Chapter 4

269 7 0
                                    

Chapter 4



"...Hindi mo naman ako sinasagot...."

------

"Okey, Students, Highschool na tayo kaya Act like an Adult. When walking, hindi tayo gagawa ng ano mang ingay na makaka istorbo sa ibang klase. Kuha?" Sabi ng Adviser namin at napa "Yes maam!" nalang kami.

Pipapunta kasi kami ngayon sa AVR ng school para sa Orientation. Alam ko na lahat ng sasabihin sa Orientation kaya hindi na naman ako excited, Itong si Maam naman, pinapa-pulbo pa't pinapa-suklay niya ang mga babae para daw magmukhang presentable. Kaya nagpulbo nalang rin ang Boys.

"Shaun, sabay na tayo. Wala pa kasi talaga akong ka-close sa mga kaklase natin ee." Anyaya ni Howard na nakapag-bigla sa amin.

Napagtanto kong wala na pala syang time makipag-kaibigan kasi Busy sya sa kanyang pagiging Athlete at sa paghahabol ng lessons na hindi niya naabotan. Sa loob ng halos isang buwan ay parang ako lang ata ang palagi niyang kasama, except sa mga ka-teammates niya.

Alam ko na ang ilan sa mga kaklase ko ay naiingit o di kaya ay nagagalit na sakin. Kasi hindi ko rin pinapaunlakan ang mga anyaya nila. Kahapon nga inanyaya nila akong mag lunch ngunit tinanggihan ko kasi sabay kaming magla-lunch ni Abi, pero nung pinuntahan ko si Abi sa room nila, ay kakatapos na pala niyang kumain. P*tcha! Hindi na ako hinintay ng bruha. Padabog akong naglakad noon. Buti nalang at nakita ako ni Howard at nag-ayang sabay nalang daw kaming kumain.

"Oh, ano na Shaun? Sasabayan mo ba ako o hindi?" Sabi ni Howard. Parang napatalon ako sa gulat. Pero OA lang yun, na-shock lng ng slight hahaha.

"Oh sge ba, ako din naman, wala na akong ka-close dito" Sabi ko sabay tayo at kuha sa bag ko.

"Ows? So anong tawag mo sakin?" Sabi niya. Yun! Napatalon na talaga ako sa sinabi niya.

"Ah.. ehh.. Ikaw din naman ah! Sa-sabi mo kanina na wa-wala ka p-pang ka-close" Nauutal kong sabi. Naglalakad na kami. Nauna ako pero pumantay pa talaga siya sa akin.

"Nakalimutan ko kasing sabihin ang 'Bukod sa'yo' kanina." Sabi niya at parang..... namula? Syet! Namula sya? Namula sya nung sinabi niya sa akin? Omg! Omg! Omg!

"Huwag ka ngang.. ano jan! Marinig pa tayo diyan!" Sabi ko, parang ako na naman ang namula.

Napatawa lamang sya at hinawakan ako braso ko. Parang hinahatak niya ako pero hindi gaanong hatak na hatak. Nagpapadala kasi ako sa mga hatak niya.

Sino ba yan?

Ba't kasama niya si Fafa Howard?

Bakla yan dba? Pumapatol sya sa bakla?

Narinig ko ang mga bulong-bulongan ng mga tao nung napunta na kami sa AVR. Nahihiya na ako, hindi ako sanay makakuha ng atensyon ng maraming tao. Napayuko nalang ako.

"Sorry. Dun nalang tayo sa likod umupo para di nila tayo lingunin" Sabi niya at hinatak na naman niya ako papunta sa mga likod na silya.

Nililingon pa kami ng mga tao ngunit kunti nalang, kadalasan mga babae nalang. Hindi ito nakikita ni Howard kasi nakatingin ito sa CP niya.

Para hindi na ako mag-isip ng kung anu-ano, ay nag headset nalang ako.

Nung natapos na ang Orientation ay bumalik na kami sa room. Kasama ko pa rin si Howard na kanina ko pa kausap. Hindi na nga kami nakinig sa mga speakers kanina sa orientation eh.


"Howard! Tawag tayo ni coach, may new member daw sa Basketball at Swimming team." Sabi ni Kent nung nakasalubong namin ito.


Hinila ako ni Howard papuntang Gym kaya nag taka ako, Bakit niya ako isinama dito?


"Ahm.. Maiwan muna kita jan ha? Kakausapin ko lang si coach" Sabi niya nung nasa tapat na kami ng locker room ng mga atheletes.

Tumakbo sya sa gilid ng locker room, andun kasi ang Office ng mga Coach at Sports Director ng School.


Nasabi ko na bang Varsity si Howard sa Basketball at Swimming? Oo. Dalawa po ang sports niya kaya kailangan niya talaga ng matinding time management. Pero sa case niya, mas inuuna niya ang Basketball, mataas daw kasi ang Posisyon niya.


Mga 5 minutes na akong naghihintay dito kaya pumasok na ako sa Gym. Na-shock ako nung nakita ko si Howard na naka-upo na sa mga upuan ng mga players. Iniwan niya ako. Hindi naman pala ako importante sa kanya. Assuming lang talaga ako. Haysss!!



Nagpatuloy nalang akong pumasok sa Gym at umupo sa isa sa mga bleachers. Nasa gilid ako ng mga 'Fangirls' ng mga basketball players na panay ang pictures sa mga ito. Tiningnan ko nalang sila. Buti pa sila, malaya silang nakakapagpahayag sa nararamdaman nila sa mga Crush nila.


"Omg! Girls! Nakatingin si Howard sa 'tin" Sabi nung babaeng ang iksi ng palda. Nilingon ko si Howard na parang kanina pa hinihintay na lumingon ako sa kanya.


Nabigla ako nung kumaway sya, tumili naman ang mga babae sa tabi ko at kumaway na rin. Itinaas niya ang kanyang CP at itinuro ito. Ano bang ginagawa ng lalaking ito?


"Omg girls nanghingi sya ng number sa akin, Omg bababa ako!" Sabi ng babae na naka braid ang buhok at bumaba na sa bleachers, sumama naman ang tatlo niyang kasama. Wala na akong kasama, kaya napagpasyahan ko nalang e text si Abi.

Pero nabigla ako nung nakita kong may nag missed call pala sa akin. Pang-16 missed call na ito. Pero Uknown number. Akmang tatawagan ko na ang number na iyon pero tumawag itong muli.


Nag-aalangan pa akong sagutin, nakatayo pa ako sa bleachers. Umupo nalang akong muli at sinagot ang tawag.

"Hell--"

"Hay salamat! Shaun! Kanina pa kita tinatawagan, hindi mo naman ako sinasagot. Hindi mo ba nasave number ko?"

Boses ni Howard ang bumungad sa akin. Syet! Tinawagan niya ako!!!!!! TINAWAGAN AKO NI HOWARD CRUZ!! ANG SAYA KOOOOOOOOOO!!!!

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon