Cinthia POV:
Naimulat ko ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw sa bintana.Nasilaw ako dito kaya pumikit ako agad.Gusto ko pang matulog.Mabigat pa rin ang talukap ko,pero bigla akong napamulat ulit nang may maalala.
Saan ako?!
Napatingin ako sa gilid ko at nanlaki ang mga mata.Bakit magkatabi kami?!
Nakita ko si Jadhee.Katabi ko siya!Nakatagilid ako habang ang isang kamay ko ay nakayakap sa kanya at ang isang paa ay nakapatong sa...nakadantay ako sakanya!
Dahil doon ay napabalikwas ako mula sa pagakakahiga at malakas siyang sinipa,dahilan para mahulog siya sa kama.
"What the hell,ano—"Natigilan siya nang makita ako.Bahagya din ang paglaki ng mga mata niya na animoy nagulat.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Anong ginagawa ko dito?!"
Halos magkasabay naming sabi.Anong nangyayari?!Paano ako napunta dito?!Teka...Hindi ba niya...
Napatingin ako sa suot ko.Katulad parin iyon kahapon.Sky blue t-shirt at maluwag na jeans.
"Gago,may ginawa ka ba sa akin!"Pangaakusa ko sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo?Ikaw nga yung nasa kwarto ko tapos pagbibintangan moko na may ginawa sayo?"
"Eh bakit ba ako napunta dito?Hindi mo ba...Ahhh!"Napahiyaw ko sa biglang pagkurot ng ulo ko.Napahawak ako dito at napaupo sa sahig.
Ang naalala ko lang ay umiinom ako sa bar kasama siya pero hindi ko ma alam ang sumunod.Naparami ata ako ng inom,dahil sobrang sakit ng ulo ko.
Pinilit kong tumayo at naglakad papunta sa pinto.Hindi na ako nag-abalang tingnan siya,sa halip ay pinihit ko ang seradura ng pinto.Pagkabukas ko ay napatalon ako sa gulat.May matangkad na lalaki na medyo kahawig ni Jadhee.Nakatayo ito sa harap ko at nakangiti.Hindi naman ako nakapagsalita at mukhang tangang nakatingin lang sa kanya.
"Hi,I'm Rafael Vego.Kuya ako ni Jadhee.How are you?"Hindi ako nakapagsalita.Parang umurong ang dila ko, dahil sa hiya.
Hindi ako makapaniwala na nandito ako sa bahay nila!At ang mas malala pa ay natulog ako sa kwarto ni Jadhee,at halatang alam ito ng kuya niya!Anong kabaliwan ito Cinthia?!
"Alam kong may hangover ka,so you better stay hydrated.Uminom ka ng maraming tubig or juice.Eat bland foods to boost your blood sugar,and take a pain reliever to ease your headache."Aniya."May I come in?I have to talk to my brother.Magpapaalam lang sana ako.Anyway, your other friends are downstairs.Sila na ang magpapaliwanag sa inyo about sa nangyari kagabi."Dagdag niya pa.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Nandito sila?!Shuta pano ako magpapaliwanag?Madudumi pa naman ang mga isip nun.
"Ahh,s-sige."Nasabi ko nalang at wala sa sariling lumabas ng tuluyan.Nakita ko naman siyang pumasok sa kwato ni Jadhee kaya nagsimula na akong maglakad pababa ng hagdan.Sakto lang naman ang bahay nila.Hindi masyadong malaki pero halatang mamahalin ang mga materials na ipinagawa dito.
Matinding kahihiyan ang naramdaman ko nang matanaw ang anim sa salas.Nakatayo lang ako habang sila ay nakaupo sa sofa.Madilim ang mga tingin nila sa akin kaya napayuko nalang ako.Wala ni isa sa kanila ang nagsalita.
Nang maramdaman kong nangangalay na nag paa ko ay umupo nalang din ako sa sofa,sa harapan nila.Nagtatanong ang kanilang mga mata na para bang ako yung nasa hot seat.
"Bakit kayo nag-inuman kagabi?"Biglang tanong ni Yena.Kalmado ang pananalita nito pero masama ang tingin niya sa akin.Wala akong masabi.Hiniling ko nalang na sana sumulpot si Jadhee dito at mailigtas ako sa kahihiyan.Para namang natupad ang hiling ko nang dumating nga siya bigla,kaya ang atensiyon ng anim ay napunta sa kanya.Nagtaka naman ang mukha niya at kalaunan ay tumabi na rin ng upo sa akin.
YOU ARE READING
Love Behind Words
Teen FictionJadhee Vego is a transferee student of Handelum University,when she met this boyish girl named Princess Cinthia Vasquez with its rude personality. Absentmindedly,he started changing her for good.Is it possible for him to like this kind of girl?