Ella's POV
" Ella, anak ayos kalang ba? Parang pasan mo ang mundo. Kumain kana dito, " in-assist naman ako ni Mama papunta sa upuan. Pinag-sandok niya ako ng kanin at itlog kaya kumain na rin ako.
Mabigat talaga ang pakiramdam ko ngayon dahil sa nangyari noong isang gabi, lunes ngayon pero wala akong ganang pumasok. Hindi ko kasi maintindihan si Stanley, bakit naging ganon siya bigla. Sa dalawang araw na walang pasok, puro pag-iisip lang ginawa ko. May reporting mamaya pero hindi pa ako nakakapag-review sa part ko. Naging naguguluhan ako.
" Ma about po doon sa libro, hindi ba binigyan mo'ko ng pambili? Next time nalang po ako bibili. " Turan ko kay mama na ngayon binabantay ako sa pagkain.
" No worries anak, kahit anong gawin mo doon sa pera na binigay ko ayos lang. " Sagot ni Mama. Nilapitan naman niya at niyakap ng mahigpit.
" Kapag may problema sa DL university, or kahit saan pa magsabi ka ha? Yung mga taong humahabol sayo bantayan mo, mag-iingat ka lagi. "
" Opo ma, hindi naman po siguro nila ako mahahalata dahil sa effort kopo oh.HAHAHA. " Tumayo ako at umikot, kunwari prinsesa. Tumawa naman si Mama.
" Hindi ka paba male-late anak? " Tanong ni Mama kaya chineck ko yung oras.
" Hindi pa po, maaga pa Ma. " Kaya tumango nalang siya.
Pinagpatuloy ko ang kinakain ko pero naiisip ko padin yung nangyari noong isang gabi. Hindi ko pa rin maintindihan si Stanley sa part na 'yon. Hindi ko padin maintindihan ang lahat.
Kinuha ko ang bag ko na nakasabit doon sa pader at ni-refill ng water yung tumbler ko dahil mukhang mainit sa labas ngayon. Siguradong mauuhaw ako at papawisan ng limpak-limpak nito.
" Ma, pasok na po ako. " Tsaka na ako nagmano sakanya at tumango nalang si Mama. Ramdam siguro ni Mama na may problema ako.
Sinimulan kona ang paglalakad at ngayon kolang naalala na hindi pala ako nakapag-walis sa kwarto ko bago ako umalis at nakapag-spray ng Air freshener. Routine kona kasi 'yon bago pumasok sa DL university.
Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko mukhang male-late ako kaya binilisan ko nalang din ang paglalakad. Ayoko kasi na laging late sa klase no. Nakakahiya kasi talaga. Imagine, nakatingin lahat sila sayo.
Lumabas ang cholesterol ko sa katawan at sa wakas nakarating din ako dito sa DLU.
Pag-pasok ko palang nakita kona agad yung tatlong aso na laging gumugulo sa buhay ko.
" You ugly gurl, " ang arte ah? Ganda 'yan? Hind naman.
" Ako ba? " Tanong ko, lumingon naman ako sa likod pero ako talaga ang kausap nila.
" Sino pabang panget? Tell us, bakit mo kasama si Stanley sa Astro Park? " Maawtoridad na tanong niya saakin.
" After namin sa power point na ginawa namin, nag pa-tulong siya sa'kin doon. By the way, bakit ko ipapaliwanag ang lahat sainyo, sino ba kayo? " Taas noo kong tanong sakanila. Nabigla naman ang mga nakakarinig saamin.
" Ngayon lang ako nakakita ng babaeng panget tapos ang landi pa. Siguro malandi rin ang Mam-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil buong lakas ko s'yang sinampal. Dinig na dinig ang sampal ko. Pero ang masama lang, umiiyak ako ngayon. Hindi niya dapat isali ang Mama ko na nananahimik lang sa bahay namin at walang ginawang masama. Hindi ko napigilan ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.
" Sa susunod na sabihin mo pa 'yan sa Mama ko, sisiguraduhin ko na hindi kayo makakalakad hanggang sa maka-graduate kayo dito sa DLU. " Banta ko sakanila pero tumawa lang ang asong gaga.
" Ayy shet natakot ako huhu. Mapipilay mo kami? Eh? Halika ka dito. " Mabilisan nila akong kinuha at sinabunutan.
Hinayaan ko nalang sila at sinubukan ko padin na alisin ang mga kamay nila sa buhok ko. Medyo masakit 'to, pero tinitiis ko. Ayokong mawala ang paghihirap ko.
Ayokong malaman nila ang totoo, dahil buhay ko din ang kapalit. Mahirap ang ganito, pero para din naman 'to sa sarili ko.
" If you don't stop that, you won't get a picture with me. "
Kilala ko ang boses na 'to. Boses ni...
" Stanley mylovesss, titigil nakamiiii. Pa-picture haaa " sigaw ni Asong number 1. Parang hindi ako sinaktan ha?
" At ikaw, umalis kana. " Utos niya saakin kaya tumayo na agad ako. Hindi ko alam kung pinagtanggol ba niya ako o ano.
Pero bakit nagpa-picture siya? Knowing na ayaw niya 'yon at base rin sa naririnig kong kwento sa mga fans niya.
Dahan-dahan akong tumayo at kumapit ako sa flooring din kasi wala akong makakapitan. Medyo mabigat pa naman ang bag ko ngayon dahil dala-dala ko yung bahay namin. Joke, hehe. Dala ko kasi yung laptop ko dahil nga presentation namin ngayon.
Naglakad na ako palayo doon dahil dumadami na ang mga kababaihan na mukhang aso din kagaya ko ang nagkakagulo dahil daw sa kagwapuhan ni Stanley. Nako, kung si Stanley nalang ang matirang lalaki sa mundo hindi ko talaga papatulan dahil sobrang gulo niy- " Ella! " Sigaw ni Stanley. Bwesit! Hanggang kailan ba niya ako tatawagin?
" Napano ka? Nag-walk out ka last-last night tapos ngayon tinatawag mo ako? " Okay naman na talaga saakin, binibiro kolang siya. Sinusubukan kolang kung anong sasabihin niya.
" Take this. " Tsaka niya inabot saakin ang Match Frappe na mukhang mamahalin ang brand. Mukhang ayaw niya pag-usapan yung pag walk-out niya noong isang gabi. Kung iniiwasan niya na pag-usapan 'yon hindi ko nalang din sasabihin sakanya o itatanong. Baka kasi may problem lang siya.
" Thankyou! Take this as well. " Malapad akong ngumiti sakanya pero ang seryoso pa rin niya. Kinuha niya lang ang inilutong lunch para saakin ni Mama at tumalikod na siya. Snacks lang kasi ako mamaya at ayokong kumain kaya naisipan kong ibigay nalang sakanya.
Hindi pa ako lumalayo, tinatawag na naman niya ako. See, mahilig talaga siya tumawag-tawag.
" I will take you to your house later. "
--------------------------------------------------
A/N: Hi guys, musta kayo? Igalaw ang baso kung may nagbabasa ba nito :< , kung may na se-sense na kayo na something, share niyo naman. ( Comment down )
Kakatapos lang ng finals namin kaya ngayon lang din nakapag-update. Huwag kayong maiinip ah?
Keep reading and enjoy it!
Madami pa ang mangyayari. See you sa next chapter.
- aboutfictionx
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL CHANGE
FanfictionFrance Ella Pineda is a lonely girl na nagtatago sa mga tao dahil sa isang dahilan at ang tanging lugar na ligtas siya ay ang Deluvio University. Enter-Stanley Eun Deluvio na walang ginawa kung hindi tumahimik at mag-suplado sa loob ng University na...