Cinthia POV:
Dinampot ko ang cellphone ko mula sa bag at inis na ni-dial ang number ni Jadhee.Nasa kwarto ako ngayon at kakadating ko lang mula sa school.Nang sinagot niya ang tawag ay agad ko siyang sinigawan.
"Bakit hindi ka bumalik kanina ah!"Sigaw ko dito.
"Woah woah,easy ka lang.Hindi ba sinabi ni Venjay na sumakit paa ko?"Sagot niya.
"Wala akong pake kung sumakit yung paa mo o ano,dapat sinabi mo kaagad para hindi kita hinintay.Hindi tuloy ako nakakain ng lunch."Sabi ko.
"Eh bakit mo naman kase ako hinintay?"Tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot.
"Kase ano,sabi mo kase susunod ka,edi malamang maghihintay ako."Sagot ko.
"Okay sorry,okay na ba?"Aniya.
"Yan na agad 'yon?Aba hindi ako kumain ng lunch at halos mamuti na ang mata ko kahihintay sayo!"Singhal ko dito.
"Sorry na kase.Babawi ako sayo,anong gusto mo?"
"Ewan ko sayo.Bye!"Akmang papatayin ko na ang tawag nang pigilan niya ako.
"Teka teka.Babawi ako,bukas libre kita."Aniya.Napaisip naman ako sa sinabi niya.
"Anong ililibre mo?"Tanong ko.
"Kahit anong gusto mo.Mall tayo bukas,okay lang ba?"Tanong niya.
"Mall?Tayong dalawa?"
"Oo,kung okay lang sayo.Para hindi ka na magalit sa akin."Napangiti naman ako sa sinabi niya.Kaming dalawa lang?Para bang date?Sa totoo lang kinikilig ako.Kami lang dalawa parang mag-d-date kami.Tumikhim ako bago sumagot.
"S-Sige bukas."Sagot ko at napakagat-labi.
"Geh,susunduin kita diyan sa inyo bukas ng umaga.Goodbye.See you tomorrow,Nayah."Aniya.Hindi ko na siya sinagot at pinatay na agad ang tawag.Nagpagulong-gulong ako sa kama na para baliw.Halos mapunit na ang bibig ko kakangiti.
Ngayong ko lang ulit naramdaman ito.Akala ko talaga sa babae nalang ako magkakagusto.Pano niya nagawa sakin to?I mean,naiinis ako sa pang-aasar niya.Noon pa lang kumukulo na ang dugo ko kapag nakikita ko ang mukha niya,pero ngayon parang bumaliktad ata ang mundo.
Hindi na ako makapaghintay na mag-umaga.Buong gabi ako hindi nakatulog ng mabuti dahil sa kakaisip sa kanya.Shet!
---
Kinabukasan ay maaga akong nagising at inihanda ang sarili ko.Nagsuot ako ng oversized t-shirt as usual at fitted jeans at white rubber shoes.Nasanay na talaga ako sa suot na ito.Kalaunan ay dumating na din si Jadhee.Narinig ko ang pagbusina niya kaya dali-dali na akong lumabas.Nakita ko siya na nakahilig sa kotse niya.Nakasuot siya ng black hoddie at faded jeans.Simple lang ang suot niya pero ang gwapo niyang tingnan.
"Nayah,tara na!"Tawag niya sakin kaya lumapit na ako sa kanya.Nauna na akong pumasok sa passenger's seat at pagkatapos ay sumunod siyang pumasok sa driver's seat.Nagsimula na siyang magmaneho pagkatapos kong maisuot ang seatbelt.Hindi kami masyadong naguusap sa gitna ng byahe.Naninibago kase ako sa nararamdaman ko.Hindi maiwasang mag-isip habang nakatingin sa kanya.Hindi ko alam kung bakit ko ba talaga siya nagustuhan.Nabwebwesit ako sa kanya minsan lalo na kapag nangaasar pero parang ngayon mas gusto ko nalang na asarin niya ako.
"Hmm bakit ako lang ang niyaya mo?"Tanong ko sa kanya.
"Dahil sayo lang naman ako may atraso.Diba kahapon pinaghintay kita kaya ka nagalit.Parang kabayaran na rin tong gagawin ko na paglibre sayo."Sagot niya.Para namang sinampal ako ng katotohanan.Wag ngang mag-assume,Nayah.Iyon talaga ang dahilan,wala sa isipan niya ang makipag-date sa iyo.
YOU ARE READING
Love Behind Words
Teen FictionJadhee Vego is a transferee student of Handelum University,when she met this boyish girl named Princess Cinthia Vasquez with its rude personality. Absentmindedly,he started changing her for good.Is it possible for him to like this kind of girl?