CHAPTER 13

6 0 0
                                    

Jadhee POV:

Sabay kaming tatlo nina Heiden na pumasok sa campus.Nagkataon lang na pagdating ko sa parking lot ay nandoon na sila.Nagbubulongan naman ang mga babaeng nalalampasan namin.

Ano ba pa,edi mga papuri galing sa kanila.May ibang nagsasabi pa na F3 daw kami.Bagay nga ang palayaw naming 'yon,bukod sa pagiging gwapo ay mababait din.

Well,totoo naman.Mabait ako pag walang kalokohang naiisip.

"Narinig niyo yung tungkol kahapon?Nalaman na daw yung nagnakaw sa computer lab."Biglang sabi ni Venjay.

"Yeah,I heard this morning.Kahapon daw nalaman.Umuwi ako ng maaga kaya hindi ko nalaman kaagad."-Heiden.

"Sino naman ang kumuha ng video nun?"Tanong ni Venjay.

"Si Princess yung nakahuli."Aniko.

"You mean,si Cinthia?"-Heiden.

"Oo,sabi niya kahapon."

"Stop calling her Princess,baka mabugbog ka ulit nun."Natatawang sabi ni Heiden.

"Kailan daw niya nahuli?"Tanong ni Venjay.

"Yung time bago kami nakulong sa classroom,nung nakaraang araw."Sabi ko.

"Mabuti naman kung ganon.I was worried about Fritz.Akala ko patuloy pa siyang pagbibintangan sa kasalanang hindi niya ginawa."-Venjay.

"Yeah,me too.It was a relief when I heard about what happened yesterday."Sabi ni Heiden.

Nag-usap kaming tatlo hanggang sa makarating na kami ng classroom.Pagka-upo ko ay napansin ko si Cinthia na nakatulala.Mukhang malalim ang iniisip.

"Ehem!"Tumikhim ako.Mukha naman siyang gulat na gulat na napatingin sakin,pagkatapos ay umiwas din agad.

Ano kayang iniisip nito?Ang tahimik niya ata ngayon.Baka naman kase nahihiya siya sakin,dahil sa ginawa niya kagabi.

Bahagya pa akong natawa nang maalala ko yun.

---

Lunch time.Mabilis kong inubos ang pagkain ko,dahil may napagplanuhan akong puntahan.Bumalik ako sa classroom at iniwan sina Venjay sa cafeteria.Kinuha ko ang chocolates sa bag na binili ko kaninang umaga bago ako pumunta dito sa school.May apology letter pa akong nilagay doon.

Naglakad na ako papunta sa destinasyon ko nang makasabay ko si Cinthia.Mukhang hindi niya ako napansin nung lumapit ako sa kanya.

"Saan ang punta mo?"Tanong ko dito.Mukha naman siyang nagulat.

"A-Ano bang pake mo?"Aniya.Napansin ko ang dala-dala niyang paper bag gaya ng dala ko ngayon.

"Bakit ka nauutal?"Nakakalokong ngisi ko.

"Ha?!H-Hindi ah."

Natatawa ako sa inasal niya.Para siyang hindi mapakali sa presensiya ko at parang alam ko kung bakit siya nagkakaganun.

"Dahil ba nalaman ko na ni-stalk mo ako sa instagram kagabi?"

Tumigil siya sa paglalakad at tumigil din ako. Nanlaki ang mga matang tumingin sakin.

"Ha?Anong ni-stalk?Pinagsasabi mo?"

"Tch.Kunyari ka pa.Ni heart mo pa nga yung tatlo kong post,2 months ago pa yun."Mas lalong nangunot ang noo niya.

"Hindi kaya!Gago ka ba?Bakit naman kita i-s-stalk?Ang kapal din ng mukha mo noh?"May pagkairitang sabi niya.

"Kahit ipakita ko pa sayo na nag-heart ka kagabi.Bakit moko ni-stalk?Siguro crush mo ako noh?"Hindi ko na maipinta ang mukha niya.Gulat ito na parang sasabog na sa galit.

Love Behind WordsWhere stories live. Discover now