𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 12:

47 3 3
                                    

Ella's POV

" Pakakainin nalang kita, Stanley. " Inalalayan ko siya sa pag-upo at pag sandal niya. Mukhang nakikinig naman siya saakin.

Kinuha ko ang pagkain niya sa side table niya at ang sarap ng ulam niya. Ginisang ampalaya at boiled egg.

Kumutsra ako ng kanin kasabay ang ulam at inilapit sa bibig ni Stanley ang kutsara pero ayaw nyang buksan ang bibig niya.

" Kainin mona 'to. Para makainom ka ng gamot mo. " Sambit ko sakanya, pero nakatingin lang siya sa bintana.

" Hindi ako kumakain ng ganyan. One more thing, gawin mo ang yung activities ko hindi ko sinabi na asikasuhin mo ako. " Mahagya akong nasaktan pero kaya ko naman.

" Kahit hindi mo ako bayaran ang importante ngayon ay kumain ka at gumaling ka. " Wala na syang nagawa at kumain siya. Sinubuan kolang siya ng sinubuan hanggang sa maubos niya. Hindi daw kumakain pero naubos niya.

" Ang arte mo, mauubos mo din pala. Oh, inumin mona 'yan. " Inabot ko sakanya ang gamot niya at mabilis naman nyang ininom ito.

" Ella, can you bring my shirt? Kuhain mo sa closet ko. " Tumayo ako at tinungo ang closet niya. Grabe sobrang dami ng damit niya. Hindi ko tuloy alam kung anong kukunin ko sa mga 'to. Kinuha ko nalang din yung white t-shirt.

Ibibigay kona sana sakanya pero nagulat ako dahil hinubad na pala niya ang t-shirt niya. Shuta, those biceps. Ang hot niya tignan jusko. Parang matcha Ice cream sa sarap. HHAHAHAHA char.

" Ang arte mo, mauubos mo din pala oh. " Aba, ginaya niya ako sa linya ko. Hindi ko kasi namalayan na nakatitig na pala ako sakanya.

" Tse, bahala ka dyan. "

" Pumunta kana dito, tulungan mo ako sa damit ko. " Bwesit na lalaki 'to bakit ba siya nanginginig. Nagkakasala tuloy ako. College student na kami pero dipa ako ready sa mga ganitong nilalang.HAHA.

Tinulungan ko syang masuot ang damit niya at hinayaan ko syang ma-upo doon sa kama niya.

" Dyan kana muna ah? Kapag inaantok kana, humiga kana. Tatapusin kolang ang mga activities mo tapos tawagin mo ako kapag may kailangan ka. Okay? " Nakangiting sabi ko sakanya kahit na naiinis na ako sa ginagawa niya. Parang ang tipsy niya, ino-obserbahan niya ako.

Hinayaan ko siya doon at sinimulan kong gawin ang activities niya, madali lang 'to. Binuksan ko ang device ko at kinopya ko nalang ang sagot ko. Para hindi kona babasahin pa ulit yung mga questions. Ang dami pa naman nito. Pero ayos lang, HAHAHA. Matatapos kodin agad ang mga 'to.

Tumingin ako sa likod ko at nahuli kong nakatingin si Stanley saakin. Bigla syang umiwas ng tingin saakin.

" Matutulog na ako. Tapusin mo 'yan. Pahatid ka nalang sa Driver namin pagkatapos mo dyan. " Habilin niya pero diko marinig yung last na sabi niya e.

" Sige Mr. Mood swing, matulog kana. Goodnight! " Sigaw ko sakanya at nagpa-cute. Mukhang nainis naman siya sa ginawa ko. Bwesit na lalaki 'to. Ayaw sa maganda at cute.HAHAHA.

Nag-focus nalang ako sa mga activities ni Stanley dahil inaantok narin ako. Naalala kolang yung sinabi ni Stanley na babayaran raw niya ako, medyo na-offend ako doon. Kasi diba, kaya ko naman tumulong na kahit walang kapalit. Tutulong naman ako lalo na kapag alam kong kailangan na kailangan.

Pero hahayaan ko nalang dahil may sakit yung tao, saan gumaling na siya pag-gising niya.

" Ella, bakit mo kamukha si France? " Biglang tanong ni Stanley, kaya nanlamig ang buong katawan ko sa kinauupuan ko. Hindi agad ako nakasagot dahil nahihirapan ako magsalita sa lakas ng tibok ng puso ko.

" Huh? Sino ba 'yon, matulog kana. Nilalamig kapa din ba? " Pag-iiba ko ng usapan at tumango naman ito. Nilapitan ko siya at kinumutan ko 'yan.

" Ikaw, Mr. Mood swing dapat natutulog kana. Para gumaling ka agad. Okieee? " Pagpapaliwanag ko sakanya habang inaayos ang pagkakakumot niya.

Hindi na siya nagsalita pa at pumikit na, bumalik na rin ako sa kinauupuan ko. Sinimulan kona ulit ang pagsagot sa mga activities.

Kahit inaantok na nagawa ko padin tapusin ang activities niya. Wala pa naman pasok bukas kaya ayos lang na mag-puyat. Nilapitan ko ulit si Stanley to make sure na ayos na siya. Kinapa ko ulit ang noo niya para alamin kung nilalagnat pa siya, bale sinisinat nalang siya ngayon.

" Hoy Stanley na inaatake ng mood swing, uuwi na ako. Natapos kona ang mga activities mo. Magpagaling ka! " Inayos ko ulit ang kumot niya. Kinuha ko naman ang tote bag ko at isinabit sa balikat ko.

Binuksan ko narin ang lampshade sa side table niya at pinatay ang ilaw. Lalabas na sana ako sa pinto ng magsalita siya.

" Uuwi kana? Hindi pa ako magaling.  Can you stay all night? "

" I'll stay. Basta magpahinga kana. " Pumasok ulit ako at umupo sa tabi niya. " May masakit ba sayo? "

" Wala naman, nilalamig lang. Can I request a hug from you? Uhm, open the lights. Hindi ako makakatulog. " Nagulat ako sa inasal niya para syang isang bata. Sobrang cute ng pagkakasabi niya. Tumayo nalang din ako at binuksan ang ilaw.

" Mag re-request ka ng hug mula sa tulad ko? Diba panget ako? Tama ka, ang panget ko nga. " kunwari nagtatampo ako. Kaya umupo siya bigla at hinila ako papalapit sakanya. Hindi kona magawang gumalaw pa at niyakap niya ako na sobrang higpit. Hindi nalang ako nagsalita pa at niyakap kona siya pabalik.

" You're gorgeous. You made my day better. Buri danaka, " bulong niya saakin pero hindi ko naiintindihan yung huling sinabi niya.

Buri danaka? Ano 'yon?

--------------------------------------------------
A/N: For those reader na Kapampangan ang dialect, advantage niyo 'yan. Pero for those ppl na hindi alam 'yan please huwag niyo i-search para hindi mawala ang thrill ng story.

Have a great day ahead!

-Aboutfictionx

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon