Chapter 14

164 6 1
                                    

Chapter 14


"I'll take you home. Huwag ka nang umangal. I insist" May awtoridad na sabi ni Howard.

Hindi nalang ako umimik. Napa buntong hininga nalang siya at tinapos ang kanyang pagwawalis.

"Narinig ko kayo kahapon." Basag ni Howard sa katihimikan. Napa tayo ako ng tuwid. "Ah..ano bang narinig mo kahapon?" Mautal kong tanong kay howard nang hindi siya nilingon.

"Don't deny it Shaun, Narinig ko kayo sa likod ng school. He confess, You walked out." Usal niya. Nilingon ko siya, naka yuko siya habang pinaglalaruan ang kanyang hawak na walis.

"Wala lang naman yun Howard. Baka na carried-away lang si Damien sa closeness namin, kaya nasabi niya yun." Ako. Tapos na akong mag design for tomorrow. Magliligpit nalang ako.

"Okey. Kung yan ang pagkakaintindi mo. I respect you Shaun." Sabi niya. "Tara na?" Anyaya niya. Naka ngiti na siya. Kani-kanina lang ang seryo-seryoso ng aura niya, ngayon parang wala lang. Iba din 'tong isang 'to eh.

Kinuha ko nalang Bag ko. Inilock ko muna ako classroom namin bago kami umalis. Naunang maglakad si Howard.

Sa byahe namin pauwi ni Howard ay siya lang 'tong may ganang magsalita. Tinatanong niya ako ng kung anu-ano. Pero sadyang wala talaga akong gana pahabain pa ang aming pag-uusap kaya Oo't hindi lang ang aking naitutugon.

Narating na namin ang bahay ko ngunit hindi pa niya ito pinasok sa loob. Hindi naman masyadong malaki ang bahay namin pero may espasyo pa sa frontyard na pwede pagparkingan ng isang sasakyan. Naghihintay akong ipasok niya ang kanyang sasakyan katulad ng ginagawa niya pag hinahatid niya ako. ngunit tumingin lamang si Howard sa akin at pinatay ang makina ng kanyang sasakyan.

"Naunahan na ba ako, Shuan?" Tanong niya nung akmang lalabas na ako sa sasakyan. Napahinto ako, hindi ko natuloy ang pag bukas ng pinto ng kanyang sasakyan.

"A..anong bang pi-pinagsasabi mo, Howard?" Nauutal kong tanong sa kanya ng hindi siya tinitingnan.

"Naunahan na ba ako ni Damien? Mahal mo na ba si Damien?" Diretsong tanong niya habang tinititigan ako. Napalingon ako sa kanya ang bumungad sa akin ang matang maluha-luha ni Howard.

Hindi nalang ako umimik. Ayaw ko ang mga scenario na ito, alam ko kung saan ito papunta.

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon