Prolouge

604 10 5
                                    

PROLOUGE

Grade 3 ako nung nagdududa na ako sa aking kasarian. Malapit kasi ako sa mga babae. Not literally malapit dahil gusto nila ako or something, malapit ako sa kanila bilang kaibigan. May mga malalapit na kaibigan naman akong mga lalaki pero hindi ganun ka-close, Kasali kasi ako sa Boyscouts sa School. Minsan pa nga tinutukso nila ako na 'Bakla' daw, ee sa edad kong 9 hindi ko pa alam ang salitang yan.


May mga nakakasalamuha akong mga tinatawag nilang 'Bakla' Pero nagtataka ako bakit nila ako tinatawag na bakla ee hindi naman ako nag sosout ng mga pambabae, hindi ko rin bet noon ang mga laruang pambabae, usually Robots at Toy Cars ang nilalaro ko noong mga panahon na iyon.


Until isang araw, pasukan, nasa ika-apat na baitang ako noon, nakilala ko si Howard. Isang Transferee. Maputi, maganda ang ilong at mata, halatang may dugong Kano.


Ewan ko pero pag magtatama ang aming mga mata, bigla-bigla nalang ako kinakabahan, Hindi naman niya ako tinititigan ng masama, minsan nga naka Smile sya dahilan upang mas lalo akng kabahan. In a span of 2 weeks ay hindi ko pa sya kinakausap. Halos ka-close na niya lahat ng kaklase ko, pwera lamang ako.



"Friends, parang Crush ko na si Howard. Ayiiii~" Narinig kong sabi ni Abigail habang kumakain kami ng Lunch kasama ang iba naming babaeng kaibigan. Sila kasi kasabay ko kumain pag lunch.

CRUSH. Halos isang araw itong bumabagabag sa aking isipan. Ano ang Crush? Ano ang feeling pag may Crush? Sino Crush ko? Ilan sa mga tanong na naglalaro sa aking isipan sa araw na iyon.


Pag-uwi ko sa bahay, agad kong tinanong ang mga kapatid.


"Kuya, Ate ano po ba ang Crush?" Bungad ko habang na sa hapag kainan kami, naghahapunan.


"Bakit anak, may crush ka na ba sa school?" Tanong naman ni mama sa akin.


"Wla po mama, hindi ko nga po alam ee ano po yang Crush, narinig ko lang po yan kay Abigail, sabi niya Crush na daw niya si Howard, yung bago naming classmate" Mataas kong sagot ni mama.


"Bunso, ang Crush ay ibang salita sa pag hanga. Katulad ng paghanga ko sa mga cartoons na pinapanood mo tuwing umaga, o di kaya e--"



"Papa crush po ba si Superman? Ee kasi hinahangaan ko po sya ee" Pagputol ko sa sinabi ni papa. Agad naman silang nagtawanan.



"Bunso, nararamdaman mo ang paghanga o ang Crush sa opposite gender mo, nararamdaman mo nalang na tuwing titingin ka sa kanya ay parang kinakabahan ka kasi bumibilis ang pag tibok ng puso mo" Sagot naman ni Ate habang wini-wave wave ang kanyang gamit na kutsara.


"Ee ate ano po ba yung Opposite Gender? Sakit po ba yang Crush?" Tanong ko ulit sa kanila na nakapagpatawa na naman sa kanilang lahat

"Ang rami mo namang tanong bunso, alam mo pag kinakabahan ka pag titignan mo ang isang tao pero hindi ka naman natatakot, sabihin mo lang sakin at tutulungan kita--" Hindi na nakapagpatuloy si kuya kasi hinampas siya ng mahina ni ate sabay tawa.




'...Nararamdaman mo nalang na tuwing titingin ka sa kanya ay parang kinakabahan ka kasi bumibilis ang pagtibok ng puso mo...' Paulit-ulit na pumapasok yan sa utak ko kaya napagtanto ko nang Crush ko si Howard. And this is not normal.

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon