Chapter 15
"Boung araw kang nka simangot ah? May problema ba?" Tanong ni Gail, isa sa mga kaklase ko.
"Wala, may naisip lang ako." Sagot ko at itinoun ang atensyon ko sa pool.
"Alam mo Shaun kung ano man yan, isantabi mo muna yan. May after party pa tayo!" Sabi niya at hinubad na ang croped shirt.
Naisipan kasi naming maligo ng pool for our after-party to unwind kahit isang araw lang. Pinapauwi na kasi kami after lunch para iwas disgrasya na DAW. Kasama naman din kasi namin adviser namin kaya okey lang.
"Sge shaun, iwan na kita diyan. Maligo ka na rin kaya!" Sabi niya at nilagay na ang damit niya sa gilid ko.
Nawalan ako ng mood simula kanina. Pagkatapos kasi nung nagkita sila ng babaeng yun eh hindi na siya bumalik. Okey lang sana kung nagtext siya sakin saan sila pupunta kaso hindi eh.
Ito na nga ang kinakatakot ko. Ayaw ko kasing maiwan. I mean, sino ba namang gustong maiwan? Kahit na nagpapakita siya ng pagpapahalaga sa akin, may koning doubt parin sa kaloob-looban ko na infatuation lang iyon. And i think its just normal especially for Gays like me.
Boung party andito lang ako sa cottage namin, inimbita nila akong maligo pero inayawan ko na. Sinabihan ko nalang sila na wala akong dalang damit pampalit. Kaya ako nalang ang nag bantay ng kanilang mga gamit dito... habang naghihintay ng text galing ky Howard.
*Beeeep*
1 Message recieved.
Agad kong in-unlock ang phone ko at binasa ang message.
From: Damien
Maybe we should talk. Meet me here sa Plaza near sa school. Maghihintay ako.
Sa kakaisip ko kay Howard ay nakalimutan ko na si Damien. Ni hindi ko nga naalala kung nasa Party ba siya sa school. Alam kong may kasalanan din ako kasi iniwan ko siya kaya pupuntahan ko na siya.
"Eujan! Pinapauwi na ako, wala kasing tao sa bahay. Pakisabi nalang sa kanila. Sge enjoy kayo!" Paalam ko sa kaklase kong si Huejan na kumakain. Simpleng tango lang ang ibinagay niya sa akin.
Pagdating ko sa Plaza ay nagdidilim na. Medyo may kalayuan din kasi itong plaza kaya naabotan ako ng dilim. Alam kong nasa usual spot lang si Damien kaya agad kong tinungo iyon. Napadaan ako sa isang manong na nagtitindi ng Dirty Icecream kaya bumili na rin ako. For peace offering.
BINABASA MO ANG
Ang Pagdadalaga ni Totoy
Teen FictionMeet Shaun 'Totoy' Vasquez, Ang bunsong anak ni Linda at Gorio. Ika-7 sa pamilya, napaka swerte niya sa naging pamilya niya. Inaalagaan, minamahal at priprotektahan siya ng mga Ate at Kuya niya. Pero, pano kung ang TOTOY ng Pamilya ay naging TETAY...