Jadhee POV:
Kinabukasan ay maaga akong pumasok.Konti palang ang mga estudyante sa loob ng classroom.Si Heiden at Venjay ay naroon na,at sinalubong ako.
"Wow,aga natin ah?"-Venjay.
"Maaga lang nagising.Eh,bakit ang aga mo rin?"
"Kase-kase,sinundo ko si Yena."Aniya at ngumisi ng nakakaloko.
"You're gay."Pang-aasar ni Heiden.
"Anong gay?!"Singhal nito.
"Namumula ang tainga mo hahaha..."Tawa nito.Natawa naman ako sa pag-aasaran ng dalawa.
"Punta muna ako sa library."Paalam ko sa kanila.Hindi nila ako napansin dahil patuloy parin sila sa pag-aasaran.Kaya naman iniwan ko na sila doon nang hindi nila napapansin.
Naglakad na ako sa library nang mapansin ko si Cinthia na papunta rin doon.Mas nauna siya sa akin kaya tumakbo ako at sumabay sa kanya.Mukhang nagulat siya nang bigla ko siyang akbayan,dahil napatigil siya sa paglalakad at tumingin sakin.
"Sa library punta mo?"Tanong ko.Hindi siya nakasagot at mukhang natuptop sa kinatatayuan niya.
"Hoy!Tinatanong kita!"Sigaw ko sa pagmumukha niya,at mukha naman siyang natauhan.
"Bwesit yung laway mo!"Sigaw niya sa akin.
"Maswerta ka at wala iyang mikrobyo."Aniko.
"Ewan ko sayo.Wag mo nga akong akbayan,ang bigat ng braso mo!"Reklamo niya.Hindi ko siya pinansin at hinatak na lamang siya papasok sa library.Mukha tuloy na sinasakal ko siya dahil sa tangkad ko.
"Ano ba bitawan mo ako!"Hindi ko siya binitawan hanggang sa nakaupo kami sa bakanteng seat.
"Ang kapal din ng mukha mo para kaladkarin mo ako dito noh?"Sarkastiko niyang tanong.
"Makapal pero gwapo."Pagmamayabang ko.
"Kadiri."Nasabi niya nalang at tumayo para pumunta sa book shelves.Nang makapili siya ng libro ay bumalik siya sa kinauupuan niya kanina sa tabi ko.Hindi niya ako tinapunan ng tingin,bagkus ay binasa niya ang librong kinuha niya.
Ilang minuto lang kaming ganoon.Nagbabasa siya habang ako ay nakatingin lang sa kanya.Medyo napansin ko na nag-iba nga ang anyo niya kapag suot ang uniform.Bagay naman sa kanya kung inayos niya pa ng mabuti.Hindi ko alam kung paano niya itinali ang kanyang necktie,basta hindi iyon tama.Yung coat din naman ay nagkatupi-tupi na ang sleeve.Parang wala siyang pakialam kung ano na ang itsura niya ngayon.
Ang mga hibla ng buhok niya ay halos tumakip na sa mukha niya pero hindi niya ito hinahawi.Mabuti naman at nababasa niya yung libro.Bumuntong hininga ako at kinuha sakanya ang libro.Nagtaka naman siya,pero hindi na nakapagsalita nang ayusin ko ang sleeve at necktie na suot niya,pagkatapos ay hinawi ko ang buhok niyang nakalugay at inipit sa tenga niya.Napatigil ako nang magtama ang tingin namin.Hindi ko namalayan na ang lapit pala ng mukha ko sa kanya.Ngayon ko lang siya natitigan ng mabuti.Ang mapupungay niyang mata,tangos ng ilong,at...
Napatalon ako nang biglang tumunog ang bell.Maski siya ay nagulat at napaayos ng upo.Nang maka-recover ay napatikhim ako.
"Uh,p-punta na ako sa r-room.Una na ako sayo."Aniya at dali-daling tumayo at pagkatapos ay naglakad na palabas ng library.
What the hell did just happened?Ugh ano awkward nun,bakit ko ba ginawa?!Baka ano pang isipin ng tomboy nayun.Wala namang malisya sa akin yun eh.
Tumayo na lang din ako at naglakad palabas ng library.Tinahak ko ang classroom,at medyo marami-rami na rin ang naroon.Nagtaka ako nang hindi ko makita si Cinthia.
YOU ARE READING
Love Behind Words
Teen FictionJadhee Vego is a transferee student of Handelum University,when she met this boyish girl named Princess Cinthia Vasquez with its rude personality. Absentmindedly,he started changing her for good.Is it possible for him to like this kind of girl?