EPILOGUE:

85 4 14
                                    

France Ella's POV

Dalawang taon na ang nakakalipas pero tandang-tanda ko parin ang pagkawala ng mommy ni Stanley dahil humarang siya noong paputukin ni Kim ang baril pero hindi pa siya natatapos doon.

" Stanley, I'm not finist yet. Kung ayaw mong mamatay ang pamilya ni Ella at si Ella, sumama ka saakin. Ako ang pakasalan mo. "

Sumang-ayon si Stanley sa gusto ni Stanley. Lumabas rin sa television ang kasalanan nila. Makikita mo naman sa television na masaya si Kim pero si Stanley hindi. Alam kong ginawa lang naman niya 'yon para saakin. He is very protected to me.

Nandito ako ngayon sa mall na pag-aari ko, sa nakalipas na taon nagawa kong bumili at mag-manage ng mall. Nakabili na rin ako ng sariling bahay at kotse. Syempre kasama ko sila Mama at Papa doon.

Pagkatapos kong mamili ng mga make-ups tsaka mga stationary materials I decided to go outside para umuwi na. Pero bago ko pa magawa 'yon napadaan ako sa McDonald's branch ni Stanley at Kim. Sila na ang may-ari non.

Huminga nalang ako ng malalim para hindi na isipin pa 'yon. Kung iniisip niyo kung anong nangyari saamin ni Stanley, ayon ang huling usapan namin noong ribbon cutting.

Iniisip ko nalang ngayon ang sarili ko pati ang mga kasama ko sa bahay. Alam kong masakit rin para kay Stanley ang lahat at ako rin ay patuloy na nasasaktan ngayon.

Habang naglalakad ako tila ba nanghihina ako dahil nararamdaman ko na naman amg kalungkutan dahil sobrang namimiss kona si Stanley.

Wala na rin naman akong balak na kausapin pa siya. I respect his wife. Ayokong pumasok pa sa kung ano sila. Nag-desisyon lang naman si Stanley para sa kapakanan at kaligtasan ko.

Pero ang sakit lang talaga, yung taong akala mo papakasalan ka iba ang pakakasalan niya. Noing nakita ko sa TV ang live na pag-kasal nila, halos madurog ako dahil sa sakit.

Dahil nawalan na ako ng mood, nag-decide na ako na pumunta na sa parking lot at hanapin ang kotse ko. Pagkita ko, agad ko itong binuhay at pina-andar. Pag-liko ko, nakita ko ang dalawang kinatatakutan kong makita. Magkahawak sila ng kamay.

Hininto ko ang sasakyan at unti-unti silang tumitingin sa direksyon ko. Mabuti nalang at tinted itong sasakyan ko kaya hindi nila ako makikita.

Ang sakit talaga makita ng taong mahal mo na hawak na ng iba at may hawak na rin itong iba. Si Stanley yung nagpalakas ng loob ko noon pero siya rin pala mismo wawasak ng kalooban ko ngayon.

Pag-harap ng dalawa, halatang galit si Stanley. Kaya bumaba ako. Nakayuko akong bumaba sa sasakyan ko kasi hindi ko sila kayang tignan.

" Next time mag-ingat ka naman, paano kung may mangyaring masama sa asawa k- " hindi ko na siya pinatapos at humarap ako sakanila. Nanlaki talaga ang mata ni Kim noong nakita niya ako.

" Talagang magagalit ka, Stanley?! Hindi ko naman sinasadya 'yon! " May diin ang bawat salita ko habang patuloy na bumabagsak ang luha ko.

" Sino ka ba at bakit kilala mo ako? " What? Kinalimutan niya ako?

" Teka, hindi mo...
-ako kilala Stanley? " Tanong ko sakanya dahilan para mas humagulgol ako.

" Huwag mong pilitin ang tao kung hindi ka niya kilala, stay away girl. " Bulyaw ni Kim saakin kaya napatingin ako sakanya mula sa ulo hanggang sa Paa.

" So, you're pregnant? " Tanong ko rito. Ang sakit lang na makita ang ganito. Akala ko ba ayaw ni Stanley kay Kim? Akala ko ba hindi niya ito gusto? Akala ko ba ako ang gusto niya? Ano 'to?

" Yes, 4 months. Actually, we're big happy family. Kaya huwag mong aagawin si Stanley saakin. Look, hindi ka niya kilala. " Pang-aasar ni Kim saakin.

" Baka nakakalimutan mo sino itong nagbanta at nanakot para magka-boyfriend. Hindi mabubura sa mundo ang pagiging desperada mo. Pasalamat ka buntis ka kung hindi kanina kapa lumalangoy dyan sa sahig. "

" Hindi mo 'yon magagawa kasi nandito ako. I will protect her from you. Please stay away! " Natakot ako sa sigaw ni Stanley kaya agad akong sumakay sa sasakyan ko para iwanan ang nakakabaliw na eksena at lugar na 'yon.

Mabilis akong nag-drive papunta sa favorite place ko which is yung astro park. Pina-andar ko ito ng mabilis kahit na malakas ang ulan at malakas ang pag-iyak ko.

Akala ko noon, kami ang magkakatuluyan ni Stanley dahil pinag-laruan ang relasyon namin noon ng mommy niya, pero mas ginulo pa ngayon.

The worst part is, the person you love can't remember you and your memories.

Mabilis ang pag-andar ko ng kotse hanggang sa may paparating na sasakyan sa direksyon ko tsaka ko ito mabilis na iniwasan. Kitang-kita ko kung paano nagpa ikot-ikot ang sasakyan ko sa daan hanggang sa bumangga ito sa poste.

Mula sa side mirror ng sasakyan ko na may crack na, kitang-kita ko ang pulang likido na dumadaloy sa noo ko.

" I will going to stop crying, isasama ko ang memories namin sa langit. I love you, Stanley Eun Deluvio. "

THE END ~

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon