CHAPTER 22

6 0 0
                                    

Venjay POV:

Nakaramdam ako ng kaba nang makaharap ko si Yena.Nandito kami ngayon sa basketball court ng school at dinalhan niya ako ng pagkain nang matapos ang training namin.May gusto kase akong sabihin sa kanyang importante.Pano ba naman eh friday na ngayon at hindi ko na siya makikita bukas hanggang thursday,kaya naman kailangan ko na talaga siyang maka-usap.

"Uh nasaaan yung iba?"Tanong ko sa kanya,dahil hindi niya kasama sina Tyler.

"Nasa library pa,may tinapos lang.Kainin mo iyan,binili ko."Nakangiting aniya.

"Nakkss naman!Yung sa amin asan?"Tanong ni Jadhee.

"H-Ha?Ano kase, nakalimutan ko kayong bilhan hehehe!"Napakamot siya sa ulo niya.

"Luh bakit si Venjay hindi mo kinalimutan?Gusto mo ba siya?"Walang prenong pang-aasar ni Gino kaya naman napangiti ako.Nasa isip ko rin na sana nga ay may gusto rin siya sakin.

"Luh,wala kaya!"Sigaw niya dito kaya nawala ang ngiti ko.

"Weh?Deny pa eh halata nmang si Venjay lang binilhan mo!"

"Hindi nga!Iyan lang nabili ko.Kung gusto niyo hatiin niyo yan eh,wala akong pake!"

Napapapikit ako at bumuntong-hininga.Okay,gets ko naman na hindi niya talaga ako gusto,pero kahit ganun,aamin parin ako sa kanya.

"I need to t-tell you something."Nauutal na sabi ko sa kanya.

"Ano?Spill it."Aniya.

"Uh siguro hindi dito."Nangunot naman ang noo niya dahil doon.

"Sabihin mo na bro,importante ba iyan?"Tanong Gino at pinandilatan ko naman siya ng mata,kaya mukhang naintindihan niya naman iyon.

"Ah!Sige mauna kayong umuwi,sabay nalang kaming lahat."Aniya.

"Okay?"Nasabi nalang ni Yena na may pagtataka parin.

"Bye,ingat kayo!"Paalam nila at binigyan ako ng makahulugang tingin.

Naglakad na kami paalis at tinungo ang parking lot.

"Ano ba ang sasabihin mo?Bakit hindi mo pa saabihin dito?"Tanong niya.

Napalunok ako.Sasabihin ko ba?Hindi ito ang tamang lugar,pero gusto ko na talagang sabihin sa kanya.

"Uh,I need to b-bring you somewhere."Kinakabahang aniko.Yeah,it sounds really gay.

"Where?"

"Just get in."Utos ko sa kanya.Sumunod rin naman siya at pumasok sa kotse.Actually wala siyang dalang sasakyan ngayon,dahil sinundo ko siya kaninang umaga.

Nang maisuot na niya ang seatbelt ay minaneho ko na ang saskayan paalis ng school.Sa ngayon nagiisip pa ako ng lugar kung saan ko siya dapat dalhin.Hindi ko namna kase talaga plano na umamin sa kanya ngayon,pero inasar ako ng nina Heiden na baka pag wala na kami sa school ay may ibang poporma kay Yena.Syempre hindi ko malalaman iyon dahil sa friday pa kami makakabalik.Ayaw ko naman na maunahan ako ng iba.

"So saan mo ako dadalhin?"Tanong niya.

"Uh sa ano...Sa park!"Iyon nalang ang pumasok sa isipan ko.

"Sa park?!"Parang kumislap naman ang mata niya sa sinabi kong iyon.Tumango na lamang ako at pilit na ngumiti.Kinakabahan ako.Hindi ko pa alam kung paano aamin sa kanya.

Mga ilang minuto din ay nakaabot na kami sa park.Maraming tao doon—mga bata,matatanda,magkasintahan,mga teenagers.Umupo kami sa isang bench doon at pinagmasdan ang mga tao sa paligid.

"This place is relaxing.Minsan lang ako pumupunta sa park noong bata ako."Aniya.

"That's because?"Tanong ko.

Love Behind WordsWhere stories live. Discover now