Cinthia POV:
Nakakabwesit,umagang-umaga ito agad madadatnan ko?
"Ehem ehem."Napatingin silang dalawa sakin.
"Oh hi Cinthia,what are you doing here?"Tanong ni Halee.
"Magkakape din sana ako tas nakita ko kayong dalawa na MAGKASAMA."Pagdidiin ko.
"Well nandito karin naman,join us."Aniya.Tinignan ko si Jadhee at cold itong nakatingin sakin.
"Ah wag na,nakakahiya naman sa isa dyan,baka nakaistorbo ako sainyo."Aniko at ngumiti ng peke.
"Come on.Pwede namang kalimutan niyo nalang yung sagutan niyo kahapon.You can still be friends."Napabuntong hininga nalang ako at lumapit sakanila matapos mag-order.
"So nagkakilala na pala kayo?"Tanong ko.
"Obvious ba?"Pamimilosopo ni Jadhee.
"Ang pilosopo mo noh?"
"Tanga mo rin."Gago nakakainis siya.
"Ano ba,magsisimula na naman ba kayo?Cinthia,alam mo naman na transferee palang siya,dapat I welcome mo,hindi yung aawayin mo.Anak ka pa naman ng may-ari dito."-Halee.
"S-Siya naman kase yung nauna."
"Hindi naman importante kung sino yung nauna sa inyo.You two should take down your prides.You're being childish."Disappointed na sabi ni Halee.Bwesit na lalaki to,baka magalit pa sakin to si Halee dahil sa kanya eh.
"S-Sorry."Aniko.
"It's fine.Pinagsasabihan ko lang kayo kase ako yung mas nakakatanda.Lalo ka na Cinthia,you're just like a little sister to me."Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.What?Little sister?!Para namang kinurot ang puso ko sa sinabi niya.
"By the way,may gagawin pa pala ako.Mauna na ako sainyo.See you around!Make sure na di na ulit kayo magaaway,okay?"Aniya at iniwan na kaming dalawa.Napabusangot ako at bumuntong-hininga na lamang.Aalis na din sana si Jadhee pero pinigilan ko siya.
"Hoy lalaki."Nagtataka siyang lumingon sakin.
"What?"Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Kailan pa kayo nagkakilala?Kahapon?Ngayon?"Inirapan ko siya.
"Ano namang pakealam mo?"Nakataas-kilay niyang sabi.Aba gago din eh.
"Layuan mo siya."
"At bakit naman kita susundin?"
"Dahil kaibigan ko siya,at at ayaw kong malapit siya sa mga taong kagaya mo."
"Kung ayaw ko?"
"Layuan mo siya,kung ayaw mo ng gulo."Matigas kong sabi.
"AYAW KO."Aniya at umalis.Bwesit siya kahit kailan talaga!Sira na agad araw ko.
Bumalik nalang ako sa room pagkatapos kong kumain sa cafeteria.Pagdating ko ay nadatnan ko sina Jadhee at Heiden na naguusap kaya hindi niya napansin na umupo ako sa tabi niya.Naku,sarap suntukin ng lalaking to.Hindi ko nalang siya pinansin at hinintay na dumating ang professor.
---
Pagkalunch break pumunta ako sa college department para sana ayain si Halee na sabay kami maglunch.Syempre,gusto ko lagi na nandiyan siya.Baka sakaling gumanda ulit yung araw ko.Kung hindi lang talaga dahil sa pesteng Jadhee na yun,hindi ako mabwebwesit.
"Halee,tapos na kayo sa klase?"Tanong ko.
"Oo tapos na.Anong ginagawa mo dito?"
"Ah ano kase,yayain sana kitang magluch sa cafeteria."Nahihiyang aniko.
YOU ARE READING
Love Behind Words
Teen FictionJadhee Vego is a transferee student of Handelum University,when she met this boyish girl named Princess Cinthia Vasquez with its rude personality. Absentmindedly,he started changing her for good.Is it possible for him to like this kind of girl?