Cinthia POV:
Salamat naman at nakauwi na din ako!
Nadatnan ko si manang Istilita na nakatayo malapit sa gate sa labas.Pinagbuksan niya ako at idineretso ko na ang sasakyan sa garahe.Pagkababa ko pa lang ay sermon ni manang ang bumungad sakin.Kahit naman kasambahay lang siya sa bahay namin ay tinuturing ko na rin siya na pamilya, dahil bata pa lang ako,siya na ang nag-aalaga sakin at sanay na ako sa presensiya niya.
"Jusko hija,bakit naman ang tagal mong umuwi?Pinag-alala mo ako ng sobra,hindi ka pa man nagpaalam kung saan ka nagpunta."
"Sorry po manang,hindi po kita natawagan.Ang totoo kase ay na-locked po ako sa loob ng classroom namin at mabuti nalang pinuntahan po ako ni Tyler."Pagpapaliwanag ko sakanya.
"Aba'y pa'no nangyaring na-locked ka sa classroom niyo?"
"Mahaba pong kwento manang eh.Medyo gutom na nga po ako kakahintay na makalabas d'on."
"Ah sige ija pumasok ka na at kumain ka doon.Ipinagluto kita ng pagkain."Aniya at iginiya pa ako papasok.
Agad kong sinunggaban ang pagkain dahil sa sobrang pagkagutom.
"Hinay-hinay lang ija,baka mabulunan ka n'yan."Saway ni manang sakin.
"Opo manang.Sobrang gutom lang talaga."Aniko at ngumiti sakanya.
Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa banyo para maligo.Nang matapos ay naupo ako sa kama ko at kinuha ang cellphone sa aking bag.Tiningnan ko ang video na nakunan ko sa lalaki kanina.
Tsk,akalain mong napagbintangan pa kami nung una.Maigaganti ko na rin si Fritz.
---
kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school.Hindi na ako makapaghintay na maibigay ang ebidensiya sa pagnanakaw sa computer lab.
"Nayah!"Tawag ni Gino nang makita niya akong papasok ng gate.Sasalubungin niya sana ako pero nilampasan ko na siya.Nagpunta agad ako sa dean's office nang makita ko si professor Morales,ang aming math teacher.Mukhang napadaan lamang siya dito.
"Ms. Vasquez,anong ginagawa mo dito?"Tanong niya.
"Nandiyan na ba ang dean?May ipapakita lang po sana ako sa kanya."Sabi ko dito.
"Wala pa siya,masyado pang maaga.Importante ba ang sadya mo?"Tanong niya.
"Opo,ang totoo ay nahuli ko kahapon yung nagnanakaw sa computer lab."Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.
"Follow me to the faculty's room,do'n tayo maghintay kay dean."Aniya,kaya sumunod ako sa kanya.
Nang nasa loob na kami ay kinuha ko kaagad ang aking cp sa backpack at pinakita sa kanya ang video kahapon.Sinabi naman niya na siya na ang bahalang magpakita nito sa dean para maka-proceed na ako sa first period.Ipinasa ko nalang sa kanya ang naturang video at nagpunta na sa aming classroom.
"Saan ka ba galing ah?Kanina pa kami nag-aantay sayo eh."bungad ni Gino.
"Malalaman mo mamaya."Aniko na may kumpiyansa.
Papunta na ako sa upuan ko nang biglang sumulpot si Yena sa harap ko.Lumapit naman sakin ang tatlo ko pang mga kaibigan.
"Anong kailangan mo?"Tanong ko sa kanya.
"Uh,anyway Nayah,nagkapagusap na kaming apat,and we settled the things out.I guess we should forget about what happened,and the issue about Fritz."Sa bi ni Tyler sakin.
Lumapit naman si Fritz kay Yena at inakbayan ito.Siguro okay na talaga sila.Hindi ko pa man nakakalimutan ang ginawa ni Yena kahapon,napilit na ako ng ibang mokong na patawarin siya.Kaya ayun naging okay na ulit kami.Kapag nagaaway-away naman kase kami ay nagbabati din kaagad.Pero syempre,hindi ako matatahimik at makapaghintay na mabunyag ang totoong magnanakaw.
YOU ARE READING
Love Behind Words
Teen FictionJadhee Vego is a transferee student of Handelum University,when she met this boyish girl named Princess Cinthia Vasquez with its rude personality. Absentmindedly,he started changing her for good.Is it possible for him to like this kind of girl?