𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 4:

82 5 0
                                    

Ella's POV

" Come inside, " utos niya at pinag-buksan naman niya ako ng pinto sa sasakyan niya. Ano ba kasing nangyayari sa lalaki na 'to?

" Saan mo ba kasi ako dadalhin? Make sure na ibabalik mo ako sa pinang-galingan ko. Ipapa-pulis talaga kita. " Banta ko sakanya, pero tumawa lang siya. Ang tipid naman tumawa nito.

" Does it look like I'm stealing you? " Tanong niya saakin habang naka-focus siya sa pag da-drive.

" Hindi mo kaya sinasagot yung mga tanong ko. Feeling close kapa naman. " Atungal ko. Hindi talaga ako mapalagay sa lalaki na 'to. Hindi ako sanay na kasama siya.

" Here, I will not hurt you. Huwag ka nalang magsasalita dyan. Pasalamat ka sinama kita. " Biglang natahimik ang paligid matapos niya sabihin 'yon.

" May sinasabi ka? "

" Nothing, HAHA " tumatawa ka pala? Ang suplado niya kaninang nasa DL university.

Tumingin ako sa labas at mukhang palubog na ang araw. Hindi ko pinansin ang kasama ko. Bakit ba kasi kasama ko ang lalaki na 'to?

Habang nakatingin ako sa labas, biglang naalala ko yung araw na sobrang nasasaktan ako. Tapos ngayon parang bumabalik yunh sakit dahil nakita ko na naman ang taong minsan konang nakasama. Hindi na nga niya ata ako kilala.

Napansin kong huminto sa gilid ang sasakyan at tumingin naman ako kay Stanley at bumuntong hininga nalang ako.

" Wait, are you crying? Look, kung natakot kita. I'm sorry. Please forgive me. " Tumingin ako sa mata niya, ramdam ko na totoo naman ang pag-sorry niya.

" Apology accepted. Basta huwag mo akong sasaktan ha? " Bulong ko sakanya habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Natatakot na kasi ako, baka mangyari ulit yung kinatatakutan ko at hanggang ngayon pinahihirapan ako.

" Hindi kita sasaktan, Panget. " Magsasalita pa sana ako kaso hinila na niya ang kamay ko. Bakit ba ang hilig mang-hila nito?

Teka, nandito kami sa Astro Park. Sobrang lawak padin pala nito. Hindi padin pundido yung mga ilaw sa bawat poste. Habang pinag-mamasdan ko ang paligid. Parang napapansin ko si Stanley na tumitingin sa mukha ko. May dumi ba sa mukha ko?

" Hahanap tayo ng mauupuhan natin. " Biglang turan niya kaya hindi nalang din ako nagsalita.

Sa wakas, nakahanap din siya. Pero hindi ako komportable sa bench na 'to. Hindi nalang dapat dito.

" Iwanan na muna kita dyan. I will buy some foods. Hintayin mo ako dyan, alright? " Tumango nalang ako ngumiti.

Hinintay ko s'yang maka-alis at huminga ako ng malalim. Ang ganda ng gabi na 'to. Bilog ang buwan. Ang presko pa ng gabing 'to. Ang saya siguro kung ang lahat ng tao hindi nasasaktan no?

Tumayo ako at hinaplos ang bracelet na nasa wrist ko ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang taong nagbigay nito.

Naalala kopa yung mga sinabi niya noong araw na ibinigay niya ang bracelet na 'to.

" Akin na ang kamay mo. " Nagtaka ako kung bakit pero ibinigay ko nalang ang kamay ko.

" Hala ang cute naman nyan Babe. Bakit mo naman ako binigyan ng ganyan? Sobrang ganda talaga. Nagustuhan ko. " Kuminang ang mata ko dahil sa ibinigay niya. First time kong makatanggap ng regalo sa ibang tao.

" I'll give it to you so that even if you're not with me, it's like I'm holding your hand and I'm still with you. "

Yumuko ako dahil sariwa padin saakin ang mga sinabj niya saakin noon. Hindi ko namalayan na humahagulgol na ako dito sa bench.

Tinitignan ko lamang ang bracelet na hawak ko. Muntikan naman akong mahulog dito sa bench nang biglang lumitaw si Stanley sa harapan ko. Nakatingin lang din siya sa bracelet na suot-suot ko ngayon.

" Do you own that? I mean, ako naka-kita nyan. " Paliwanag ni Stanley saakin.

" Oo saakin 'to, ikaw pala ang nagbalik sa lost and found office? " Tanong ko sakanya at tumango lamang siya. Parang biglang natahimik siya.

" Talagang sayo ba 'yan? " Tanong niya ulit. Kaya agad akong lumapit sakanya at pinakita ang pangalan na nasa likod na part ng bracelet.

" Okay sayo nga. So, ikaw yung babaeng panget na naka-banggaan ko? " Tumango ako kasi siya nga 'yon. Parehas sila ng scent e.

" Take this. " Inabot niya saakin ang Icecream na Matcha flavor. Teka? Nakilala ba niya ako? Ayy, hindi. Tama hindi nga.

" Salamat. Ang bait mo naman pala Stanley. Napano kaba kasi kanina sa debate? " Pagsisimula ko dahil dalawa nalang kami dito sa bemch tapos hindi paba kami mag-uusap diba?

" Ikaw na muna ang mag-kwento, mukhang iiyak kana kanina e HAHA. " Uminom naman siya ng dala-dala n'yang pineapple juice.

" To make it short, iniwan ako. Iniwan lang ako through phone call. 1 year kami, pero ganon-ganon lang siya nakipag-hiwalay saakin. " Tsaka ako ngumiti.

" You know what, tapusin mona 'yan. Para maihatid na kita sa bahay niyo. " Tulad ng sinabi niya, kinain ko itong binili niya saakin na Matcha Icecream at may foods pa na naka-paper bag.

" Tara na Stanley, ang daming natirang foods. " Pinulot ko ang mga pinagkainan namin at tinapon ko sa basurahan.

" Dalhin mo ang mga 'yan. Para sayo talaga 'yan. " Tsaka ko nalang siya ni-ngitian. Kinuha ko naman ang paper bag na naglalaman ng pagkain at soda. Kinuha naman niya ito at siya na ang nagbuhat.

Pumasok na kami sa sasakyan niya at sinimulan na n'yang buhayin ang sasakyan. Nagmaneho lang siya at ang tahimik niya.

" Ayos kalang? " Nagulat ako ng magsalita siya.

" Ah oo. Ikaw stanley? Nabusog lang siguro ako kaya nanahimik. Haha. " Balik na tanong ko sakanya.

" Ayos lang ako. "

Mabilis ang pagmaneho niya at mabilis rin kaming naka-alis sa Astro park. Anong oras na ba? Tumingin ako sa cellphone ko, 8:40 palang naman pero bakit inaantok na ako? Masyado ba akong napagod ngayon? Siguro nga.

" Where did you live? Enter mo sa map. " Sinundan ko naman ang utos niya, ituturo ko nalang sana sakanya pero baka malito lang siya. Ibinigay ko din agad ang phone sakanya at sinundan niya ito.

" Malapit kalang pala. " Bumaba siya at pinag-buksan niya ako ng pinto.

" Salamat Stanley. Gusto mobang pumasok sa loob? " Offer ko sakanya pero hindi na daw.

" Uhm, what's your name again? Ah! Ella, sorry for what I said a while ak-" hindi kona siya pinatapos pa at nagsalita na rin ako.

" Wala na 'yon. Hintayin mo ako dyan. Babalik agad ako. " Mabilisan akong pumasok at kinuha ang Jacket ng kapatid ko. Ipapagamit ko sakanya, dahil malamig ang klima ng panahon plus my aircon pa yung sasakyan niya. Agad akong lumabas at inabot sakanya.

" Para sayo 'yan! " Masayang turan ko sakanya. Halatang nabigla siya sa ibinigay ko pero deserve naman niya.

" Thank you, I will keep this. "

" Anong keep ka dyan, suotin mo. Akin nanga, " kinuha ko sakanya at pinagpag ko. Pinasuot ko narin sakanya. " Hoy Stanley, igalaw mo 'yang kamay mo. Pahihirapan mopa ako ah! "

Ipina-suot ko sakanya ang Jacket at bagay niya. Since, maskulado siya bagay na bagay niya ang Jacket.

" Ayan! Sobrang ganda sayo. " Energetic ko na sabi sakanya dito sa tapat ng bahay namin.

" Thank you. I need to go. "

" Mag-iingat ka, goodnight! "

Hinintay ko s'yang makasakay at pumasok na rin ako sa loob. Oras na ng pahinga.


Sana lagi nalang magaan ang lahat. Sana lagi nalang maayos ang lahat.

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon