglang natuwa ang puso ko noong makita ko ang logo ng McDonald's. Ito ang favorite ko sa lahat ng kainan dito sa Pilipinas at kung pupunta man ako sa ibang bansa, Mcdo pa rin ang hahanapin ko.

" Kuya, sorry po wala po kasi akong inorder na ganyan. " Lintanya ko kay Kuya Rider. Tumingin naman siya sa phone niya at hiningi ang ID ko. School ID lang ang mayroon ako at iniabot sakanya.

" Sayo nga Miss. Bayad na po ang mga 'yan. Buksan mo nalang po yung letter sa bouquet para malaman mo po kung saan galing. Thank you! " Umalis na si Rider at hanggabg ngayon nalilito ako kung kanino galing ito.

Pagpasok ko sa bahay, agad akong umupo sa Dine-in area ng bahay namin at tinignan ang letter sa loob. Dalawa pala ang letter?

Kinuha ko muna ang letter na galing doon sa Bouquet at binasa ko ang letter. Galing pala kay Third ito

Hello Ella!

Thank you for everything. Sorry hindi na akk formal na nakapag-paalam sa'yo. Nagmamadali na kasi si Daddy na umalis dahil may business meeting pa siya. I hope this flowers will help. Alam kong nahihirapan ka ngayon pero huwag kang magpaka-lunod. Chose to be happy. I will reach you soon, babye!

- Third


Tama na ang balita, naka-alis na talaga si Third. Ano ba 'yan na-miss ko agad ang childhood friend ko. Nakakapag-tampo, kailan lang kami nag-meet pero umalis na agad siya.

Bumaling naman ang tingin ko sa Mcdo paper bag, may letter rin doon. Kinuha ko ito mula sa pagkaka-tape sa paper bag at binsa ko ito. Sabi na eh, kay Stanley galing ito. Alam niya talaga ang gusto ko.

Good afternoon, Ella.


Anong ginagawa mo ngayon? Hindi ka na ba umiiyak? Kung umiiyak ka ngayon, please tumahan kana, okay? Ayan, kainin mo ang mga 'yan. Alam kong mas gagahan ang pakiramdam mo sa matcha Icecream na favorite mo. See you later!

- Gwapong Stanley. Haha.


" Anak, kanino galing ang mga 'yan? Ikaw ha, may hindi ka sinasabi saakin. " Nilapitan naman ako ni Mama at kiniliti sa pagiliran. Halos habulin ko ang paghinga ko dahil sa pangingiliti ni Mama saakin.

" Mama naman, college na po ako pero parang baby niyo pa rin ako. " Biro ko kay mama at kunwaring nagtatampo.

" Syempre naman anak, ikaw lagi ang baby namin. Kaya ikaw ha, piliin mong maging masaya. Magiging maayos din ang lahat. "

Lumapit ulit ako kay mama at niyakap ko siya ng mahigpit. Nararamdaman ako ni Mama kapag may problem ako. Ang bilis ng panahon ngayon lalo na ang oras. Pumanik na ako sa kwarto at naghanap ng masusuot ko mamaya. Magkikita kasi kami ni Stanley sa Astro Park. May fireworks display daw kasi doon.

Maya-maya pa naman ang alis namin dahil nasa klase pa siya. Siguro bukas papasok na ako. Nang makahanap na ako ng susuotin ko, pumunta ako sa kusina at nadatnan kong patapos na si Mama sa pag-bake ng brownies.

" Akala ko ba magkikita kayo ni Stanley? Minsan sabihin mo pumasyal na siya dito. Ayy, Oo pala hindi pa pwede. Osige, dalhin mo ito sakanya ha? " Inabot saakin ni Mama ang isang dosena ng brownies. Inilagay ko naman ito sa ref. Humingi na rin ako ng isang piraso ng brownies at tinikman ito.

" Ma, sabi mo first time mo palang mag-bake? Bakit ang sarap? Parang mamahalin ang lasa nito, Ma. " Tsaka ko ninguya ang natitira na brownies na hawak ko.

" Nambola kapa, Anak. Sige na, humakyat kana at mag-bihis. "

Sinunod ko naman si Mama sa sinabi niya at inayos ko na nga ang sarili ko. Nagsuot lang ako ng Jacket na matatakpan ang balat ko at kinuha lang ang tote bag na lagi kong dala-dala.

---

" Go inside " pinagbukas naman ako ng pinto ni Stanley at pumasok naman ako. Ang lapad ng ngiti niya ngayon. Ang sarap makita ng mga mata niya na masaya.

" May sasabihin pala ako sayo mamaya pagbaba natin sa sasakayan mo. " Tinignan naman ako ni Stanley at tumayo naman ito.

After a minutes, nakarating din kami sa Astro park. Maganda pa din ang vibes dito. Ayon nga lang, nagsisimula na ang fireworks display. Iba-iba ang disenyo at lakas ng fireworks. Sobrang ganda. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Napatingin naman ako kay Stanley at nahuli ko syang nakatingin saakin.

Lumapit ako sakanya at bumulong.

" Stanley, I will take the risk. "

" What? Anong ibig mong sabihin, Ella? " Nalilitong tanong saakin ni Stanley pero hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya. Ang gwapo ng lalaki na 'to.

" Hayaan natin si Kim. Tatanggapin ko ang risk para lang hindi tayo magkalayo. Gusto kong patunayan natin ang isa't-isa. " Yumuko ako dahil feeling ko tutulo ang luha ko anytime.

" So, hahayaan mo na akong ligawan ka? " Tanong ni Stanley kaya tumango ako.

" Maliligawan ko na si Ella! Maliligawan ko na si Ella! " Sobrang saya niya at sumigaw siya sa buong paligid. Nakangiti naman ang mga nakakarinig sakanya at nakatingin sakanya.

" I will prove myself to you, Ella. Promise. " Tumingin siya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa mga mata ni Stanley pero mas lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Ipinikit ko ang mata ko at hinintay ang nangyari.

Maya-maya pa, dumampi ang malambot na labi ni Stanley sa labi ko. Hindi ko alam pero mukhang ito ang kauna-unahang halikan namin ni Stanley.

Inilagay ko ang isang palad ko sa likod ng ulo niya para kumapit sa leeg niya. Habang ang isang kamay ko ay hawak-hawak niya. Hawak niya rin ang bewang ko.

Biglang nag-fireworks ulit kaya nahinto ang halikan namin ni Stanley, kitang-kita ang kasiyahan niya sa mukha ngayon. Alam ko rin sa sarili ko na masaya ako ngayon kay Stanley. Nilapitan niya ulit ako at niyakap ng mahigpit.

" Ella, beautiful personality will end with beautiful change. Tinulungan mo akong baguhin ang pananaw ko noon sa pag-ibig. Tinulungan mo akong bumangon sa mga bagay na matagal nang nangari. "




Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ulit ng mahigpit.

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon