CHAPTER 8

5 0 0
                                    

Cinthia POV:

Ang bilis ng panahon at ngayon ay monday na naman.Wala naman akong masyadong ginawa sa weekend pero pagod ako.Tinatamad akong magdrive kaya nag-commute nalang ako.Pagdating ko sa school ay natanaw ko agad sina Yena sa gate.

"Oh bakit nag-commute ka?Saan yung kotse mo?"Takang tanong niya.

"Tinatamad akong magdrive."

"Ayan pairalin ang katamaran.Baka tinamad ka ring magreview sa Philosophy."Sabi ni Gino.Taka ko siyang tiningnan.

"Philosophy?Anong meron?"Tanong ko.

"Silly,diba nga may quiz tayo ngayon?First period, Philosophy.Sinabi ni professor Ann bago siya lumabas ng room last friday."-Tyler.

"Ha?Bakit andaming pa quiz?Hindi ako nagreview."

"Malapit na second semester woi kaya maraming nagpapaquiz.Gaga ka kase."

"Shuta pag na zero ako baka pagalitan ako ni daddy.Pa kopya nalang ha?Sige na,please?"Pakiusap ko sa kanila.

"Pano ka makakakopya eh malayo nga upuan natin.""-Fritz.

"Akong bahala,basta tabi tayong lima."Aniko.

"Wag kang mangdamay Nayah.I'm not going to let you cheat this time."Pagmamatigas ni Tyler.

"Edi wag mo akong pakopyahin.Tsk,damot."Inirapan ko siya.

"Hindi din ako magpapakopya sayo,baka madamay pa ako."Reklamo ni Gino.

"Edi wag!"Singhal ko dito.Tiningnan ko naman sina Yena na parang nagmamakaawa.Swerte lang ako nung nakaraan dahil na excuse ako pero ngayon malabo na ata.Napabuntong-hininga naman si Yena.

"Okay,tabi tayo."Aniya.Ngumiti naman ako sakanya ng wagas.

"Ako din."-Fritz.

"Ang damot ng mga uggok na to.Umalis na kayo bago ko kayo masuntok."Umakto pa akong susuntukin sina Tyler pero agad na silang tumakbo paalis.Pumasok na rin kami sa room at wala pa naman si Professor Ann.Pinaalis ko yung mga katabi ni Yena para makaupo kaming pareho ni Fritz.

Nang magbell na,hudyat na magsisimula na ang first period ay nagsimula ng magsi-upo ang mga kaklase ko,at maya-maya pa ay pumasok na si Professor Ann.

"Okay class.I have announced last friday that we're having a quiz today.Since you all know that our exam for first semester will be done next month,you should maintain your focus.Still your scores in this quiz will be recorded, so do your best.And one last important reminder—no cheating.Understood?"Aniya.

"Yes ma'am!"Sabay-sabay nilang sabi.Mukhang nagready talaga sila.Ako lang ata yung walang alam.Napabuntong-hininga nalang ako.

"Okay,I'll give these test papers in rows and please passed."Aniya.

Nang magsimula na ay panay ang sulyap ko sa papel nina Yena at Fritz.Hindi naman ako nahirapan dahil tinulungan nila ako.Malapit na maubos ang oras kaya yung ibang kaklase ko ay pumasa na.

"Bilisan mo nagsipasahan na sila oh."Bulong ni Fritz sakin.

"Teka magkaiba kase kayo ng answers,hindi ko alam kung ano yung susundin."

"Sakin yung tama,nagreview ako nung sabado at linggo."Aniya.

"Akin kaya,sigurado ako.Nabasa ko na to lahat."-Yena.

"Teka sige kay Fritz nalang kokopyahin ko."Aniko at magsusulat na sana ng biglang may dalawang pares ng sapatos ang bumungad sa harap ko.Natigilan silang pareho ni Yena at Fritz,ako naman ay napatingin sa nagmamay-ari nito.

Love Behind WordsWhere stories live. Discover now