CHAPTER 21

7 0 0
                                    

Cinthia POV:

Nagsuot ako ng jacket bago bumaba.Hindi ko na nakita si daddy doon,siguro nasa kwarto na niya.Nang makalabas ako ng gate ay nakita ko agad ang kotse niya pero wala siya sa loob.Nagsimula akong maglakad hanggang sa matanaw ko na siya na nakaupo sa gilid ng lamppost.Nang makalapit ako ay nag-angat siya ng tingin at daling tumayo.Sandali kaming nagkatitigan at pagkatapos ay bigla na lamang niya akong hinatak at ikinulong sa bisig niya.

Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon,pero hinayaan ko lang siya.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.Para bang may libo-libong paru-paru ang nasa loob ng tiyan ko ngayon.Naging kampante ako dahil sa yakap niya.Saglit kong nakalimutan ang problemang dinadala ko ngayon.

"Sinabi nina Tyler ang nangyari kanina."Sabi niya at hindi parin bumibitaw sa yakap.Hindi ako nakapagsalita.

Mga ilang minuto din kaming ganun hanggang sa bumitaw na siya at tinitigan ako sa mata.

"Namamaga ang mata mo,parang kinagat ng bubuyog hahaha!"Tawa niya.Okay na sana eh!Inasar naman ako!Nainis tuloy ako kaya tinulak ko siya palayo.

"Joke lang hahaha!"

"Joke?!Eh alam ko naman talaga na namamaga yung mga mata ko,bakit mo pa sinabi!"Singhal ko dito.

"Okay okay, sorry.Ikalma mo."Aniya at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko.Inirapan ko na lang siya at inis na umupo sa maliit na upuan doon.Umupo rin siya sa tabi ko.Tahimik lang ako at ganun din siya.Maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita.

"Siguro,may dahilan talaga kung bakit nangyayari ang lahat ng 'yan sayo."Aniya kaya napatingin ako sa kanya.

"Pa'no mo nasabi?"Tanong ko.

"Ganun naman talaga 'yon.Ang kailangan mo lang gawin ay magtiwala sa kanya."Sabi niya at sabay turo sa taas.

"Lahat ng mga pinagdadaanan mo ngayon ay may kapalit na kaligayahan.God has a better plan for you,Nayah."Dagdag pa niya.

Namangha ako sa sinabi niya.Ngayon ko lang nalaman na may ganito siyang paguugali.Napangiti ako dahil dito.

"Siguro nga tama ka."Nasabi ko na lang.

"Kaya wag ka ng mag-emote,baka mas lalong lumala iyang mata mo hahaha!"Ewan ko pero natawa lang din ako sa sinabi niya.

"Maswerte ako at kayo ang naging kaibigan ko."Aniko.Bahagya namang nanlaki ang mga mata niya.

"Did you just say,friends?"Manghang tanong niya.Tumango naman ako.

"You mean,you treat me as your friend?"Tumango ako at napangiti naman siya.Ngayon ko lang kase nasabi na magkaibigan na talaga kami.

"Bibigyan ka pa pala ng problema bago mo ma-realized."Nakangusong aniya.

"Itigil mo nga yan,mukha kang duck."Saad ko dito.

"What?Ang gwapo ko,tapos duck?!Pareho talaga kayo ni kuya."Aniya.

"Yung Rafael ba?"Tanong ko.Tumango naman siya.Naalala ko na naman yung nangyari no'ng sabado.Sobrang nakakahiya sa kuya niya.

"Siya lang ba ang kapatid mo?"Tanong ko.

"Yeah.Kami lang dalawa ang nakatira sa bahay,kase sina mom at dad ay nasa Japan.May business kami doon,kaya minsan lang sila umuuwi."Aniya.Napatango naman ako.

Nagkwento siya tungkol sa buhay niya at ganun din ako.Hindi naman namin namalayan ang oras hanggang sa tumingin ako sa relos ko.Mag aalas nwebe na pala.

"Masyado ng late,kailangan mo na sigurong umuwi."Sabi ko kaya napatingin din siya sa orasan niya.

"Hindi,okay lang.Baka gusto mo munang gumala."

Love Behind WordsWhere stories live. Discover now