CHAPTER 4

1 2 0
                                    

Cinthia POV:

"Hoy hinay-hinay sa pagkain ah,baka mabulunan ka."Saway ko kay Fritz.

"Sus,alam mo namang patay gutom yan.Kahit naman madaming kinakain yan hindi nabubulunan.Ipakain mo pa pati yang plato eh."-Yena.

"Gutom ako sorry."Sabi ni Fritz habang lumalamon.

"Tsk baka ikamatay mo pa yan ah."Aniko.

"Gaga,gusto mo ba ha?!"Sigaw niya sakin.Bunganga talaga niya.

"Ulol wag mo akong sigawan,paalisin kita dito sa bahay ko eh."

"Sabi ko nga hindi na maninigaw."

"Anyway Cinthia,may kinalaman kaba kanina kay Jadhee?"Tanong ni Yena.

"Ha?Alin dun?"Nagtatakang tanong ko.

"Dba nga kanina nalate siya sa klase ni daddy,tapos tinanong siya kung napano mukha niya."

"Tapos?"

"Tapos diba sabi niya nadapa.Imposible namang nadapa yun ang pula-pula ng mukha eh,parang nagblush on.Sigurado ako may ginawa ka dun."

"Ah yun.Inubos niya pasensya ko eh,edi yun napala ng unggoy na yun."

"Gaga ka,ang harsh mo naman sa transferee,baka bukas umalis na yun sa school eh."

"Edi mabuti,para wala ng mambwebwesit sakin."

"He's so handsome kaya,sayang naman."Nakabusangot niyang sabi.

"Tsk lahat naman ng lalaki sayo, gwapo."

"Luh di kaya.I know you can admit na gwapo talaga siya kyahhh!"Ang landi neto.

"Ewan ko sayo."Sabi ko at nagpindot-pindot nalang sa cellphone ko.Habang nag-o-online ay biglang tumawag si mommy kaya agad ko itong sinagot at ni on ang camera.

"Hello mom,kamusta?"Aniko.

"Owemjii si tita Dynie?!"-Fritz.Tumango ako kaya dali-dali niyang inubos ang pagkain niya at lumapit sakin.Ganun din si Yena.

"I'm fine anak.Oh,you're with your friends.Hello darlings!"Bati niya dito.

"Hello po tita!"Sabay nilang bati.

"Kamusta ang pag-aaral mga hija?"

"Okay lang naman po.Kayo po kamusta kayo dyan sa US?"

"I'm doing great.I hope I could see you in personal mga hija."

"Oo naman po.Kapag may chance na maka visit po kayo dito."-Yena.

"Oo nga po tita.Ipapasyal ka po namin sa pinakamagandang tourist spots dito."

"Oh really? That's exciting.I can't wait to meet you there."

"Teka nga,pwede ako muna kumausap sa mommy ko noh?"Sabi ko kina Yena at Fritz.

"Oo nga naman,sila yung magmommy bat tayo umeepal hahaha..."-Yena.Natawa nalang si mommy samin.

"Sige po tita,aalis lang po kami para makapagusap po kayo ni Cinthia."Pagpapaalam ni Fritz at pagkatapos ay hinila na niya si Yena paalis.

"Ano namang pinagkakaabalahan mo diyan anak?Do you have boyfriend already?"Napaubo naman ako sa sinabi niya.

"Mommy ano ba!I don't like men,okay?"Parang nandidiri kong sabi.

"Hahaha...Okay,okay.You really changed anak.I don't even know the reason kung bakit babae na naging gusto mo eh dati naman hindi ka ganyan.But no matter what,I'll still support you."Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Thanks mom.I know you would."

"Of course,I'm your best mom.Well,you've been with your girl friends,wala ka bang gusto ni isa sa kanila?"

"Kadiri ka mom.Kapatid turing ko sakanila at alam mo naman yun eh."

"I'm just wondering anak."

"Edi wag ka ng magwondering dyan."Natatawang aniko at natawa din siya.

"Mom"

"Hmmm?"

"Miss na kita."

"Me too,anak."

"Kailan ka po ba uuwi dito?Magtatatlong taon kanang hindi umuuwi dito.Miss na miss na kita.I feel empty."

"I still don't know yet.I'm so busy these past few years.Alam mo naman na ako ang naghahandle ng business natin dito."

"Oo nga po, naiintindihan po kita"

"What about your dad,nandiyan ba siya?"Tanong niya.

"Palagi pong wala si daddy dito eh.Minsan sobrang gabi na umuuwi.Pagtinatanong ko ang sasabihin lang niya galing trabaho.Ewan,basta si manang Istilita lang kasama ko dito sa bahay."

"Oh I see.Hindi ko na siya masyadong nakakausap.We're too busy.And speaking of that,I have to finish some papers pa pala anak.I'm so sorry,kailangan ko ng magtrabaho."Paumanhin niya.

"Okay lang po.Sige, next time nalang po tayo magusap."

"Sige bye na.Take care always.Kayo ng mga kaibigan mo."

"Bye mommy,I love you."

"I love you too."Aniya at pinatay na ang call.
Haysst nakakalungkot naman.Sandali lang kami nagkausap.Bumalik na din sina Yena at Fritz para magpaalam,dahil may pasok pa bukas.Magisa na naman ako ngayon.Wala si daddy,wala si mommy,umuwi na sina Yena.Ang boring.Pumunta nalang ako sa kwarto ko at natulog.

---

*Kringgg

Tunog ng alarm clock ko.Pinatay ko ito at natulog ulit.Nakakatamad bumangon.Maya-maya pa ay kumatok si manang Istilita.

"Cinthia ija,gumising ka na.May pasok ka pa ngayon."Aniya.Bumangon nalang ako at napabuntong hininga.Tamad akong tumayo at tinungo ang banyo.Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng oversized t-shirt at   ripped-jeans.Nanlaki ang mata ko nang tumingin sa relo ko.Shuta,ambilis ng oras,7:30 na!Pano nangyari yun?Baka sira alarm clock ko.Dali-dali akong bumaba at nagpaalam kay manang.

"Manang alis na po ako,malalate na ako."Paalam ko.

"Naku ija,hindi ka pa kumakain."

"Okay lang po,sa cafeteria na lang ako kakain,malalate na talaga ako.Sige po,bye!"Aniko at tinakbo ang parking lot.Haysstt nakakainis naman!

Pumasok ako sa kotse at minaneho ito.Mabilis pa sa alas kwatrong nakarating ako sa school.Pagdating ko sa room ay konti palang yung tao.What the heck?Saan na yung iba?Akala ko malalate nako.Lumapit ako kay Gino dahil siya palang ang nandito sakanilang apat.

"Gino,saan yung iba?"Takang tanong ko.

"Hindi pa dumating.Ikaw,bat ang aga mo ata?"Nagtaka naman ako sa tanong niya.

"Anong ang aga,eh malapit na nga mag-eight."Aniko.Natawa naman siya.

"Ulol,6:37 pa nga oh."Sabi niya at pinakita ang relo niya.Gago,relo ko ata sira.Hindi pa naman ako kumain.Napabuntong hininga nalang ako.Shuta,gutom nako.

"Gino,punta lang ako sa cafeteria.Baka mamaya hanapin moko."Pabirong aniko.

"Tsk,kahit hindi ka pumasok ng one week hindi kita hahanapin."Aniya.Inukutan ko siya ng mata at umalis nalang.Pagdating ko sa cafeteria ay nadatnan ko si Halee kasama si...Jadhee?Gago,close na sila?Nagtatawanan sila habang nagkakape kaya naman biglang naginit ang ulo ko.

...

A/N:

Thank you for reading!Votes and comments are always appreciated!

Love Behind WordsWhere stories live. Discover now