CHAPTER 15

4 0 0
                                    

Cinthia POV:

Nagising ako sa tunog ng cellphone.Kinuha ko ito at nakita na tumatawag si Tyler.

"Nayah,where are you?Nandito na kaming lahat sa bahay nina Yena."Dahil do'n ay napabalikwas ako mula sa pagkakahiga.

"Nandito pa ako sa bahay."Walang ganang sagot ko.

"Ang usapan diba,8 AM.Mag na-nine na oh."Aniya.

"Sige pupunta na ako diyan."Aniko.Hindi pa man siya nakapagsalita ay pinatay ko na ang tawag.

Tamad akong pumunta sa banyo at naligo.Nang matapos ay naghanda na ako para sa pag-alis.Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago lumabas sa kwarto.

Napansin ko ang pagkulo ng tiyan ko.Kagabi pa pala ako hindi kumakain,pero sa tingin ko ay nawawalan pa rin ako ng gana.Sariwa parin ang mga alaala na nakita ko kagabi.

Hindi na ko nag-abala pang hanapin si daddy.Wala na akong pake kung saan man siya magpunta,kung saan siya mangbababae.Masakit parin ang ginawa niya.Hindi ko pa alam kung sasabihin ko ba ito kay mommy.Kapag hindi ko naman gawin ay parang niloloko ko na rin siya.Pero may pag-asa parin sakin na maaayos ang lahat.Na babalik sa dati at magsasama-sama na ulit kami.

Nang makababa ako ay nadatnan ko si manang Istilita.Nag-alala siya ng sobra sa akin dahil tinanggihna ko parin ang alok niya na kumain daw ako.Wala na naman siyang nagawa sa huli.Hindi rin siya nagsalita sa mga nangyari kagabi pero alam ko na alam niya rin ang nangyayari.Ang pangbabae ni daddy.

Dahil tinatamad at walang gana ay nag-commute nalang ako papunta kina Yena.Nang makarating ako ay sari-saring katanungan mula sa kanila ang bumungad sa akin.Wala naman akong sinagot ni isa sa kanila.

"Okay guys,we have to pick a leader.Should we vote?"-Tyler.

"Wag na,ikaw na maging leader tutal responsible ka naman."Sabi ni Yena.

"I agree.I picked Tyler as our group leader."Sang-ayon ni Heiden.

Hindi naman nakapagreklamo si Tyler nang sumang-ayon na ang lahat.

"Okay,since we have eight members,at ang gusto niyo nga ay ako ang leader,I'll be the one to supervise about what to do.You'll just have to approach me your opinions and suggestions."Seryosong aniya.

"What should our topic?Any environmental issues?Yung common sana na nangyayari."Dagdag niya.

"What about pollution?"-Fritz.

"Yeah,I guess it's a good topic for our output."Sang-ayon ni Gino.

"What about the others?"-Tanong ni Tyler.

Tumango nalang kami bilang pagsang-ayon sa topic na ibinigay nila.

Ako at si Jadhee ay na assign para sa descriptions at pictures na maaari naming maidagdag sa powerpoint.At para mas unique at may creativity,sina Gino at Fritz ay gagawa ng questionaires na ipapamigay sa mga tao.At the same time,sila ang reporters namin sa monday.Sina Yena at Venjay ang aalis at magbibigay ng questionaires sa labas.At si Heiden naman ang mag-e-edit sa overall presentation.

Nang magsimula na akong magsearch sa descriptions ay hindi na ako nagabala pang tingnan ang ginagawa ni Jadhee na ngayon ay naghahanap ng pictures na maaaring i-insert.Bigla naman siyang nagtanong sakin kung okay lang ba yung mga nakita niya.Hindi ko alam pero bigla akong nainis at pinairal ang opinyon ko dito.

"Wag mo na yang isali,maghanap ka ng mas specific d'yan!"Aniko.

"Okay lang din naman siguro to,besides connected parin naman sa topic eh."

"Eh ayaw ko niyan eh!Tingnan mo yung descriptions ko,i-ayon at gayahin mo sa mga pictures na mahahanap mo!"Inis kong singhal sa kanya.

"Wala naman akong makitang mali dito.Okay lang din naman kung isali natin to diba?"Aniya.

Love Behind WordsWhere stories live. Discover now