𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 3:

77 7 0
                                    

Ella's POV

" Class, 4th week na simula mag-start ang klase. Wala pa rin tayong lesson hanggang ngayon. Para ma-refreash ang mga isip niyo. We will be having a debate. " Anunsyo ni Sir kaya ang ibang kaklase ko huminga ng malalim tapos ang iba naman ay inayos ang pagkaka-upo nila.

Hinati kami sa dalawang grupo at inayos ang mga upuan. Hindi kopa naranasan magkaroon ng debate pero susubukan ko kung sakaling ako ang tawagin.

Nagsimula ng mag sulat si Sir sa blackboard atsaka ngumiti ng malapad.

" Sa palagay niyo sino ang mas nasasaktan? Ang taong iniwan or ang taong nang-iwan. " Tsaka nag-hiyawan ang mga kaklase ko.

" Mr. Stanley please stand. " Nakita ko naman si Stanley na walang ganang tumayo.

" And, Ms. Ella. Yeah, please stand. " Utos ni Sir kaya tumayo nalang din ako.

" Ms. Ella, ikaw ang taong iniwan while Mr. Stanley ikaw ang nang-iwan. Are you ready? " Tanong ni Sir kaya parehas kaming tumango ni Stanley.

" Ella, magsisimula sayo. Go! " Utos ni Sir. Tumingin ako sa paligid ko at sinimulan ko muna sa level 1 na usapan. HAHAHA.

" Classmates and Mr. Stanley, naniniwala ako na mas nasasaktan ang taong iniwan. From the word itself, iniwan. For example ako, my intentions are pure but you betrayed me. Sino ang mas nasasaktan? Syempre ang taong naiwan. " Paliwanag ko, mukhang natahimik naman ang klase.

"I don't believe you. It hurts even more for the person who left. Why? It's simple, because he has to quit because he's having a hard time. What do you know about Love? Sa mukhang 'yan, who doesn't seem to leave you?" Personalan Stanley? Hintayin mo lang ako.

" Kung sabihin kong Oo may nagmahal saakin. May magagawa ka? Buksan mo ang mga mata mo Stanley. Love is not about what you see. It's about consistency and maturity. Kung iniisip mong mas nasasaktan ka dahil nang-iwan ka. Mali ka, masyado kang manhid para doon. Kung nawalan ka ngayon, you deserve it. Dahil manhid ka, hindi mo alam ang nararamdaman ng taong mahal mo. " Paliwanag ko at nag-hiyawan naman sila. Lumapit saakin si Stanley na nanlilisik ang mata pero wala parin reaksyon ang mukha niya.

"A man doesn't deserve to lose the person he loves. What if it's destiny to lose it? Can you do anything? Don't tell me I deserve to lose because you don't know how I feel. Kaya nang-iiwan ang isang tao para makapag-isip. " Madiin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Stanley kaya hindi narin ako naghintay pa ng oras at sinabi kona ang side ko.

" Bakit ikaw Stanley, nararamdaman mo ba ako? Bakit hindi mo subukan na pumunta sa pwesto ko? Iniwan ako ng walang dahilan, iniwan ako na hindi man lang alam ang sagot sa mga katanungan ko sakanya. Ngayon mo sabihin saakin na mas nasasaktan ang taong nang-iwan. If you really love that person, you will not let him or her get hurt. " Yumuko ako kasi feeling ko tutulo ang luha ko. Nadadala ako sa debate na 'to.

" What if hindi naman choice na mang-iwan nung taong nang-iwan? Paano nagkahiwalay sila by accident? Everyone deserves consistent love. " Mahinahon na sagot ni Stanley.

" Everyone deserves consistent love? Bakit mo binabase sa mukha kung iiwanan ba ako o hindi? It's your own choice kung mananakit ka at mang-iiwan ka. Kaya kung naiwanan ka, you really deserve it! " Atungal ko at diniin ko rin ang bawat salitang sinasabi ko.

" Class, enough. Siguro, sapat na ito para mag simula na tayo sa lesson natin. " Biglang singit ni Sir na mukhang nabigla sa debate na ginawa niya. Bigla naman kaming nagulat sa ginawa ni Stanley.

Kinuha niya ang kamay ko at tumakbo kami palabas. Wala akong idea kung saan kami papunta ngayon. Ang kapal ng mukha niya, matapos n'yang sabihin saakin na kaiwan-iwan ako, tapos hihilain niya ako?

" Ano ba Stanley! Bitawan monga ako! " Pilit akong kumakawala pero hindi ko magawa. Emosyonal pa rin ako sa mga salitang sinabi niya saakin kanina dahil sobrang sakit.

" Just follow me. " Matipid na sagot niya.

" May pasok pa tayo, ano bang kabaliwan 'to Stanley?! " Naiirita na ako dahil hindi ko magawang kumawala. Ang lakas ng lalaki na 'to, amoy na amoy ko rin ang pabango niya. Teka, siya ba yung naka-banggaan ko?

Hindi ko alam kung tama ba ito, pero hinayaan kolang siya. Mukhang mabait naman si Stanley pero hindi ko padin makakalimutan ang mga sinabi niya. Hindi ko makalimutan yung tensyon na nangyari kanina. Kahit ano pa ang reason nito, kakawala padin ako sakanya. Sinubukan kong kumawala pero agad n'yang nahila ang kamay ko dahilan para dumikit ang katawan ko sakanya. Nasalo niya ang likod ko.

Hindi kona kayang makipag-titigan pa sakanya. Agad akong umiwas at inayos ang sarili ko.

" Stanley, saan ba kasi tayo pupunta? "

Tumingin siya ng seryoso saakin, papalapit sa mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pumikit ako at hinintay ang susunod na mangyari. Hindi pwede 'to. Nabigla nalang ako ng bumulong siya saakin.



" Hindi kita hahalikan. Let's skip class.Basta sumama kalang. "

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon