CHAPTER 2
Hindi ako makapagsalita ng maayos......
---
"Omg besh, classmate mo pala si Howard? Ang swerte mo naman!" Bungad agad ni Abigail sakin nung nag Lunch Break.
"Swerte nga, sya lang naman kakilala ko sa section na yun, akala ko nga ako lang dun ee, Ang laking pasalamat ko talaga at Athlete sya. Di sya mapupunta sa section niyo. Hahaah" Sabi ko habang naglalakad kami sa hallway papunta sa canteen.
"Grabe, sana pala late narin akong nag enroll, teka nga pala, bakit daw nasa section 3 sya? Diba dapat nasa first section siya?" Tanong niya sa akin.
"Kasi dapat niyang ma adjust ang time niya, ang time lang kasi ng section 3 ang nagtutugma sa Schedule niya" Sagot ko naman sa kanya at tumango lamang ito.
Nang narating namin ang Canteen ay naghanap na agad kami ng mauupuan. Kaso puno na ang canteen, nakalimutan namin na first day of class ngayon kaya sandamakmak ang studyante. Ang laking pasalamat talaga namin ni Abigail nung nakita namin sina Ate Jenny at ang mga kaibigan niya na malapit nang matapos kumain, kaya pinuntahan ko ito na kaming dalawa ang susunod.
Bumili lamang ako ng Isang slice ng pizza at pineapple juice. Hindi ko kasi bet kumain ng rice ngayon. Nang matapos kaming bumili ay umupo na kami sa upuan nila ate. Nagpa alam na sila samtalang kami naman ni abigail ay pinaligpit muna ang pinagkainan nila ate sa nagsisilbing waiter dito sa canteen.
Nag-usap lang kami ni Abigail ng kung anu-anong bagay habang kumakain. Sa kalagitnaan ng aking pag kain ay ngumuso si abigail na tila ba nagsasabing lingunin ko ang aking likod.
Nung nilingon ko ito ay agad bumungad sa aking paningin ang Makisig na si Howard, kasama niya si James na isa ring athlete ng school. Nakita kong kinawayan ito ni Abigail kaya't nakuha namin ang attention nilang dalawa.
"May mauupuan ba kayo Howard? Kung wala dito nalang kayo sa table namin, total pang apat ka tao naman ito." Sabi ni Abigail nung nakalapit na sina Howard at James sa table namin.
"Okey lang ba sa kasama mo?" Tanong ni James sabay ngiti sakin. "Ano kba James, parang hindi naman tayo classmate nung Grade 5." Sagot ko sa kanya at tumawa kami.
Nang nakabalik sila sa table namin ay agad silang umupo. Tumabi si Howard sa akin at si James naman sa tabi ni Abigail. Agad ngumisi ang bruha ng nakakaloka pero inirapan ko nalang ito.
Nagusap-usap muna kami kahit na tapos na kaming kumain. Nung nilingon ko ang paligid agad kong napansin na ang raming nakatitig sa amin.
"Ahm, alam kong napapasarap na ang kwentuhan natin pero sa tingin ko we need to go. Ang sasama na kasi ng tingin ng mga tao." Sabi ko. Nilingon nilang tatlo ang paligid, pero tinawanan lamang ito ng dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
Ang Pagdadalaga ni Totoy
Teen FictionMeet Shaun 'Totoy' Vasquez, Ang bunsong anak ni Linda at Gorio. Ika-7 sa pamilya, napaka swerte niya sa naging pamilya niya. Inaalagaan, minamahal at priprotektahan siya ng mga Ate at Kuya niya. Pero, pano kung ang TOTOY ng Pamilya ay naging TETAY...