𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 7:

62 5 2
                                    

Ella's POV

" Huwag kanang mag-reklamo dyan, samahan mo nalang ako. "

Nalilito na naman ako, hindi ko talaga minsan maintindihan si Stanley. Sobrang ginugulo niya ako. Minsan ang suplado, minsan ang bait naman.

" Stanley, ayos kalang? " bulong ko sa isip ko pero binalewala ko nalang.

Sinimulan kona ulit tumulong sa powerpoint namin at ni-review ko ang part ko sa reporting para kapag nagtanong sila may isasagot ako sakanila.

Inikot ko ang mga mata ko, hindi talaga ako makapaniwala na sobrang laki ng bahay nila. Halatang hindi magugutom ang pamilya nila.HAHAHA.

" Bakit ka nakangiti dyan? " Tanong nung kaklase ko na mukhang nang-aasar.

" Wala kang pake. " Tsaka ako umirap. Syempre, maganda ako no. Isa pa, dipa kami close e.

" Yaya, maghanda ka ng makakain nila para maka-uwi na sila. " Biglang utos ni Stanley. Nagulat naman ang lahat sa sinabi niya. Mukhang ayaw niya kaming mag-stay ng matagal dito. " Just kidding, " patuloy ni Stanley. Bwesit na lalaki 'to.

" Tutu, Sir? " ( Totoo, Sir? ) Tanong nung kasambahay nila pero hindi ko maintindihan kung anong meaning non.

" Wa, kaya manayus nakang pamangan. " ( Oo, kaya mag-ayos kana ng pagkain. ) Seryosong sagot ni Stanley sa kasambahay. Hindi ko talaga sila maintindihan.

Aware ako na kapampangan yung dialect na gamit nila pero hindi ko maintindihan dahil hindi naman talaga kami taga-Pampanga which dito sa tinitirahan namin.

'Di bale na, hindi kona iisipin 'yon. Sasakit lang isip ko kung patuloy kong iintindihin 'yon. Maya-maya, nag-ayos na ng pagkain yung kasambahay. Tinitignan tignan pa niya ako, nagagandahan siguro saakin. Shet.HAHAHA.

" Siguro ayos na 'to no? All of you, nakapag-review ba kayo sa part niyo? I mean, sa reporting natin para bukas. Make sure na ready kayo. " Anunsyo ni Stanley na leader ng mga aso except ako.

Tumango lang kami bilang sagot at niyaya na niya kami sa dine-in table nila. Jusko, anong pagkain ang mga 'to. Hindi ko 'to alam, sobrang sarap ng itchura.

" I know you'all wondering kung ano-ano yung mga cuisine na 'yan. But it's delicious. You should try it. Let me introduce my favorite which is Pork Sisig. " Masayanag turan niya, nilagyan niya kami sa plate at tumulong na ag ibanh kasambahay na lagyan ang iba sa plato nila.

Favorite padin pala niya 'yon?

" Ang sarap talaga nito kahit kailan! Hindi ba favorite mo 'to Stanl- " hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil nagulat si Stanley sa sinabi ko.

" How did you know that Sisig is my favorite?" Naging seryoso ang mukha ni Stanley ng itanong niya saakin 'yan. Nanlalamig ang buong katawan ko at feeling ko pinagpapawisan ako ngayon.

" Halata lang. Kasi ang energetic mo kumain. Hehe " sagot ko kaya tumango-tango nalang siya. Mukhang nakumbinsi ko naman siya sa sagot.

Wala na ni isa saamin ang nagsalita. Nagpatuloy kami sa pagkain. Buti nalang at natapos na ang lahat ng gawain para sa reporting bukas.

Pero hindi ko padin magawang kalimutan yung ginawa niya kanina. Halos tawagin ko lahat ng santo kanina. Akala ko hindi na ako makakabalik sa bahay namin sa Angeles City. Pero kasalanan ko naman kasi nakalimutan ko.

Maya-maya pa, isa isang umalis ang mga kaklase ko. Syempre may mga service sila. Pero hindi ako naiinggit sakanila, ang saya lang siguro na stable na yung buhay. I mean, sa edad namin na 'to nabibili na nila ang gusto nila. Kahit bumili siguro sila ng house and lot afford nila.HAHAHA.

" Panget, gabi na. Suotin mo 'to. It seems like malamig sa labas. " Inabot ni Stanley yung Jacket na color black na may pagka-white. Kaya kinuha ko naman ito tsaka nagpasalamat.

" Stanley, saan pala kita sasamahan? Para makapag-sabi ako kay mama. " Tanong ko sakanya, hindi padin ako makatingin sa mata niya dahil sa nangyari kanina habang kumakain.

" Astro Park. " Matipid na sagot niya kaya tumango nalang ako. Kinuha ko naman yung cellphone ko sa bulsa ko at agad na tinawagan si Mama. Nagpaalam ako na late ako uuwi dahil sasamahan kopa ang supladong 'to. Ang saya lang kasi pupunta na naman kami sa Astro Park.

Astro Park, my favorite place ever.

Maganda kasi ang vibe na ibinibigay nito lalo na kapag gabi. Ang sarap lang kausapin ng mga bituin tuwing malungkot ka tapos pwede ka rin humiga sa damuhan kapag feeling mo nag-iisa ka.

" Let's go. " Sumunod nalang ako sakanya at pinagbuksan niya ako ng kotse. Pansin ko rin na may dala syang foods na nilagay niya compartment. Mukhang mag pi-picnic kami doon sa ganitong oras. Anong nangyayari kay Stanley? Parang ang gulo niya this past few weeks.

" Are you okay? " Tanong niya habang nasa byahe kami. " Mukhang malalim ang iniisip mo. " Patuloy pa niya.

" Uhm, oo ayos lang. Ikaw ba? " Wala na akong maisip na tanong kaya ibinalik ko nalang din yung tanong niya saakin. Grabe ang bilis mag-drive ng lalaking 'to.

" I'm good. Nabusog ka kanina? Masarap yung sisig? " Tanong niya saakin kaya tumango nalang din ako. Mas masarap kapa rin Stanley. Charot.HAHAHA. Jusko, ang likot ng isip ko na 'to.

" We're here. Tara sa bench! " Pag-aaya ni Stanley, bago pa ako makapag-salita agad niya akong hinila papasok sa Astro Park.

Astro Park at Angeles City

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Astro Park at Angeles City. ( Baranggay balibago )

" Sobrang ganda talaga dito no? " Kwento ko kay Stanley. Teka, nakatitig ba siya saakin? " Hoy, Stanley! "

" Sorry, ano 'yon? Any problem? " Tanong niya saakin at umiwas siya ng tingin saakin. Namumula yung pisnge niya. Sobrang cute niya pala.

" Bakit namumula ka? " Tanong ko habang nakangisi. Sana maasar siya.

Hindi nalang niya pinansin ang sinabi ko at agad syang kumuha ng donut at inilagay sa bibig ko.

" Stop talking. " Kaya hindi narin ako nagsalita. Mukhang naasar nga siya saakin.

Kumain nalang ako at kumain din siya, hindi niya magawang tumitig saakin kaya hindi narin ako magbubukas ng topic sakanya. Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya at nagpatugtog.

I choose you. Bakit ba ako sinasaktan ng panahon? Bakit yung kanta pa na ito?

Kinuha niya ang kamay ko at wala akong nagawa kung hindi tumayo sa kinauupuhan ko. Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at dahan-dahan naman syang kumapit sa bewang ko para sundan ang ritmo ng kanta. Hindi kk akalain na isasayaw ako ng lalaki na 'to. Para kaming magka-relasyon kung aumayaw. Umaayon din ang mga ilaw na nakapaligid sa buong park. May mga LED lights na na nakalagay sa mga halaman dito.

Kung sinasaktan ako ng panahon ngayon, ayos lang. Ang mahalaga kasama ko ang taong dahilan para maging malakas ako araw-araw.

Tumingin siya sa mga mata ko at ganon din ang ginawa ko. Tinignan kolang siya.

Nabigla nalang ako sa susunod na nangyari dahil bumitaw siya. Binitawan niya ang pagkakahawak sa bewang ko. Bigla akong kinabahan sa ginawa niya. Anong nangyari?




" You look lik-e he-r. " Halos hindi na siya makapag salita dahil sa pag-iyak niya. Tinitigan niya lang ako sa mata at agad na syang tumakbo palayo saakin. Nakakaawa ang itchura niya ngayon.

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon