𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 15:

47 4 3
                                    

Ella's POV

Maaga akong umalis ngayon sa bahay dahil ayokong sunduin pa ako ni Stanley dito. Natatakot na ako na maulit ang nangyari noong isang araw. Sa totoo lang, walang alam tungkol dito si Mama at Papa at syempre ayoko rin na malaman nila na sinaktan nila ako sa DU.

Mabilis akong hinatid ni Papa at nagpaalam. Kaunti palang ang mga estudyante dito kasi sobrang aga pa. Halos may isang oras pa bago mag-simula ang klase pero nandito na ako. Ibabalik ko yung dati na walang gulo, nagtatago lang ako at hindi nagsasaktan.

" Sira na ang umaga ko. " Pamilyar ang boses na ito. It was Kim voice at nakatingin siya saakin ngayon kasama ang mga kakampi niya.

" I saw you yesterday, nakita ko kung paano ka hinalagaan ni Stanley. Inform lang ulit kita na si Stanley fiance ko kaya you don't have any rights para kumapit sakanya. " Maarteng turan ni Kim saakin habang ako nananahimik dito sa kinatatayuan ko ngayon.

" Bakit ang landi mo no? Ganyan ka ba talaga? Baka naman kasi malandi ang mam- " hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya malakas ko syang sinampal. Halos napanganga yung mha estudyante na nakakita, dinig na dinig ko rin ang lakas ng hampas ko sa mukha niya.

" Huwag mong isasali ang mama ko dito. You don't have right as well para sabihan ng ganyan ang mama ko. If you really want na ganyanan, okay. " Nilapitan ko siya sa mukha at mariin kong sinabi ang salita na ito.

" Bakit ka ba saakin nagagalit? Bakit hindi ka magalit sa Boyfriend mo na bumubuntot saakin? Maganda ka naman, kaso hindi talaga e. Yung ganda depende kasi talaga sa ugali. " Tumango-tango ako. Hindi nakapag salita si Kim at luminga linga sa paligid. Mukhang nahihiya.

" Kung fiance mo siya, wala akong pakielam. Huwag ako ang pagbuntungan mo ng galit. Gumamit ka ng utak. Opps, wala ka palang ganon. Btw, do you want to order a 1 million brain cells? " Tsaka ako pahimpit na tumawa.

" Oh, bakit ang tahimik mo ngayon? Don't worry, hindi ko naman kukunin sayo si Stanley. Wala akong ugaling gano'n. But remember, the leading lady will always have a leading man. Sa case natin, ikaw ang director. Do some way, maging mabuti ka para ikasal ka. "

" Ah talaga ba? Eh, halika ka dito. " Hinatak niya ako pahiga at kinuha ang buhok ko. Hinila nila ako buhot ko habang nakahiga sa flooring ng DU. Sobrang sakit dahil halos ma-kalbo ako sa sakit. Hinila niya lang ako habang ang dalawa ay patunoy na inilalabas ang gamit ko sa bag at pinagbabato nila kung saan-saan.

Halos umiyak ako sa sakit hindi lang ako nakatiis dahil dinamay niya ang Mama ko. Hindi ako papayag na pati si Mama ko masali dito.

" Stop that Kim. " Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang schoolmate ko na morena. Kung hindi ako nagkakamali, kaklase ko 'to.

" What are you doing here? Bakit mo ako pinapatigil, Third? " Binitawan naman ako ni Kim at inayos ang sarili niya.

" Hala, totoo ba ang nakikita ko? Ang childhood bestfriend ko nandito sa DU? " Bulong ko sa isip ko. Ngayon kolang siya nakilala dahil sa boses niya. Ibang-iba na rin siya ngayon.

" So what? Nilalandi niya ang fiance ko. " Atungal ni Kim.

" She's my bestfriend. " Sagot ni Kim kay Third. Halatang nagulat din ang lahat, pero bakit ba? Sikat ba si Third dito?

" May bestfriend ka pala, akala ko naka-focus kalang sa Arts and paintings. " Pag-iinarte ni Kim at inikutan ako ng mata.

" Okay guys, listen. Next time na mangyayari 'to sa bestfriend ko, mangyayari sainyo 'to. " Lumapit siya kay Kim at sa dalawang kasama pa nito. May kinuha siya sa paper bag na bottles, lalagyan ng pintura ang mga 'yon.

Nagulat kami sa susunod na nangyari, ibinuhos ni Third ang pintura sa ulo ng tatlong aso. Naging tahimik ang paligid. Kahit ako literal na nakanganga ako ngayon dahil doon.

" Let's go. " Agad nyang hinatak ang kamay ko at umalis sa lugar na 'yon. Parang si Stanley 'to ang hilig manghatak. Pero paano niya ako nakilala? Dahil ba sa boses ko?

" Hoy teka, paano mo'ko nakilala Third? " Tanong ko sakanya, pero hindi parin siya tumitingin saakin.

" Galing ako sa bahay niyo, ipinaliwanag ni Tita lahat. " Hindi na ako nagsalita pa at inayos ko nalang ang sarili ko.

Pagkatapos kong mag-ayos, agad na rin kaming pumasok sa classroom ni Third. Hinintay na niya ako. Pagpasok ko palang sa room, ramdam ko ang init ng mga tingin nila saakin dahil kasama ko si Third ang artist and painter dito sa DU. Masama din ang tingin saakin ni Kim at ang dalawang aso.

Agad hinanap ng mga mata ko si Stanley, naka-upo siya sa seat niya at nakatingin saakin.

" Uhm Third, uupo na ako. Thank you ulit. " Ngumiti lang siya at pumunta narin ako sa seat ko. Ganon rin ang ginawa niya.

" Ella, sorry hindi kita nasundo sa bahay niyo. May nilakad kasi ako. " Biglang giit ni Stenley saakin habang naka-focus ang sarili ko sa mga nakasulat sa board.

" Ayos lang, maaga rin naman akong umalis sa bahay. " Pilit akong ngumiti sakanya at sinubukan kong maging natural. Mahirap para saakin ito pero kakayanin ko.

" How are you? Ayos kalang ba? Parang gusot ang uniform mo. " Tanong niya saakin pero hindi pa rin ako tumitingin sakanya.

" Hindi ako nakapag-plantsa. "

" Ella, sino pala yung kasama mo? I mean, classmate natin siya pero like matagal mo nabang kakilala? " Nahihiya pa siya sa tanong niya kaya bahagya aking natawa.

" Childhood friend ko siya, it was great nga e kasi classmate ko siya. "

" Oh, okay. " Tumango-tango nalang siya. Gusto kong nag-kwento sakanya tungkol sa nangyari saakin ngayon pero ayokong lumaki pa ito. Ayokong malaman niya na sinasaktan ako ng fiance niya dahil sa ginagawa niya saakin. Pinapakita ko na hindi ako intresado, pero intresado ako sa kwento niya ngayon.

Nakakaramdam na kaya si Stanley na iniiwasan ko siya? Napapaisip ba siya kung ano ang dahilan ko kung bakit ko ginawa ko ito? Hay nako, hindi kona alam.

" Good afternoon Class! I am your new teacher in Languange and dialect subject. My name is Francis Cristobal. Please introduce your self as well. Umpisahan mo. "

Pagpasok ni Sir, nagulat ako hindi dahil basta-basta siya pumasok. Alam mo 'yon, parang nakita ko na siya somewhere. Tapos, pamilyar pa ang boses. Hindi ko alam kung bakit kinutuban ako bigla ngayon.

Sir Francis Cristobal, kilala ba kita?

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon