𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 11:

57 3 0
                                    

Ella's POV

" I need you. Puntahan mo ako sa bahay please. "  Halos tumalon ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa text. Baliw na Stanley na 'to. Nanggugulat siya. Pero ito padin pala ang number niya. Naghilamod ako at sinuklayan ko ang buhok ko. Nag-apply na rin ako ng nude shade na cream sa mga spot na makikita na ang liwanag. HAHAHA.

Pumunta ako sa walk in closet ko at naghanap ng masusuot ko. Nakakita ako ng Pants na Jeans, tsaka off shoulder na color maroon. Ito nalang ang susuotin ko tapos ipapares ko nalang sa flat shoes. Para mukhang tao naman akong pupunta sa bahay ng mga Demonyo, I mean Deluvio. Hehe.

Bumalik ulit ako sa banyo para mag-toothbrush pagkatapos nag-mouth wash na rin ako. Napatingin ako sa salamin at kitang-kita ko talaga ang malaking pagbabago sa balat at sa mukha ko. Hindi bale na maganda padin ako.hehe.

" Shuta, nagawa kopang mag-toothbrush eh kailangan na ni Stanley ng tulong. Napano ba kasi 'yon? Buti nalang at tapos kona ang mga activities ko. " Bulong ko sa sarili ko kaya agad akong lumabas sa banyo at nag-bihis nalang dito sa kwarto ko.

Mabilisan kong inilagay ang coin purse ko at suklay sa tote bag ko at agad na nilisan ang kwarto ko.

Paglabas ko sa gate, agad akong humarang ng tricycle para makasakay agad. Papahatid nalang ako doon sa mismong bahay nila Stanley. 200 nalang pera ko tapos 150 pamasahe doon. Hayaan mo nanga.

Ano ba kasing nangyari sa lalaki na 'yon? Kainis talaga siya!

Pero kahit pabago-bago yung mood non, hindi ko padin maiwasan na hindi mag-alala dahil naging mabait naman yung tao.

Nagtext ako at tinanong ko kung bakit, pero hindi man lang siya nag-reply. Sa palagay ko, ipapagawa lang niya saakin yung mga activities namin. Pero hindi e, kasi matalino 'yon. Top 1 nga sa klase kaya imposibleng hindi niya gawin 'yon at lalo nang imposible na tamarin 'yon.

" Kuya, malayo pa ba tayo? " Tanong ko dahil parang short cut ang dinaanan ni Kuyang driver.

" Opo, malapit na. Nagmamadali naman 'to. " Sana nilakasan pa niya para narinig ko diba? Nagtatanong lang e. Hindi nanga lang ako magtatanong.

Maya-maya pa, hininto na niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng Deluvio. Bwesit na gate 'to, parang gate ng DLU.

Hindi kopa naman mahabot ang door bell kaya nagwala nalang ako sa labas, char. Tumawag nalang ako atleast kapag may makarinig saakin pagbubuksan ako. Yes! Sabi kona e, may lumabas na isang kasambahay at ang lapad ng ngiti niya. Mukhang mabait.

" Magandang gabi po, nandyan po ba si Stanley? Pinapapunta niya po kasi ako dito. " Tanong ko habang abala siya sa pagbubukas ng pinto.

" Pumasok ka anak, mabuti nalang at tumila na ang ulan. Pasok dali, baka mabasa ka. " Pumasok naman ako at pinayungan ako ni Lola, mukhang matagal na syang nagtatrabaho dito.

" Mabuti at pinapunta ka niya? Maliban kay France, ikaw palang ang pinapunta niya dito. Yung ikaw lang ba. " Naubo naman ako  dahil sa sinabi niya.

Agad nyang hinaplos ang likod ko at niyaya niya akong uminom muna sa loob. Kahit umuulan, ang linis parin tignan ang paligid dito sa bahay nila. Kapag nasa loob ka ng bahay nila hindi mo mararamdaman o maririnig na umuulan pala sa labas.

" Pagkatapos mo dyan, puntahan mona si Stanley sa taas. Nako, iyang bata na 'yan nabasa na naman sa ulan. Biyernes ngayon no? Galing na naman siguro sa puntod ng Girlfriend niya na namatay sa aksidente. " Bahagyang kumirot ang dibdib ko, may naging Girlfriend pala si Stanley na namatay?

Tinapos kona ang iniinom ko at umakyat na sa second floor ng bahay. Hinanap ko ang kwarto ni Stanley pero madali ko naman itong nahanap dahil nasa dulo 'to. Kumatok ako ng tatlong beses pero wala padin sumasagot kaya mas nilakasan ko ang pagkatok ko.

" You may come in. " Mahina lang pero narinig ko ang boses ni Stanley, pero mukhang nagbago ang boses niya.

Hindi kona inisip pa 'yon at pinihit ko ang doorknob. Pumasok na ako at tumambad saakin si Stanley na nakakumot at ginaw na ginaw.

Kitang-kita din sa study table niya ang device niya at mukhang sumasagot siya kanina ng activities.

Agad akong tumakbo papalapit sakanya at hinawakan ang leeg niya. Hinawakan ko na rin ang noo niya para makasigurado. Nilalagnat si Stanley.

Bumaba ako ng mabilis at agad na kumuha ng palanggana na may tubig at face towel. Hingal na hingal ako sa pag-akyat.

Lumapit muli ako kay Stanley at pinunasan ang noo niya pababa sa mukha niya.

" Pinapunta kita dito para gawin ang mga activities ko, babayaran kita. Gawin mona 'yon. Stay away from me. " Parang bata siya kung magsalita. Mukhang kailangan niya ng pagaalaga ngayon kaya pinilit ko padin ang sarili ko.

" Gagawin kolang 'yon kung kakain ka. Umupo ka at kumain ka. " Matigas na sabi ko, napa-hiling nalang siya sa sinabi ko.

" I will not eat. " Pagmamatigas niya.

" Edi hindi, uuwi nalang ako at ikaw na tatapos sa mga 'yan. " Tsaka ko tinuro yung device na nasa study table niya. Aaktong aalis na ako when he suddenly grab my wrist. Dahilan para matumba ako sa dibdib niya at mapatingin sa mga mata niya.

Habang nagkakatitigan kami sa isa't-isa, tila ba ang bagal nang oras at ang  bagal ng lahat.

Ang ganda ng mga mata niya, kilay, pilik mata at ang pinkish na labi niya. Hindi ko alam kung lalaki ba talaga 'to dahil sa sobrang linis niya tignan. Mukhang malinis din siya dito sa kwarto niya dahil naka-organize lahat.

Nang bumalik na ako sa pagkatao ko, HAHA. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Ayaw padin talaga nyang kumain.

Umarte ako na parang naiinis na at mukhang effective naman dahil ramdam kong ino-obserbahan niya ako.

" Kakain na. " Sagot niya kaya agad na bumalik ang energy ko.

Hinayaan ko syang umupo mag-isa pero mukhang hindi niya kaya. Kaya inalalayan ko siya sa pag-upo.

" Stanley, nanginginig ka. Kaya mobang kumain? " Tanong ko at umiling siya. Mukhang hindi nga niya kaya dahil nanginginig siya.

" Pakakainin nalang kita, Stanley. "

--------------------------------------------------

Hi! See you sa next chapter. Alam niyo ba ang mangyayari sa next chapter?HAHAHAHAHA.

Kahit ako kinikilig. HHAHAHAHA see you guys.

-Aboutfictionx

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon