Ella's POV
" Apo sobrang dami mo naman gawain ngayon. May kailangan ka ba na maibibigay ko? " Nasa pinto pala si Lola Linda at pinapanood akong maglinis ng mga gamit ko dito.
Para maramdaman ni Lola na kailangan ko siya, pinakuha ko nalang ang walis at mabilis naman niya itong nakuha. May paniniwala kasi ako na dapat iparamdam mo na kailangan mo ang isang tao lalo na kung family member mo. Hindi ko alam kung anong pakiramdam, hindi ko talaga mapaliwanag kung bakit ganoon.
" Dinalhan narin kita ng tubig apo ko, uminom kana muna. " Lumapit siya saakin at kinapa ang likod ko. Tumanga-tango naman ito dahil siguro hindi basa ang likod ko. Malamig naman kasi dito sa kwarto.
" Salamat Lola! " Tumalikod siya saakin at dumako ang tingin niya sa salamin ko. Lumapit siya doon at tinignan ng maayos ang suklay ko.
" Apo, bakit ang dami naman atang buhok na naiiwan sa suklay mo? " Tanong saakin ni Lola pero hindi ko rin alam ang isasagot ko.
" Dalawang linggo napo kasi 'yan at hindi nalilinisan Lolaaa, " kaya tumango naoang ulit siya at lumabas na sa kwarto. Sa totoo lang, dalawang araw palang 'yon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang daming nalalaglag na buhok sa sahig sa tuwing magsusuklay ako.
Bumalik naman ang tingin ko sa mga boxes dito sa ilalim ng kama ko at sinubukan tignan kung ano ang laman ng mga kahon dito. Para ma-dispose ko na ang ibang bagay dito at magamit ang mga bagay na pwede pa. Habang patuloy akong nagtitingin ng mga bagay dito, napatingin ako sa isang black na box. Binuksan ko ito at halos mabitawan ko ang box noong makita ko ang laman nito. Nandito kasi ang wallet nung bumaril sa lalaki na nakita ko sa parking noon at sa palagay ko may ID na nakalagay dito. Alam kong magagamit ko ito kapag nagka-taon. Binalot ko ito sa plastic para hindi mawala at madagdagan ang finger prints nito. Gusto kong buksan para makilala ko kung kanino 'to pero hindi ko magagawa 'yon.
Inilagay ko sa bag ko ang wallet at inipit sa mga libro ko habang nakaplastic ito. Magagamit ko 'to. Kinukutuban na ako. Ang tanging alam kolang ngayon ay may tattoo ang lalaki sa bandang wrist niya.
Alam kong nararamdaman kona malapit konang makilala ang bumaril sa lalaki at malapit konang makilala kung sino ang binaril.
Naalala kolang, kahapon nakalimutan kong mag make-up at pagpahid ng dark shade ng foundation kaya halos manganib ang buhay ko. Hinahabol ako ng kamatayan kahapon. May bibilhin sana ako sa bookstore, tapos napansin kong sinusundan ako ng kotse kaya doon ko narealize na wala pala akong suot-suot na make-up. Agresibo ang pagpapatakbo sa kotse at halatang pinanggigigilan ako ng taong nasa loob nito. Mabuti nalang at may maliit na kalye dito at marami ang tao. Hindi na nila magawang pumasok pa dahil maliit ang kalye. Sumiksik rin ako sa ibang tao na naglalakad sa kalye para hindi na ako makita.
" Anak ella! "
" PO? " halos tumalon ako sa sahig dahil kanina pa ako tinatawag ni Mama, natulala kasi ako dahil sa pesteng kotse na 'yon. Halos patayin ako kahapon. Kasalanan kodin kasi na nakakalimutan ko ang safety routine ko.
" Kanina kapa hinihintay ng food rider sa baba, may order ka daw. "
" Ma, wala man akong order. Pero bababa na po ako. " Agad akong bumaba at lumabas ng gate.
" Good morning, Ma'am. " Inabot saakin ni Kuya rider ang paper bag ng Mcdo, at agad rin itong umalis. So, bayad na ito? Chineck ko kung sinong sender at tama nga ang hinala ko. It was Stanley.
Dinukot ko naman ang cellphone ko sa bulsa at tinext si Stanley para aware din siya na natanggap ko.
[ You: Thank you, Stanley! Eat your breakfast too. ]
[ Stanley: Yeah, masusunod po baby. Welcome, enjoy your meal.]
Agad may bumuo na ngiti sa labi ko dahilan para yumuko at itago ang kilig. Yung baby usual callsign na ng magkarelasyon, pero kapag galing kay Stanley para ang special. Nakakakilig. Makalaglag panty talaga, HAHAHAHA. Charot.
Bukas may pasok na pero tinatamad parin ako, parang bitin ang dalawang araw na pahinga kasi nagbibigay din sila ng assignment. Hindi kopa pala nagagawa yung sa Art appreciation subject namin, yung coffee art. Ipa-pass na 'yon bukas pero wala padin akong idea doon.
Maya-maya bigla akong napakapit sa pader dito sa sala dahil parang dumilim ang paningin ko. Paramg dumilim. Kaya huminto na muna ako para kumalma ang katawan ko. Hindi ako ganito noon, ano ito?
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL CHANGE
FanfictionFrance Ella Pineda is a lonely girl na nagtatago sa mga tao dahil sa isang dahilan at ang tanging lugar na ligtas siya ay ang Deluvio University. Enter-Stanley Eun Deluvio na walang ginawa kung hindi tumahimik at mag-suplado sa loob ng University na...