Ella's POV
Hanggang ngayon pala-isipan pa din ang mukha ng tatay ni Stanley, hindi ako pwedeng magkamali. Hawig na hawig sila at base sa kwento ni Stenley, parehas din ang scenario.
Kahit may klase ngayon, hindi ako makapag-focus dahil sa mga bagay na iniisip ko.
" Ella, " tinawag ako ni Stanley at nag-thumbs up, parang tinatanong kung ayos lang ba ako. Tumango naman ako at ngumiti.
" Good morning, Class! So, we are back and for today's lesson I will be discussing about different dialects in the Philippines. Marami sainyo ang may alam ng iba't ibang dialect. Can you please site one? Anyone? " Tumingin ako sa bintana dahil wala akong alam na dialect at hindi ko alam ang isasagot ko. Nag-raise ng kamay ang kaklase ko at ang lahat ay napatingin sakanya.
" Hindi ko po alam kung tama ito, pero nabasa kolang din naman sa book. Yung buridanaka/buridaka is gusto na kita/gusto kita. One more thing, the greatest and sweetest call sign daw po sa Kapampangan na dialect is "Jo" that's all po. " Literal na nakanganga ako ngayon, na-flash back ang lahat ng sinabi saakin ni Stanley na " buridanaka " ibig sabihin pala non is gusto niya ako?
" Wahhh, ang gulo! "
" Ms. Pineda, any problem? "
" Nothing, Sir. Sorry po. " Sumigaw na pala ako ng hindi ko namamalayan, hindi ko kasi ma-take yung sinabi ng kaklase ko. Nagpaalam na muna ako para pumunta sa comfort room, kailangan kong makita ang sarili ko.
Tumakbo ako papunta sa CR at tinignan ang sarili ko sa salamin. Ang pula ng mukha ko, mamamatay ata ako sa ibig sabihin ng duridaka.
" Stanley, bakit mo ba kasi sinasabi at nagagawa mo akong pakiligin! " Para akong tanga dito sa CR at nakangiti. Para akong nanalo sa pageant. HAHAHA.
Bago pa ako lumabas sa CR, tumunog na ang bell hudyat na break time na. Paglabas ko sa pinto ng CR, nakita ko si Stanley na naghihintay sa labas at nakangiti saakin. Yung ngiti na parang nang-aasar ba. Nilapitan ko siya at kinurot ang tagiliran. Tumawa tuloy siya at nawala ang mga mata niya. Ang cute at gwapo ng lalaking 'to.
" Sabay na tayo mag-break. " Nakatingin siya saakin pero nakatingin lang ako sa hallway.
" Ayoko nga. Pinahirapan mo pa ako kakaisip sa mga salita na 'yon. Kung hindi labg sinabi ng kaklase natin hindi ko malalaman ang meaning ng mga 'yon. " Umarte ako na kunwari nagtatampo, ayokong ipakita na kinikilig ako.
" So, noong moment na sinabi ko 'yon. Iniisip mo ako, tama ba Ella? " Tumawa siya ng malakas kaya nahampas na naman siya saakin. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.
" Huwag kang mag-alala, iniisip din kita that day. " Tsaka siya tumakbo at hinabol ko. Grabe ang lalaki na 'to, feeling ko talaga sobrang pula ng mukha ko ngayon dahil kagagawan ng lalaki na ito.
Nang maabutan ko siya, kinurot ko siya sa tagiliran at ginulo naman niya ang buhok ko.
" Ella, anong kakainin natin? Waffles? Hotdog sandwich? Cheese beef burger? "
" Kuha ka ng dalawang waffles at dalawang icecream. Heto ang bayad, libre kita ngayon. " Ngumiti naman ako.
" Hindi na, ako nalang Ella. Itago mo nalang 'yan. Baka maglakad ka mamayang uwian. HAHAHAHA. " Bwesit 'to, mapang-asar talaga. Ngayon kolang nalaman na magaling siya mang-asar, eh paano ba naman ang suplado niya noon.
" Sige ikaw na dyan, pero mamayang pag-uwi bili tayo ng milktea. Ako naman manlilibre sayo. Deal? " Tanong ko sakanya, nakakahiya kasi na puro siya ang nanlilibre saakin. Ibig kong sabihin dapat, give and take. Baka ano pa ang isipin ng iba kapag nakita nila ito.
" Deal! " Kinuha naman ni Stanley ang order namin at tumungo kami sa upuan at mesa dito mismo din sa cafeteria.
Magka-ibang flavor pala ang binili ni Stanley, isang matcha at isang chocolate waffles.
" Stanley gusto mo? " Inalok ko siya sa waffles ko na matcha, pero tinignan niya lang ako.
Pagkagat na pagkagat ko sa waffles, mabilis syang lumapit saakin at kumagat din siya sa waffles na kagat-kagat ko ngayon. Bumagal ang lahat sa paligid ko, at alam kong nakabukas ng todo ang mata ko ngayon dahil sa gulat.
Tinignan ko sa mata si Stanley at mukhang nagulat din.
" Uhm, sorry. " Sabay kami sa pagkasabi nito.
" Pagkagat mo kasi sa waffles, lumabas yung matcha feeling. Kaya agad kong sinalo. " Tinignan niya ako at bahagyang natawa. " Ayos kalang? Ang pula ng mukha mo. "
" Oo ayos lang, huwag mong gagawin ulit 'yon. " Hindi ako makatingin sa mata niya.
" Ella, tumingin ka. " Utos niya kaya dahan-dahan akong tumingin. Pag-tingin ko sakanya, halos sumigaw ako dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nagtama na ang ilong namin dahil sa sobrang lapit niya saakin.
" Stan-ley, anong ga-gawin m-o? " Mas lumapit siya saakin at hinalikan ang labi ko.
"When you spit on food, you can't give it to others, someone informed me. Now that I've kissed you, you're mine, and I'm not going to give you to anybody else. " Yumuko ako pinigilan ang kilig na kanina kopa tinitiis. Kinuha naman niya ang phone niya at may tinignan doon. Gagantihan ko 'to. Hintayin molang talaga Stanley the great. HAHAHA.
" Stanley, "
" Yes baby? " Tumingin ulit siya saakin. Mabilis kong kinuha ang face towel ko sa bag, hindi kopa nagagamit ito kaya magagamit ko ngayon.
" Huwag mong hahayaan na pag-pawisan ka, okay? " Sobrang lapit ko sakanya at pinunasan ang noo niya na pawisan. Namula ang tenga at pisngi ni Stanley kaya mas napalakas ang taw ako.
" Huwag monang gagawin ulit 'yon. " Pang-gagaya saakin ni Stanley.
" Okay, sa iba ko nalang ba gawin? " Um-acting ako na kunwari tatayo at hinawakan naman niya ang wrist ko.
" Saakin lang. Let's go, next subject na. " Kinuha naman niya ang ibang gamit ko at binuhat niya.
Grabe, sobrang saya lang sa puso na napapangiti ako ng usang Stanley Eun Deluvio na dati halos mag-away kami araw-araw.
" I'm lucky to have a Stanley in my life.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL CHANGE
FanficFrance Ella Pineda is a lonely girl na nagtatago sa mga tao dahil sa isang dahilan at ang tanging lugar na ligtas siya ay ang Deluvio University. Enter-Stanley Eun Deluvio na walang ginawa kung hindi tumahimik at mag-suplado sa loob ng University na...