Chapter 19
"Hindi parin ako makapaniwala, Kurotin mo nga ako shaun." Sabi ni Damien while on our way home. He is driving pero parang tanga itong lalaking 'to, he keeps on smiling like he won in a lotto.
Tinitigan niya ako, WITH A CREEPY SMILE, kaya kinurot ko ito. "Ouch! Masakit 'yun!" Sabi nito, napa hinto sya saglit sa pagmamaneho.
"Sabi mo kurotin, sinunod lang kita." Sabi ko naman habang naka peace sign. "Pasalamat ka't boyfriend na kita kundi kukurotin din kita" Sabi niya. "Aw sige mag kurotan tayo! Hahaha." Naki-halakhak din sya kaya napuno ng tawanan ang kotse.
Sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya ay biglang nagsalita si Damien. "Shaun, ba't mo 'ko sinagot?" He asked. "Kasi you asked for it?" Diretso kong sagot sa kanya. He just gave me a glare kaya napatawa ako ng mahina. "Kasi mahal kita, that's it." Sabi ko habang nakatitig sa kanya.
"Sh*t" I heard him cuss.
"Bakit!?" Takang tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang daan pero wala namang dumaan or what.
"Nah, don't mind me." Sabi niya. Nakita kong naka ngiti ng napakalaki ang gago sabay sabing "Kinikilig lang ako sa'yo." habang nakatingin sakin.
Without even looking at the road. And for me that was the sweetest.
---
"Shaun, gising na." Naramdaman kong may humahalik sakin while waking me up kaya iminulat ko na ang aking mga mata. There i saw Damien giving me little kisses in my cheeks. "Grabe na 'yan damien." Sabi ko at tinapik ng bahagya ang mukha nya na akmang hahalikan pa ako. "Wait, where are we?" Tanong ko nung narealize ko na wala ako sa aking kwarto.
"Surprise!" Sabi ni damien habang naka tayo na. Only with his boxers.
"Gosh damien kaka-sagot ko lang sayo kung anu-ano na ginagawa mo sakin. Ang hokage mo rin, 'no?" sabi ko at tinapunan sya ng unan. Tumawa lang ito at bumalik sa higaan.
"Hala patay!" Sabi ko at dali-daling hinanap ang cp ko. Hindi pala ako nakapagpaalam nina Mama. "San mo ba kasi ako dinala? Hindi tuloy ako nakapagpaalam kina mama!" I said while searching for my phone.
Nabigla ako nung ini-hug niya ako from my back. "Wai--"
"I already told tita na may outing tayo. At pumayag naman siya. Grabe kasi ang tulog mo kagabi. Kaya hindi na kita ginising." Kalmado niyang sabi.
His voice made me calm. "Ang dami mo talagang alam." Sabi ko't pinikot ang ilong nya. "I wouldn't be Damien if i am not like this." Sabi niya lang at kumalas na siya sa pagkakayakap.
"Anong gusto mo for breakfast, Loves?" Sabi nito. Umigting naman ang tenga ko sa 'Loves' niya.
"REALLY DAMIEN? Loves? Ang Ew kaya nung Loves!" Sabi ko at sinundan siya palabas sa Kwarto.
"So anong gusto mong endearment natin? You chose, and i want it to be unique." Sabi niya while making a coffee.
Hindi ko muna pinansin ang mga sinasabi ni Damien kasi i was stuck from the scenery sa maliit na window. "God! Nasa Pacific ocean ba tayo Damien!?" I exclaimed. Grabe! Puro dagat ang nakikita ko dito. Deep blue sea to be exact. From here, nakakalula tingnan ang dagat. Hindi mo aakalaing may gantong tanawin pala dito sa pilipinas kasi ang dagat ay parang nung nasa Titanic. Kaso hindi ko ito malapitan kasi may malawak na table na naka harang.
"Haha your silly! Nasa Palawan tayo, some island that we own." Relax niya lang na sabi. And i was like "PALAWAN? So how long was i been sleeping? Alam mo bang ang layo ng palawan galing samin?" I exclaimed more louder. Hindi ko rin alam kung paano niya napa-oo si mama na samahan siya dito.
"We used our private plane. I was about to wake you up kanina pero as i said kanina, Your in deep sleep kaya hindi na kita ginising." Now i'm in total shock. Ganyang ba talaga ka-yaman sina damien?
Parang nanliit ako sa aking sarili. Parang hindi ako pwede kay Damien. Para kaming langit at lupa. Now my insecurities arose. "Oh, i thought you like it?" Tanong ni damien nung umupo ako sa couch. I just looked at him. "Wala." And gave him a smile.
Kinuha na ni Damien ang kanyang coffee and my cup of hot chocolate. "Shaun may secret akong sasabihin sayo, pero huwag kang magalit ha?" He said as he pass the cup to me. "Ano yun?" Me.
"Actually it is a surprise. I want you to finish first your cup at lalabas tayo." sabi niya in an excited tone. I was about to drank my cup nung tinapik niya ito ng mahiman. "It's hot, be careful."
I just gave him a thankful smile bago ko hinipan ang akin. "Teka, asan nga ba tayo? Hindi mo pa ako sinasagot ha!" Sabi ko sa kanya. Tumawa lamang ito ng mahina habang tinitigan ako. "What!?" Sabi ko. But instead na sagutin niya ako, tumayo lamang ito, while laughing smoothly.
------
"Ang daya mo talaga! Akala ko totoo na yung nasa palawan tayo eh!!" I just exclaimed.
"Sinabayan lang naman kita, and you look happy naman kanina, kaya hindi ko na muna sinabi sa iyo kaagad" Saad nito.
Nasa bahay lang pala kami ni Damien, at talagang niloko pa ako ng isang to dahil isang frame lang pala ang nakita kong magandang tanawin sa labas. Akala ko totoo na yun kasi mukha talaga siyang totoo. Iba talaga pag mayaman ka.
"Tara nga dito" sabi ni damien at isiniil ang aking katawan sa kanya. Nasa Sala kami ng bahay nila nanonoud ng ewan ko na palabas.
Sa ganda ng kanilang bahay ay di mo aakalaing nag-iisa siya dito. "Damien nasan ba mommy mo?" Tanong. Talagang nababagabag pa ako. "Nasa Singapore, for work." He answered. "How about your dad?" Tanong ko uli. Hindi sya sumagot agad kaya tiningnan ko siya. I saw him looking at a picture frame sa gilid ng TV. Tumayo ako at pinuntahan ito. Sa picture, may isang babaeng naka mabulaklak na bestida na may kandong-kadong na bata na masasabi kong mommy ni Damien and that baby was him, Magkamukha kasi sila. And a handsome guy with his faded blue polo with an old man in his wheelchair.
I felt damien's hand sa waist ko, nilingon ko ito and i saw him staring at the photo. "Is that your dad?" Tanong ko while pointing the guy na naka polo. He smirked before nya ako sinagot. "That's my step-brother. This is my dad." Sagot niya and he pointed the old man. "They were 27-years gap between my mom and dad, Si mommy ay lawyer ni daddy back before, mom had a case with my dad about lands and inheritance, dun sila nagkakilala. May family noon si Dad, and si Kuya Daniel lamang ang nag-iisa niyang anak." I saw sadness in his eyes. "Okey lang Damien if ayaw mong ipagpatuloy. I understand." Sabi ko nung nakitang kong may nagbabadyang kumawala na butil ng luha sa kanyang mata. He gave me a weak smile at humiga ito sa couch. "It's okey, let me just continue please." Sabi niya. Tinabihan ko nalang ito at pinahiga sa aking lap. I stroke his trands of hairs while he is talking.
"I remembered noon, Dad would just visit me sa bahay namin noun with so many foods and toys, but the sad part is hindi ito nagtatagal. I am homeschooled kasi ayaw ni mama na laitin ako at tawaging "Anak sa labas. But when my mom migrated, naiwan ako kay Kuya Daniel, he treated me as his younger brother pero nafi-feel ko parin na may barrier between us, kaya nung kinuha ako ni mommy ay tuwang-tuwa ako. Dun sa states, i got my freedom. Kahit na lumabas man ako ay hindi ito nag-aalala na baka laitin ako ng mga tao. He spoiled me with everything. Kaya i grew up in luxury. But as the years pass, parang i feel unsafe. Kaya sinabi ko kay mom na dito na ako sa Pinas tatapos ng pag-aaral. im glad she approved it. Kaya ngayon, im here. And i met you."
Naiiyak ako sa story ni damien. Kaya pala sometimes ay nagiging loner ang isang ito. "Ang galing pala ng mommy mo, i wish i could meet her." Sabi ko nalang para mapagaan ang dinadamdam ni Damien. "Soon" saad nito at ngumiti.
-----
Sa pagdaan ng mga araw ay mas naging open kami ni Damien sa isa't-isa, though hindi kami masyadong nagkikita, pero napag-usapan namin na atleast twice a week lang kami magkikita, na napagsang-ayunan naman namin.
Ngayon, i'm on my way sa isang mataas na pamantasan to take my entrance interview. Hindi na ako nagpasama kay Damien kasi alam kong busy rin sya.
Tinext ko muna sya bago ako pumasok sa paaralan. Inihanda ko muna ang aking sarili bago ko humarap sa interviewee.
Mga pasado alas-11 na natapos anh aking interview. Hindi naman naging mahirap ang interview, sa katunayan nga ay madali ito. Pero dahil sa mataas na pilahan at ang nakaka-stress na pag-aantay ay ginutom ako. Kaya dumiretso ako sa malapit na cafe para kumain.
While im on my way papalabas ay nakita kong papasok si damien sa school. Dito din ba sya mag-aaral? Natanong ko sa aking sarili. Alam kong he wants to be a vet. someday pero wala namang veterinary course sa pamantasan na ito. I saw him looking around before nya kinuha ang kanyang phone at nag-tipa. Then i received a message.
From Damien;
Ba, nasa school na ako, Interview ko today. Let's meet later. I love you.
Nireplyan ko muna sya bago ako lumabas. I know na isa ako sa dahilan kung bakit niya napili na dito mag aral, kaya i felt guilty. Pero i need to hear damien's side muna bago ko isipin ang mga pangamba ko.
Dumiretso ako sa isang cafe at napagpasyahan kong dun na rin mag intay kay Damien. I just ate snacks para masabayan ko naman si damien sa pagkain mamaya. I know magugutom din iyon.
Habang kumakain, i saw someone raising his hands to me kaya napa-titig ako sa taong iyong, medyo dim kasi ang ambiance ng cafe na ito. Dun ko lang napagtanto na si Howard pala iyon.
"Mind if i join you here?" Nakangiting tanong ni howard while holding his tray. "Oo naman" sagot ko and offer him a seat.
"So, kamusta ka?" Panimula ni Howard. Hanggang sa hindi namin namalayan na napapalalim ang aming pag-uusap. Ako ang naging topic namin kaya ako ang laging tumatalak. I am happy at hindi na awkward ang situation namin. I think naka move-on na din kaming dalawa kaya ganun.
"Where's Damien by the way. I heard kayo na ah?" Tanong pa nito. "Ah yes, nasa school pa. You know, interview. Actually hinihintay ko sya dito. Anytime nandito na sya." Sabi ko. I saw his face changed kaya napatawa nalang ako. "Don't worry, i got your back. hahahaha!" I joked. Tumawa nalang kami. "So, ikaw naman, how are you?" Now it's time for me para tanungin naman si Howard about his life.
"Im doing good. Actually kakatapos ko lang din sa aking interview. And i got the spot. Im taking up Civil Engineering now. And for my lovelife? Im dating Krisha now. And we're happy." Sabi niya. Napag-usapan din namin ang mga buhay namin noon kaya ang ingay na namin sa cafe. Hindi ko namalayan, dumating na pala si Damien.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Ang Pagdadalaga ni Totoy
Teen FictionMeet Shaun 'Totoy' Vasquez, Ang bunsong anak ni Linda at Gorio. Ika-7 sa pamilya, napaka swerte niya sa naging pamilya niya. Inaalagaan, minamahal at priprotektahan siya ng mga Ate at Kuya niya. Pero, pano kung ang TOTOY ng Pamilya ay naging TETAY...