Chapter 16

159 3 0
                                    

Chapter 16

Sa loob ng tatlong linggo, ay napabilog na ni Howard ang ulo ng aking Kuya. Palagi siyang dumadalaw sa bahay at nagdadala ng mga paboritong kakanin ni Kuya. At first hindi pa ito tinatanggap ni Kuya pero nung naglaro na sila ng NBA at nagpatalo si howard ay lumaki na ang ulo ni kuya kaya naging magkaibigan na sila.

Kaya inimbita ni kuya si Howard mag dinner dito sa bahay para mapag-usapan daw ang Liga sa kabilang baranggay. Naimbitahan kasi si Kuya na maglaro dun pero sabi niya hindi daw siya sasali kung hindi rin sasali si Howard. Bigdeal iyon para kay Kuya kasi first time niyang tumanggi ng imbetasyon galing sa baranggay na iyon.

Nung nag hapon na ay narinig ko na sa baba ang mga kaibigan ni kuya. Tantsya ko ay nasa mga 7 silang lahat. Pang walo si Kuya. Nagpahanda din si dahil na rin ay tanggap na siya inapplyan niyang trabaho sa Canada kaya gusto niya andito si Howard.

Tinext ko na si Howard na andito na ang mga kaibigan ni Kuya pero kahit simpleng 'K' lang ay wala akong natanggap. Siguro may ginagawa pa siya, 7pm pa kasi ang usapan nila kuya at howard kaya siguro naghahanda pa ito. 5pm pa din naman kasi rin.

Ayaw ko muna bumababa kasi sigurado mao-OP lang ako doon, medyo maypagkabarako din kasi ang mga kaibigan ni Kuya kaya hindi ako sanay. Ilan nga sakanila ay may maipagmamalaking kagwapuhan pero alam ko straight sila kaya walang pag-asa, di char lang po yun hahaha

Alam kong abala si Mama sa pagluluto kaya nagpadiskitahan kong magplantsa nalang ng aming mga damit. Marami-rami narin kasing naka tambak na damit dito sa kwarto ko kaya paplantsahin ko nalang ito.

Nagplantsa ako ng naka headset with max volume. Hanggang sa hindi ko namalayan, napa rami narin ang aking naplantsa, at quarter to 7 na pala. Nag bihis muna ako bago bumaba ng medyo desente kasi naka boxers lang ako.

Pagbaba ko, sinalubong agad ako ni kuya ng tanong. "Nasan na daw siya, bunso?"

"Papunta na daw, medyo malelate daw siya. May ginagawa pa kasi siya." Pagsisinungaling ko. Tumango lamang ito at dumiretso sa kusina, tinulungan ko nalang si Mama na papatapos na magluto.

Hanggang sa nag 7:30 na daw pero wala parin kahit anong anino ni Howard ang nagpakita. Sigurado akong nagtataka na si Kuya dahil wala pa rin siya. Kaya tinawagan ko na si Howard pero naka 15 missed calls na ako at hindi parin ako sinasagot. Putcha nasan ka na, Howard. Sabi ko sa isip ko.

Hanggang sa nag 9pm na at wala pa rin si Howard. Nakita kong naiirita na si kuya kaya pupuntahan ko nalang si Howard sa kanila.

Pumara ako ng taxi para mas mabilis akong makapunta sa bahay nila Howard. Kilala na rin naman ako ng security guard ng subdivision nila Howard kaya alam kong makakapasok ako sa kanila.

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon