Chapter 9

208 3 0
                                    

Chapter 9

"Shaun, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Howard. Inayos naman ni Damien ang kanyang sarili.

"Wala, tinu-tour ko lang tong si Damien, ang kulet nga eh" sagot ko, tumayo na rin ako para umalis

"Ah.. pauwi na ba kayo? gusto mo hatid na kita?" Alok ni Howard sakin

"No need bro, i'll take Shaun home. Bayad ko ito sa pag to-tour niya na sakin" Agad na angal ni Damien may Howard. "Para na rin walang istorbo" Dagdag pa niya. Parang nag-iba ang mukha ni Howard.


Istorbo? Anong istorbo?

"May sinasabi ka, Damien?" Parang galit na sabi ni Howard. Napa tingin ako sa kanilang dalawa. Ito na naman, may kung anong tensyon talaga sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kailan nag simula, hindi na rin lang ako nag abalang magtanong

"Wala, sabi ko, kukunin kami ng driver ko. Oh pano iyan bro, una na kami, may gagawin pa kami ni Shaun eh." Agad na sabi ni Damien, hinigit niya ako. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

"Sge. ingat ka Shaun" Sigaw ni Howard, nilingon ko siya ngunit mas dinalian ni Damien ang kanyang pag lakad, kaya nag wave hands nlng ako. "Jerk." Dinig kong sabi ni Damien.

"Teka nga damien, ano bang problema? Huwag ko nga akong kinakaladkad, nasisira beauty ko nito eh." Hinugot ko kamay ko pero sadyang malakas lang talaga tong isang to. Pero kinalas niya naman di kalaunan ang aking kamay nung naka layo-layo na kami sa court.

Again, naglakad kami ng walang imikan. Nasa unahan pa siya, naka sunod nalang ako sa kanya, ang tantiya ko, papunta kaming parking lot. Nagsi-ilawan na rin ang mga poste at iilang ilaw na naka kabit sa buildings ng school, nagdidilim na rin kasi.

"I told my driver na may kasama ako, kaya pinapasok ko na siya." Basag niya sa katahimikan habang naglalakad, hindi niya pa rin ako nilingon.

"Okey lang, magiinarte pa ba ako? Ako na nga hinatid ako pang mag-iinarte?" Sabi ko at napalingon siya. I heard him cuss. Ewan ko't bakit siya napamura.

"Teka nga Damien, ano ba talaga problema niyo ni Howard? At talagang nadawit pa ako ha?" Sabi ko, malapit na kami sa parking lot, may nakita na akong sasakyan, Color maroon, ito lang ang naka ilaw. Baka ito na yung sasakyan nila Damien.

"Nah, boys thing! Hindi mo naman maiintindihan" sagot niya. napataas ako ng kilay.

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon