Chapter 13
Matapos ang makamundong pangyayari sa aking kwarto ay naging normal naman ang lahat, PWERA KAY DAMIEN. I mean, parang na aw-awkwardan na ako kay Damien, kasi pag nakikita ko ang hapit na hapit niyang umbok ay naiisip kong muli ang pangyayari sa aking kwarto. Kaya imbes na mag chika kami, ayan! Tatahimik nalang ako.
Kagaya ngayon, nasa loob ng classroom kami ngunit iba mga ka chika ko. Mabuti nalang at may ilang kaibigan narin ako dito, pero hindi sila gaanong attached sa akin, si Abi lang talaga bff ko.
Sa boung araw sa school ay talagang usap siya ng usap sa akin pero simpleng oo, hindi, ewan, baka, at pwede lamang ang sinasagot ko sa kanya, kung minsan pa nga hindi ko siya tinitignan, naalala ko kasi yun eh.
"Shaun!" Tawag ni Damien nung papunta ako sa Faculty Room, sa saturday na kasi ang party namin at ako ang naatasan na mag organize sa lahat ng magaganap sa classroom namin. Eh Thursday na ngayon.
"Hmmmm!?" Sagot ko sa kanya, kinuha ko cp ko para hindi ko siya matitigan, para may magawa KUNO ako.
"Bakit ka umiiwas sa akin?" Tanong niya agad. Napa tingin ako sa kanya, seryoso siyang naka tingin sa akin.
"Ha? Iniiwasan ba kita?" Pa maang-maangan kong sabi kay Damien.
Nabigla ako nung hinatak niya ako. "Hoy damien! San mo ko dadalhin? Putek! Bitawan mo ako---" Naputol ang sinabi ko kasi tumingin siya sa akin at inilapit ang kanyang mukha sa akin. "Just follow me." Simpleng sabi niya ay hinatak akong muli.
Tulalang sinunod ko siya habang hatak-hatak parin niya ako. Natauhan lamang ako nung binitawan niya ako. Dinala niya ako dito sa Bandang likod ng school. May mga rooms dito na tambakan nalang ngayon ng mga silya, lamesa at iba pa.
"Bat mo ko dinala dito?!" Takang tanong ko. Tiningnan ko siya, seryosong titig lamang ang ibinigay niya sa akin.
"Bat di mo ako kinakausap?!" Tanong niya. Hindi iniiba ang kanyang seryosong mukha.
"Anong hindi kinakausap? Eh anong tawa--"
"God damn it Shaun! Just tell me your fvcking reason why dont you fvcking give me your attention?" Napalakas ang kanyang sabi. Nakita kong nag-aalab na ang kanyang mga mata. Hindi ko mabasa kung dahil ba ito sa galit o ano.
![](https://img.wattpad.com/cover/37249779-288-k923494.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pagdadalaga ni Totoy
Teen FictionMeet Shaun 'Totoy' Vasquez, Ang bunsong anak ni Linda at Gorio. Ika-7 sa pamilya, napaka swerte niya sa naging pamilya niya. Inaalagaan, minamahal at priprotektahan siya ng mga Ate at Kuya niya. Pero, pano kung ang TOTOY ng Pamilya ay naging TETAY...