Ella's POV
What if biglang mangyari ang kinakatakutan ko? May kasabihan na dapat harapin yung kinakatakutan pero ako hindi, hindi ako naniniwala sa kasabihan na 'yon. Knowing na, buhay ko ang kapalit.
Naglalakad ako ngayon papunta sa DL University. Maganda ang learning strategies nila dito. Imagine, 2 weeks na ako dito pero ang dami konang nalaman. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong kaibigan kahit isa. Dahil nga siguro sa mukha ko. Dark skin color at kulot na buhok. Pero ayos lang, dahil sanay na sanay akong mag-isa simula iwanan niya ako.
2 years ago, sobrang nalunod ako sa kalungkutan. Humahanap ako ng sagot kung bakit nakipag-hiwalay siya saakin ang boyfriend ko. Hindi ko magawang kumilos, hindi makakain at hindi makatulog. Dumating na rin sa point na bumaba talaga ang grades ko.
Dalawang taon na, siguro nakalimutan na niya ako. Siguro may bago na siya, siguro masaya na siya ngayon. Ang sakit lang kasi ang ayos namin, sobrang ayos. Pero, nagulat nalang ako nakipag-hiwalay siya saakin sa text tapos hindi kona ma-contact pa ang number niya.
Bumalik naman ako sarili ko ng marinig ko ang mga bulungan ng mga schoolmates ko, bulungan ba talaga 'yon? Bakit naririnig ko?
Nandito na ako sa tapat ng DL University at lalakarin ko na naman ang building na sobrang layo, para kang umiikot sa tatlong mall. Sinimulan ko ang paglalakad. Sobrang basa ng likod ko dahil tagaktak ako sa pawis ngayon. Chineck ko ang cellphone ko baka kasi nag-text na siya or tumawag. Umaasa pa rin ako na babalik siya at sasabihin niya saakin na hindi totoo 'yon.
Shit! Bumangga ako sa dibdib ng kung sino, ang tibay ng dibdib naman ng taong 'to. Amoy na amoy ko din siya. Sobrang bango, pamilyar ang pabango na 'to. Agad akong kumilos at inayos ang mga gamit ko. Pinulot ko ito mula sa sahig na naka-tiles at agad din akong tumayo.
" Sorry, " tsaka ako yumuko at aaktong tatakbo na ako kaso biglang hinawakan ng lalaki na 'to ang kamay ko.
Ramdam kong nakatingin lang siya saakin at mukhang pinagmamasdan niya ako. Hindi padin ako tumitingin sakanya.
" Bago ka dito? " Tanong niya saakin. Kaya tumango naman ako.
" Halata nga, kasi hindi mo ako kilala e. " Patuloy pa niya.
" Sino kaba? Kahit sino kapa wala akong pakielam, " hindi padin ako nakatingin sakanya.
" Tumingin ka sa mga mata ko. Pagmasdan mo ako. " ma-awtoridad na sagot nito saakin.
" Ayoko nga, dyan kana. Male-late pako sa ginagawa mo e. " Atungal ko sakanya tsaka ako tumakbo ng mabilis.
" Panget bumalik ka dito! " Narinig kopang sigaw niya pero wala na talaga akong pakielam sakanya, mas panget siya. Pero infairness, ang bango niya. Tapos kaninang nagsasalita siya, sobrang bango ng hininga niya. Pamilyar talaga yung boses niya.
Teka, hindi ko makita yung classroom ko. Bakit kasi magkakamukha.
" Ayon! " Sigaw ko ng makita ko yung room number namin.
Pag-pasok ko sa classroom, naka-ngiti lang ako at ramdam ko na naman na hindi ako welcome dito. Ramdam ko rin ang mga titig nila saakin na parang pinipintasan ako.
" Okay class, as of now si Vice President muna ng class niyo ang mag a-assist sainyo sa lahat. Si Mr. Deluvio, may meeting sila kaya wala muna kayong Class President ngayon. Alright? " Anunsyo ni Ma'am kaya sumagot lang kami ng yes. Bakit ganito, kapag first to second week of class nakaka-inip? HAHAHA.
Inutusan kami ni Vice President na mag-wash muna ng kamay bago mag-start sa activity na gagawin namin. Free time namin ito pero may activity na naisip yung Vice President. Kailangan din raw ng documentation.
Lumapit ako sa wash sink, at napansin kong wala yung bracelet ko. Hala, saan ko nailagay 'yon? Nandito lang sa kamay ko kanina e. Nako, hindi pwedeng mawala 'yon.
" Nasaan na ba kasi 'yon? " Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko naman kasi naiwan sa bahay 'yom dahil hindi ko 'yon inaalis. Nalaglag koba while walking o baka naman nalaglag ko noong nabangga ako sa pesteng lalaki na 'yon? Kainis, bakit ba kasi nag-cecellphone ako kanina.
Pumunta ako sa assigned seat ko at tinignan ko ng mabuti sa bag ko at sa ilalim ng upuan. Hindi ko parin nakita. Naisipan kong lumabas nalang at hanapin sa hallway na dinaanan ko.
Hindi pwedeng mawala 'yon, mahalaga saakin ang bracelet na 'yon.
Ibinigay niya saakin 'yon.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL CHANGE
FanficFrance Ella Pineda is a lonely girl na nagtatago sa mga tao dahil sa isang dahilan at ang tanging lugar na ligtas siya ay ang Deluvio University. Enter-Stanley Eun Deluvio na walang ginawa kung hindi tumahimik at mag-suplado sa loob ng University na...