CHAPTER 23

5 0 0
                                    

Cinthia POV:

Walang gana akong naglakad papunta sa classroom namin.Monday na ngayon at parang ayaw ko nalang pumasok.Hindi ko man lang tinitingnan ang mga taong nababangga ko.

Nang makarating ako sa classroom ay nadatnan ko ang apat.Ang aga naman ata nila?O ako lang talaga ang late pumapasok.

Nag-uusap ang nga ito at nagtatawanan kaya naman nangunot ang noo ko.Ano na naman kayang chismis ang nasagap nila?
Nang makalapit ako ay napatahimik sila at nakatingin lang sa akin.

"Oh,anong mukha yan?Bakit parang wala ka sa mood."Sabi ni Fritz.

"Wala lang,pagod ako."Sagot ko.

"Wow ha eh kakapasok mo lang pagod ka na?Bakit,anong ginawa mo sa buong weekend?"Aniya

"Ang dami mong sinasabi.Eh ano nga ba ang pinag-uusapan niyo?"Tanong ko.

"Tungkol lang naman sa academic achievers.Syempre top 3 ako hahaha!"Pagyayabang niya.

"Oo nga.Kasali kaming lahat ikaw lang yung hindi hahaha!"Tinawanan nila ako.Totoo naman kase,silang pito ay nasa ranking,ako lang yung hindi.Isa rin yun kung bakit wala akong ganang pumasok.Aklain mo,yung anak ng may-ari ng school hindi man lang nakapasok sa ranking?

"Pfft.Stop teasing her.Let's just forget about that."Saway ni Tyler sa kanila.Halata naman na natatawa din siya.Tch.Pinagkakaisahan nila ako.Pinandilatan ko nalang sila ng mata.

"Anyway,9 AM daw magsisimula ang game nina Gino.Tinawagan niya ako kanina."Sabi ni Fritz.

"Yeah,I told them,good luck."Sabi ni Tyler.

"I know,sinabihan kaya ako ni bab—"Natigilan si Yena.Napatingin kami ngayon sa kanya.

"What did you say?"Tanong ni Tyler.

"Sinabihan ka nino?"Tanong naman ni Fritz.

"Ano guys,may aaminin ako."Aniya at biglang lumapad ang ngiti.Nagtaka naman kami sa inasal niya.

"Ano?"

"What?"

"Bakit,ano meron?"

Halos sabay naming tanong sa kanya.

"Ano...Kami na ni Venjay."Aniya na parang kinikilig.

"Ha?!"Sabay naming tatlo.Magsasalita pa sana siya pero biglang dumating ang professor at sinaway kami.

"What's going on?You four,go to your respective seats."Napatalon naman kami sa gulat at dali-daling bunalik sa upuan namin.Ngayon ko lang napansin na halos lahat ng kaklase ko ay nakaupo na.Kami lang ata yung nagchicismisan.

Sila na?Si Yena at si Venjay?!

Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.Mga ilang minuto pa ang lumipas bago mag-sink-in sakin ang lahat.Nagsimula na ding mag-discuss si ma'am pero hindi ko magawang makinig.Napatingin ako sa upuan ni Jadhee sa tabi ko.Hindi ko pala siya sinabihan ng good luck.Simula kase nung byernes,parang nahiya na ako sa kanya.

At parang nag-iiba ang pakiramdam ko kung nandiyan siya.Ayaw ko sa pakiramdam na ito.Hindi ito pwede.Sana nagkakamali lang ako ng akala.Baka nahihibang lang ako.Naisip ko na layuan nalang siguro siya.

Napabuntong-hininga ako at pinilit na makinig sa discussion.

Dumating ang lunch time at ayun nga,nakay Yena lahat ng tanong.Ni-explain niya naman kung paano naging sila.Kinikilig pa siya habang nagkwekwento sa amin.Hindi man lang siya niligawan,naging sila na agad.

Nang natapos ay iniwan ko sila doon.Wala akong interest sa pinaguusapan nila.Wala akong gana ngayon.Habang naglalakad ay hindi ko parin pinapansin ang mga taong nakakasalubong ko...Nang biglang may nabangga akong babae.Napaupo siya sa sahig kaya napatigil ako.

Love Behind WordsWhere stories live. Discover now