CHAPTER 20

9 0 0
                                    

Cinthia POV:

"Bakit naman kase kayo sumama,baka hanapin na kayo sa inyo."Saad ko sa tatlo.

Kami nalang ang magkakasama ngayon dahil ang iba ay nasa school.Sasali daw sila sa basketball.Nandito kami ngayon sa gate ng bahay namin.

"Bakit,bawal na ba kaming pumunta dito?"Nakangusong tanong ni Yena.

"May sinabi akong bawal?"Sarkastiko kong tanong.

"Let us in,Nayah.Nangangalay na kami oh."Reklamo ni Tyler.

"Tch.Sige na nga,pasok kayo."Aniko.

"Ay parang napilitan namang papasukin yung mga BISITA niya!"Idiniin talaga ni Yena ang pagkasabi ng bisita.Inirapna ko lang siya dahil doon.Pumasok na sila sa loob at sumunod naman ako.

Mabuti naman at wala pa doon si daddy,dahil hindi ko pa talaga kayang makita siya ngayon.

Sinalubong kami ni manang Istilita at ipinagluto din kami kaagad.Habang naghihintay sa pagkain ay nag movie marathon ang tatlo.Tinawagan na naman nila ang mga magulang nila na hindi makakauwi kaagad.

"Nayah,bakit hindi na tumatawag sa atin si tita Dynie?"Tanong sakin ni Fritz.Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya hindi ako nakapagsalita kaagad.

"Uh ano kase,busy si mommy sa work."Sagot ko.

"Ngeh,Miss ko na siya."Aniya.Napayuko naman ako,dahil maski ako ay hindi na mapakali sa kalagayan niya ngayon.Matapos niyang sabihin sakin ang nangyari sa kanya sa US noong nakaraan ay sobra-sobra na ang pag-aalala ko.

Hindi rin nagtagal ay tinawag na kami ni manang para kumain.Mas nauna pa silang pumunta sa hapag at nang makaabot ako doon ay nilantakan na nila ang pagkain.

"Jusko,hindi ba kayo marunong manghintay ha?At hindi ba kayo marunong magdasal?!"Singhal ko sa kanila.

Hindi ako pinansin nina Tyler at Yena,sa halip ay si Fritz ang sumagot sa akin.Yung kadalasan niyang linya kapag nagwawala ang mga bulate sa tiyan niya.

"Sorry,gutom na kase kami eh."Aniya at nag-peace sign pa.

Umupo na lang din ako at kumain.Hindi kami masyadong maingay pag wala yung iba.Siguro dahil sanay na kami na nandiyan palagi yung apat.

Nang maubos ang aming pagkain ay hinayaan lang nila akong ligpitin iyon.Kaya naiinis ako kapag nandito sila eh!Ako lahat yung pinapagawa.Mga walang hiya!

Nang makita ako ni manang ay pinabalik niya ako sa salas.Siya na daw ang bahala sa mga pinagkinan namin.Nang makarating ako doon ay napansin kong my ka-vc sila.

"Yeah yeah,we're fine.We already ate."Sabi ni Tyler sa kausap niya.Sumingit naman si Yena dito.

"Ang sarap ng pagkain nila,Nayah.Sana nandito kayo."Aniya.

Nang makalapit ako ay hindi na sila nagabalang tapunan ako ng tingin.Umupo ako sa harapan nila.Habang ang tatlo ay patuloy paring nakikipag-usap doon sa cellphone.Nalaman ko naman din kung sino ito,dahil sa boses pa lang ay alam ko na si Heiden yung ka-vc nila.Naghalakhakan pa ang tatlo habang kausap nila ito.Wala din naman akong interest sa mga pinagsasabi nila kaya nagpindot-pindot nalang ako sa cellphone ko.

"Oh mabuti naman at nakapasok ka na sa sports club,Jadhee."Biglang sabi ni Fritz,kaya awtomatikong lumingon ako sa kanila.Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o ano,basta bigla na lamang akong tumayo at lumapit sa kanila,pagkatapos ay biglang hinablot ang cellphone mula kay Tyler.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.Pagkarinig ko pa lang sa pangalan ni Jadhee ay para bang tumalbog ang puso ko.Parang gusto ko siyang makita.

Nakita ko nga siya sa screen,mukhang may pagtataka sa mga mukha.Napatingin naman ako sa tatlo at ganun din sila sa akin,habang kunot na kunot na ang mga noo at may mga nagtatanong na mata.

Love Behind WordsWhere stories live. Discover now