CHAPTER 26

1 0 0
                                    

Sametria POV:

Minaneho ko ang sasakyan ko papunta sa bahay nina Jadhee.Monday na ngayon at naisipan kong sumabay sa kanya papasok sa school.

Magkakilala kami ni Jadhee noon pa man.I'm Sametria Reign and I'm his ex-girlfriend.Nag-transfer lang naman ako sa school na yun para makasama siya ulit.I still love him at alam kong ganun din siya sa akin.Hindi ako pwedeng magkamali lalo pa't ilang buwan pa lang ang dumaan noong naghiwalay kami.Hindi naman talaga totoo ang mga sinabi ko sa kanya noong araw na iyon.Ang totoo ay nakipaghiwalay ako dahil sa depression at parang naramdaman kong hindi siya nakakatulong sa akin noon.Feeling ko mas lalo lang niya akong pinapalala sa nararamdaman ko.Pero na-realized ko na nagkamali ako.Siya pala talaga ang kailangan ko at ayaw kong mawala talaga sa akin.Kaya eto ako ngayon.I'm trying to bring back what was ruined.I'm so desperate to be his girlfriend again.

Last Friday he rejected me.Thank god at nakita ko siya doon sa mall last Saturday at inayang makipag-usap sa akin.

—FLASHBACK—

Naglibot-libot ako sa mall nang makita ko si Jadhee na nakaupo sa isang bench.

What a coincidence.

Magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman ko.Desperada na talaga akong kausapin siya kaya lumapit ako dito.

"Jadhee."Sambit ko kaya nag-angat siya ng tingin.Mababakas naman ang pagkagulat sa mukha niya pero agad din itong nakabawi at tumikhim.Tumayo siya at hinarap ako.Malamig ang tingin niya sakin pero pilit na nilalaban ko ang titig niyang 'yon.I felt guilty pero gagawin ko ang lahat para magkaayos kami.

"What do you want from me?"Tanong niya.

"Jadhee,Please give me a chance.Ayusin natin to."Aniko.Ayaw kong sumuko kahit pa nireject na niya ako noong Friday.

"This is not the right place to talk."Aniya.

"Bigyan mo ako ng time na makausap ka.Please Jadhee.Let me explain my side."Pakiusap ko dito.Tumango nalang siya at nagsimulang maglakad.Hindi ko alam kung saan kami maguusap basta ay sumunod nalang ako sa kanya.Napansin kong papunta kami sa parking lot hanggang sa tumigil siya sa isang kotse at binuksan ang compartment nito at inilagay ang mga paper bag na dala niya.Hindi ko ito napansin kanina.

Pagkatapos nun ay binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at pinapasok ako doon.Pumasok naman siya sa driver's seat habang ang tingin ay nasa harap.

"Spill it Sametria."Aniya.Huminga ako ng malalim bago magpaliwanag.

"I still love you,Jadhee."Buong tapang kong saad.Agad na napalingon siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Noong time na nagbreak tayo,hindi ko sinabi na depress ako noon.I have so much problems that time kaya hindi na ako nakapag-isip ng matino.I thought breaking up with would be the right thing to do to fix myself.Nagkamali ako Jadhee,dahil noon pa man ay ikaw lang ang kailangan ko."Dagdag ko.

"You just proved yourself for being selfish,Sametria.Hindi mo lang ba naisip ang nararamdaman ko nun?Tinatanong ko ang sarili ko kung saan ba talaga ako nagkulang at wala kang konkretong dahilan para hiwalayan ako noon."Saad niya na may halong panggigigil.I understand him kung ganito siya kagalit.It's my fault after all.

"I know that Jadhee,pero syempre hindi ako okay nun.Hindi ko alam ang gagawin ko kaya basta nalang ako nagpadalos-dalos,but believe me,I didn't stop loving you.At kaya ko itong patunayan sa iyo,Jadhee."Saad ko habang pinipigilang maluha.

"How can you prove it?Ilang buwan na ang dumaan at ngayon mo pa talaga naisip iyan?Did you even think that maybe you're too late?"Pagtaas niya ng boses.

"I don't think so.I know that you still love me, Jadhee.Right?"Umaasa kong tanong.Hindi niya ako sinagot sa halip ay nag-iwas ito ng tingin sa akin.

"Mahal kita kaya ako nag-transfer sa HU,para ayusin natin toh.Please,hayaan mo akong patunayan iyon sa 'yo.Hayaan mong patunayan ko na higit pa ang kaya kong gawin para lang bumalik sa lahat ang dati.I'll give you time to think.Alam kong hindi ito madali sa 'yo.One thing is for sure,I'm not going to give up kahit ilang rejection pa ang ibigay mo sa akin."

—END OF FLASHBACK—

Hindi ko alam kung nakapagdesisyon na ba siya pero gusto ko na siyang makita.Gagawin ko ang lahat para mabalik sa lahat ang dati.I'm not going to make any mistakes anymore.

Narating ko ang bahay nila at bumaba kaagad sa kotse.Pipindutin ko na sana ang doorbell nang biglang bumukas ang gate at iniluwa doon ang isang Ferrari.Pumunta ako sa gilid para makadaan ang sasakyan.Bahagya ko pang sinilip ang loob kung si Jadhee ba iyon pero kusang ibinaba ng nasa loob ang bintana nito.Bumungad ang mukha ng kuya ni Jadhee.Nakatingin din ito sa akin na may pagtataka sa mukha.Bahagya pang tumaas ang isang kilay nito.

"Sametria?"

"Oh,Hi!Long time no see Rafael."Bati ko dito.Sanay na akong tawaging siyang Rafael noon.Hindi ko naman siya tinatawag na kuya dahil parang magkaedad lang kami kung tingnan,dahil sa bata pa ang mukha nito.24 pa naman kase ang edad niya.

"What are you doing here?"Tanong niya sa akin.

"Uh nandiyan pa ba si Jadhee?Gusto ko kase na sabay kaming pumasok."Sagot ko.Mas lalong nangunot ang noo niya.

"Yes he's inside.Look,I don't really know what's happening between you two,but It's nice meeting you again,Sametria."Aniya at napalitan ng galak at ngiti ang mukha niya.Magkamukha talaga sila ni Jadhee.I'm not gonna deny that he's hot and cute.

"It's nice meeting you again,Rafael.I would like to a chitchat with you,like those days."Aniko at ngumiti rin.

"It's not a problem for me.See you again.You can wait for Jadhee inside.Would you mind if I'll go ahead?"

"Oo geh lang.Bye!"Paalam ko dito.Tango at ngiti lang isinukli niya at pagkatapos ay pinaandar na ulit ang sasakyan at minaneho ito paalis.

Pumasok na ako sa loob at nagpunta sa kanilang salas.Hinanap ng mga mata ko si Jadhee at sakto naman na pababa ito sa kanilang hagdan.Inayos ko ang mataas kong  buhok bago siya harapin nang tuluyan na itong nakatayo sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?"Takang tanong niya.

"Good morning.Gusto ko kaseng sabay tayong pumunta sa school.Don't worry,nagdala ako ng sasakyan."Nakangiting sabi ko rito.

"You don't have to do this Sam.Hindi mo naman binanggit na pati ang pagpunta mo dito sa bahay namin ay gagawin mo."Aniya.

"At hindi ko rin naman sinabi na hindi ko iyon gagawin.All I know is,I'm going to do everything for you.Gustong kong maayos ang lahat Jadhee.Kahit ano pa ang gusto mong gawin ko,gagawin ko.Please,just let me."Bumuntong-hininga na lang siya at nagsimulang maglakad.Sumabay ako sa kanya sa paglalakad at hindi naman siya umangal kaya napangiti ako.

Hinayaan lang niya ako sa kung ano ang gusto kong gawin.Hindi niya ako pinigilan.Ibig sabihin ay binibigyan niya ako ng chance.

"Saan ang sasakyan mo?"Bigla niyang tanong sa akin."

"Nasa labas ng gate ko pinarada."Nakangiti kong sagot.

"Mauna ka na,susunod nalang ako sayo."Aniya kaya lumawak ang ngiti ko.

"Okay!"Masigla kong tugon at tinungo ang kotse ko sa labas at pumasok doon.Nang makita kong nakalabas na ang kotse ni Jadhee sa gate ay bumusina ako at nagdrive.Nakasunod naman ang sasakyan niya sa akin hanggang sa marating namin ang parking lot ng school.Sabay din kaming bumaba at sumabay ako sa kanya sa paglalakad habang tinatahak ang daan papunta sa loob ng school.Hindi siya umiimik at nanatili ang tingin niya sa harapan.Hindi naman mawala ang ngiti ko dahil kahit sa ganito kasimpleng bagay ay napapasaya at napapanatag na ang kalooban ko.

...

Love Behind WordsWhere stories live. Discover now