𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 6:

59 5 3
                                    

Ella's POV

" Stanley, help me. " Sigaw ko sa utak ko. Alam kong imposible na makita niya ako at matulungan.

Sinimulan kong magdasal at ramdam ko talaga ang pagod dahil sa pagpupumilit ko na tumakas dito. Hindi ba sila naawa saakin?

" Malapit naba tayo? " Tanong ng lalaki sa tabi na ngayon ay hawak-hawak ako. Feeling ko dadalhin talaga nila ako sa tagong lugar. Mas hindi nila ako makikita.

Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya agad akong huminga ng malalim dahil susubukan ko ulit tumakas iahit imposible naman. Apat ba naman na tao ang may hawak saakin.

Pagbaba sa sasakyan, agad ako kumala. Pero natumba din pala ako dahil naka-blind fold ako. Nahawakan nila ako ulit kaya wala na rin akong nagawa. Hinintay ko ang susunod na mangyayari at nagmasid sa paligid.

" Bakit ang tagal niyo? " Teka, pamilyar ang boses na 'to. Mukhang kilala ko ang taong nagpa-dukot saakin. Ano ang gusto niya bakit niya ako pinadukot? May mali ba akong nagawa?

Inutusan nitong lalaki ang mga taong naka-itim na alisin ang blind fold pero bago pa 'yan may naririnig na akong nagtatawanan.

" Stanley? " Hindi ko maipinta ang itchura niya at maging ang ibang kaklase namin ay kasama.

" Tatakas ka talaga? Alam mong may group activity tayo? " Biglang flashback yung lahat saakin na may pinapagawa pala saamin. Ka-group konga pala 'tong mokong na 'to.

" You know what Ella, masanay kana sa twist ni Stanley. Kami nga hindi lang ganyan ang ginawa. " Paliwanag nung babae na hindi ko naman ka-close at mukhang walang balak makipag-close saakin.

" Ganon ba dapat ang gawin? Stanley sasama naman ako no. Nakalimutan kolang talaga. Nanlambot tuloy ako. " Tsaka ko siya inirapan at pinunasan ang pawis ko.

Iginala ko ang paningin ko sa lugar na kung nasaan kami. Mukhang nahilig sila sa paintings ngayon. Dati hindi naman. Maraming sculpture na rin ang makikita. Halata din na may pera sila dahil sa furniture at disenyo ng bahay nila. Halatang pinag-isipan.

" Hindi ka paba tutulong dito Ella? Ang panget mo nanga wala kapang ambag. " Tsaka niya inikot yung mata niya. Sarap tusukin ng mata. May hawig siya sa tatlobg aso na na-meet ko sa DL university.

" Guys, what else do you need? Okay naba 'yan? " Tumango lang kami. Bwesit na Stanley na 'to, bakit ang suplado sa University pero kapag nandito sa bahay o sa labas maasikaso na ewan. Alam mo 'yon, kapag kasama mo siya hindi mo dapat isipin ang kakainin at pamasahe mo. Kasi pakakainin ka niya at for sure ihahatid ka.

" Yung iba saatin mag-search na about sa Ornamental business in the Philippines while kami sisimulan na namin ang power point. Alright? " Ang galing mag-lead ni Stanley kaya tumulong nalang din ako sa pag-eedit ng power point kasi feeling ko mas madali 'yon.

Lumipas ang ilang oras at may natatapos naman kami. Ang sarap ng juice nila dito, pangatlong baso ko na 'to.

" Hmm, Stanley nasaan ang CR niyo dito? " Tanong ko sakanya, nahihiya pa ako kasi sobrang busy niya sa pag-sesearch doon sa topic namin.

" Halika, tulungan kita. "

" Hindi, ituro mo nalang para hindi kana tumayo pa dyan. May ginagawa ka e. " Turan ko sakanya.

" Tulungan na kita. " Offer niya kaya wala na akong nagawa.

Tinulungan niya sa hallway papunta sa CR, sobrang laki ng bahay nila. Para kang maliligaw.

" Female's comfort room. " Tsaka niya tinuro yung color pink na pinto. Ang galing naman kasi yung CR ng lalaki color blue naman. Kami nga iisa lang ang CR e. HAHAHAHA.

Pumasok na ako sa banyo at pagpasok ko palang parang amoy kwarto, sobrang bango. Ang daming toiletries. Shampoo, soap, toothbrush, toothpaste and many more. Iba talaga kapag mayaman. May body scrub pa, mahilig ako sa ganoon pero bumibili lang ako kapag may budget. Umupo na ako sa bowl at tinapos ang dapat tapusin.

Baka matagalan sila saakin.

Paglabas ko, halos tumalon na ako dahil hinihintay pala ako ni Stanley. Ngumiti lang ako sakanya at tinitigan lang niya ako.

Naglakad na kami pabalik doon at 1 meter kaming magkalayo ni Stanley, hindi ko alam bakit.HAHAHA.

Huminto muna ako at inayos ang dami ko. Nakalimutan kong mag-ayos ng buhok sa banyo.

" May gagawin ka mamaya? " Biglang tanong ni Stanley saakin bago kami makalapit sa mga ka-grupo namin.

" Aaralin kolang yung irereport natin tapos wala na. Bakit? " Tumingin ako sakanya, pero umiwas din siya ng tingin.

" Dito mo nalang aralin yung irereport mo. Join me later after we edit our power point presentation." Naglakad na siya kaya sumunod narin ako. Saan naman 'to papasama?

" Saan ba tayo pupunta? Hoy, hindi kopa nakakalimutan yung ginawa mo saakin kanina! "


" Huwag kanang mag-reklamo dyan, samahan mo nalang ako. "

Nalilito na naman ako, hindi ko talaga minsan maintindihan si Stanley. Sobrang ginugulo niya ako. Minsan ang suplado, minsan ang bait naman.


" Stanley, ayos kalang? "

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon