𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 16:

43 4 1
                                    

Ella's POV

" Isang beses mopang ulitin yung idamay ang mama ko sisiguraduhin ko na lalapat ng paulit-ulit ang palad ko sa mukha mo. " Bulong ko kay Kim nang madaan ko siya sa seat niya. Sinimulan niya 'to. Dapat tapusin niya. Sinabi ko naman sakanya na hindi ko talaga siya tatantanan kapag hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

Umupo ako tapos nagulat ako dahil sa lakas ng bell, senyales na break time na. Tumayo ako at isinabit ang backpack ko. Naisip kolang buti tinantanan na ako ng mga humahabol saakin. Ibig kong sabihin parang hindi kona sila nakikita ngayon na nag-aabang kung saan-saan.

" Ella, " lumingon ako sa likod ko na parang beauty queen at nagulat ako sa tumawag sa pangalan ko.

" Magbebreak ka ba? Sabay na tayo. " Naka-ngiting pagyayaya ni Stanley saakin. Hindi ko alam ang isasagot ko at bigla akong pinagpawisan ng sobra.

" Sorry, Stanley kasama ko si Third. Niyaya na niya kasi ako. " Paliwanag ko sakanya at mukhang nalungkot siya. Kitang-kita sa mukha niya yung pagbabago ng reaction niya.

" Ella, tara? " Pagyayaya saakin ni Third na ngayon palapit saamin ni Stanley. Tinitigan ni Stanley si Third, ganoon rin ang ginawa ni Third. Parang nag-aaway sila sa pamamagitan ng pagtingin nila sa isa't isa.

" Third tara na. Stanley, we need to go. " Wow, english 'yan? I need to do this. Ayokong masaktan ulit. Pipiliin ko nalang na masaktan kaysa sa makasakit ako ng kapwa babae. Honestly, hinahanap ko si Stanley araw-araw. Kahit sabihin ko na iiwasan ko na siya, pero yung mata ko hinahanap siya. Masakit sa part ko ang ginagawa ko at alam kong masakit din para kay Stanley 'to dahil wala s'yang idea about dito.

" Ella, hanggang ngayon naguguluhan padin ako kahit ipinaliwanag naman ni Tita ang lahat. Natitiis mo talagang magtago sa make-up na 'yan? I mean, ang itim ng shade na 'yan, hindi talaga 'yan ang complexion mo. " Natatawa ako sa reaction ni Third, pero pinipigilan ko kasi seryoso siya e.

" Oo, kaysa naman mapatay ako ng mga humahabol saakin diba? Natatakot ako. "

" Ang kapal din pala ng mukha ng Ex mo no? Pagkatapos ka nyang hiwalayan tapos ngayon kahit kaunti hindi kaman lang niya nakikilala. " Tumingin si Third sa malayo at halatang nagagalit. Pero ako may naiwan na question mark sa noo ko. Paano niya nalaman?

" Huwag na natin pag-usapan 'yan. Maiintindihan niya rin ang lahat. " Sagot ko dito at nagpatuloy sa kinakain namin.

Ang sarap talaga ng pagkain dito sa cafeteria kahit medyo pricey worth it naman, nakakainis lang dahil nabibitin ako. Tumingin ako sa paligid at nahagip ng mga mata ko si Stanley nahuli ko s'yang nakatingin sa direksyon ko. Nang mapagtanto niya na nakatingin ako sakanya, agad syang umiwas at kunwaring nag-focus sa phone niya.

Pagkatapos kong kumain, tumayo naman ako at tinapon ang kalat ko sa trash bin. Hindi ko napansin na naka-harang pala yung mga pinagbalatan ng orange. Hindi kona nagawang i-balanse pa ang pagkakatayo ko at wala na akong nagawa kung hindi pumikit. Hinintay ko nalang ang mangyayari.

Binuksan ko ang mga mata ko dahil may naramdaman akong mga kamay sa likuran ko. Pagmulat ng mga mata ko, nagulat ako dahil sina Stanley at Third ay sinalo ako. Hindi ko nagawang magsalita hanggang sa may magsalita.

" May masakit ba sayo? " Sabay na tanong ni Stanley at Third. Hay nako, sumasakit ulo ko sa mga 'to. Nakatingin na ang mga estudyante saamin.

" Stanley, can you please stand? Hayaan mo ang babae na 'yan. Ginawa niya 'yan to caugh your attention and the other males here. Let's go. " Paliwanag ni Kim. Hindi totoo ang sinasabi niya, kitang kita naman ng mga tao dito na hindi ko sinadya 'yon.

Bago pa umalis si Stanley, tinignan niya ako na parang may sinasabi saakin.

" Do you want to go in clinic? " Seryosong ni Third at mukha nag-alala rin.

" Hindi na, ayos lang naman ako. " Tsaka ako ngumiti ng malapad. Kinapa ko naman ang bulsa ko to check kung nandyan ang cellphone ko. Good thing nandito naman.  Tinignan ko ang oras ang I received a text messages from Stanley. Hindi ko napansin na nag-text siya. Kanina pa pala niya ako ni-ri-reach out na sabay kaming mag-break pero hindi ako nag re-reply.

Huminga ako ng malalim at may naisip akong puntahan mamayang gabi. I need to breath. Sobrang nakaka-stress yung araw na 'to.

Gusto kong tanungin ang sarili ko kung tama ba ang nararamdaman ko ngayon, lagi kong hinahanap si Stanley kahit nawasak na ang puso ko noon. It's weird to say 'puso' pero ang hirap kapag 'yan ang nag-desisyon.

Bakit ko siya hinahanap ngayon?

Bakit gusto ko lagi ko s'yang nakikita?

Minsan, nakokonsensiya ako na hindi siya kausapin kasi naaawa ako sa mga mata niya na tila ba kinakausap ako.

" Stanley Eun Deluvio, bakit mo ginugulo ang isip ko? "

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon