CHAPTER 11

4 0 0
                                    

Cinthia POV:

Wala ng masyadong estudyante sa campus,dahil nagsi-uwian na.Mag-isa akong naiwan sa classroom na nagiisip.

Nang umuwi sina Gino ay hindi ako sumabay at pinauna na sila.Hindi naman nila ako pinilit.Hanggang ngayon pinaguusapan parin si Fritz.Siya parin ang suspect ng pagnanakaw sa computer lab.

Gusto ko siyang tulungan,pero hindi ko alam kung pa'no.

Hindi nagtagal ay napansin ko ang isang lalaki na dumaan sa hallway ng classroom namin.Ang classroom namin ay nasa dulo ng second floor,at kasunod nito ay matatagpuan ang hagdan papuntang third floor.Ibig sabihin,papuntang third floor yung lalaki.Tatlo lang ang rooms sa third floor.May isang classroom na hindi na ginagamit.Lahat ng sirang gamit sa senior high department ay do'n nilalagay.At ang dalawang room ay science lab at computer lab.

Kanina pa yung janitor bumaba ah?Ni-lock na lahat ng rooms dun sa third floor,malamang.Eh anong gagawin nun dun?

Nanlaki naman ang mata ko sa naisip.Napatayo ako at naglakad palabas ng classroom.Umakyat ng hagdan at dahan-dahang naglakad pagdating ko sa lapag.Nagtago ako sa wall na malapit sa railings ng hagdan.

Sinilip ko ang corridor,pero wala yung lalaki.Nagtaka naman ako.

Saan na yun?

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng computer lab at iniluwa ang lalaki mula dito.Panay tingin ito sa paligid.Siya yung lalaking nakita ko no'ng naglinis kami dito sa computer lab.Yung lalaki sa section Integrity.

Bakit siya nakapasok?Potangina?Siya ata yung magnanakaw.

Nang mag sink-in sakin ang lahat ay dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa backpack.

Ni-on ko ang camera nito at patagong kinunan ng video yung lalaki.Nang isara niya ang pinto ng computer lab ay agad na akong tumakbo pababa ng hagdan at dumiretso sa classroom namin

Tinignan ko agad ang video sa cellphone ko.Napa-smirked naman ako,dahil malinaw ang mukha nung lalaki dito.

Tsk.Nahuli din kita.

Matatahimik na si Fritz at paparusahan yung totoong magnanakaw.Magiging okay na siya.Hindi na siya pagbibintangan.

Nagulat ako nang may biglang nagbukas ng pinto.Nang makita ko kung sino iyon ay napatayo ako ng maayos.

"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko.

"Ikaw,anong ginagawa mo dito?"Pabalik niyang tanong sakin.

"Ako ang unang nagtanong."

"Naiwan lang yung textbook ko sa Math.Ikaw?"

"Nahuli ko yung magnanakaw."Sabi ko dito.Nanlaki naman ang mata niya.

"Saan?"

"Paparating na yun dito s—."Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mataranta siya at biglang ni-lock ang door knob sa labas pagkatapos ay bumalik sa loob at isinara agad ito.

"Gago,bakit mo ni-lock?!"Singhal ko dito.

"Shhh manahimik ka,baka pasukin tayo dito."

"Papasukin talaga tayo kung nasa labas yung lock ng door knob.Bobo ka ba?"

"Kaya nga manahimik ka."

"Hindi ako takot sa magnanakaw na yun.Isang suntok ko lang do'n matutumba yun agad."

"Pano kung may dalang kutsilyo yun at tayo pa saksakin?Isa ka talagang hambog.Kung gusto mong mamatay,wag mo akong idamay."Aniya.

"Estudyante lang din yung magnanakaw!"Singhal ko dito.Natigilan naman siya."Oh ngayon, na-realized mo na ba kung gaano ka kabobo?"Dagdag ko.

Love Behind WordsWhere stories live. Discover now