Ella's POV
Umaga na naman at papasok na naman, hindi kona nagawang mag-almusal pa at agad na akong naglakad papunta sa DL university. Wala kasi si Papa ngayon dahil nagdelivery ng fresh milk while si Mama naman umalis daw sa bahay sabi ng kapatid ko.
Ang saya talaga maglakad kapag ganito kaaga, kasi konti lang yung mga tao tapos hindi ganoon kainit. Mabilis lang akong nakarating sa DL University at dumaan muna ako sa bentahan ng school supplies dito sa tabi ng office. Wala na kasi akong gagamitin na ballpen.
" Grabe, buti nakapasok ang taong 'yan dito? Dito ba talaga 'yan nag-enroll? "
" Look, her bag is too cheap. "
" Hey you, " boses ng babae na narinig ko mula sa likod ko. Lalakad na sana ako ulit ng bigla nilang hilahin ang bag ko patalikod.
" Anong problema niyo? " Tanong ko sakanila. Humarap talaga ako sakanila na tila ba walang pakielam sakanila.
" Your face. Paano ka naka-pasok dito? " Tanong saakin nung babae na nakapa-gitna sakanila. Kim daw ang pangalan non, narinig ko noong tawagin siya ng kasama niya.
" Nag-enroll ako and nagbabayad ako ng tuition fee. Ikaw ba paano ka nakapasok dito? " Nakangising tanong ko sakanya, hinila nila ang bag ko at muntikan na akong matumba kaya dapat nilang tapusin 'to.
" Bastos pala 'to e. " Aakto na sana si Kim na sampalin ako pero agad kong tinaas ang boses ko.
" Subukan mo akong saktan, sisiguraduhin ko na babakat ang tumbler sa mukha mo. " Mahinahon ko na sabi sakanya. Mukhang nagulat ang mga nanonood saamin pero wala akong pakielam. Nag-walk out ako at napahinto ulit dahil tinawag nila ang pangalan ko.
" You deserve this, " tsaka niya ako tinulak ng malakas. Sobrang sakit sa pwet. Hindi man lang ako tinulungan ng mga nanonood. Nagtatawanan lang sila. Hindi ko nalang sila papatulan dahil ayokong madungisan ang pangalan ko dito sa DL university. Mas ibang araw pa para magkita kami ulit.
Pero legit, halos umiyak ako sa sobrang sakit. Ayoko nalang ipakita dahil ayokong ipakita na mahina ako.
Pinilit kong tumayo at pinagpagan ang sarili ko. Kinapa ko naman ang buhok ko at maayos pa naman. Dumiretsyo na ako sa room ko at ipinahinga ang sarili ko. Wala pa naman si Sir kaya ayos lang siguro 'to.
Iginala ko ang mga mata ko sa classroom pero hindi ko makita si Stanley. Papasok ba ang lalaki na 'yon? Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging top 1 eh kapag titignan ko siya parang hindi naman siya intresado sa mga lesson. Narinig ko kasi sa mga classmates ko na Top 1 daw siya lagi.
Maya-maya nakita ko narin si Stanley, hindi siya naka-ngiti. Walang emosyon ang mukha niya.
" Ang gwapo talaga niya. "
" Akin lang si Eun Deluvio! "
" Stanley babyyy! "
Nag-focus ako sa paghahanap ng ballpen baka kasi bigla kaming mag-lecture at wala akong gamitin. Nagulat ako ng tumunog ang desk ko. Pag-tingin ko may paper bag.
Tinignan ko ito at yung turang pagkain namin ni Stanley pero hindi pa naman sila nabubuksan. Nakalimutan ko pala 'yon sa kotse niya. Tumingin ako sa kinauupuhan niya pero nakatingin lang siya sa harapan. Walang emosyon o kahit ano. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o ano.
" Good morning Class! " Bungad ni Sir at agad na ibinalik ang mga seats sa dating lugar nito. Biglang transform ba.
" Please be ready. Review for 10 minutes, after mag te-test kayo. Go! " Hala, sabi kona e. Mag te-test pala. Wala parin akong ballpen, hindi ako nakabili dahil sa mga bwesit na babae na 'yon. Ang kakapal ng mukha. Mukha naman silang aso.
" Stanley, may extra ballpen ka? " Nilakasan kona ang loob ko kahit mukhang hindi maganda ang gising ng isang 'to.
Kumuha siya ng ballpen mula sa bulsa niya at ibinigay saakin.
" Salamat haha. " Turan ko dahil akala ko mababadtrip siya saakin.
After 10 minutes, natapos na ang lahat sa pag re-review pero wala parin pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung makaka-survive ba ako sa test na 'to pero susubukan ko.
" I will give you another 10 minutes to finish the 10 items test. Go! " Sinimulan kona ang pag sagot pero sa number 1 palang hindi na ako makasagot kahit multiple choice naman. Ano ba naman 'to? Bakit ang hirap?
Tumingin ako sa orasan ko at hindi ko alam ang gagawin ko dahil 5 minutes nalang matatapos na ang oras na ibinigay ni Sir.
" Panget, " tumingin naman ako kay Stanley dahil siya lang naman ang tumatawag saakin nyan maliban sa mga tatlong babaeng tao kanina. Ibinigay niya ang papel niya at tinignan ko siya with *anong gagawin ko dito look* tsaka ako ngumiti ng malapad sakanya.
" Kumopya kana. " Hindi na ako nagsalita pa at kumopya na agad ako. Mabilis ako sa pangongopya at alam kong alam 'yan ng maraming estudyante dahil halos lahat ng mga estudyante nangopngopya din.
Dahil raw may tiwala si Sir saamin, hinayaan niya kami na i-check ang sariling papel namin. Nabigla ako dahil kahit isang mali wala ako. Ibig sabihin, tama lahat ang sagot ni Stanley. Ang galing niya. Dinaig pa ako, siguro kung nanghula ako kanina 2 lang siguro ang score ko.
" Niligtas mo ako. " Inabot ko sakanya yung container na may Honey butter chicken wings na dinala ko. Busog pa kasi ako kaya ibinigay ko nalang sakanya serve as thank you narin.
Tinitigan niya at hindi pa kinukuha, itatago kona sana ng biglang hawakan niya ang kamay ko at kinuha ang container.
" Kukunin din pala. " Bulong ko sa sarili pero mukhang narinig niya kaya ngumiti nalang ako.
Natapos ang klase na halos quiz ang ginawa namin. Anong meron ngayon? Pero atleast tapos na. Maglalakad nalang ako pauwi dahil ayokong mag-commute. Dumating din ba kayo sa point na parang tinatamad kayo mag-commute tapos maiisip niyo na mas better pa na maglakad nalang? Pwes, kung hindi ako ganon ako. Tapos inaantok din ako kapag nag ka-kape ako.
Sinimulan ko ang paglalakad at mukhang naiwan kopa yung cellphone ko sa locker ko. Hinanap ko ng maayos sa loob ng bag ko pero nakita ko din naman agad. Maya-maya pa may humintong sasakyan sa harapan ko. Masama ang kutob ko sa mga 'to.
Tatakbo na sana ako ng harangin naman ako ng isa pang lalaki na naka-suot ng black. As in black lahat. Nanghina ako dahil feeling ko dumating na ang kinatatakutan ko. Ang mahanap nila ako.
Nilapitan ako ng isang lalaki at tinakpan ang buong mukha ko. Hindi kona nagawang sumigaw pa dahil nanghihina na ang buong katawan ko.
" Stanley, help me. " Tanging sigaw ko sa utak ko.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL CHANGE
FanfictionFrance Ella Pineda is a lonely girl na nagtatago sa mga tao dahil sa isang dahilan at ang tanging lugar na ligtas siya ay ang Deluvio University. Enter-Stanley Eun Deluvio na walang ginawa kung hindi tumahimik at mag-suplado sa loob ng University na...