Chapter 3

309 7 0
                                    

Chapter 3


Baka kung dumugin ako, ikaw pa ang mapahamak....

---

Boung magdamag, wala akong ibang inisip kundi ang pag hawak ni Howard sa kamay ko. Hindi ko pa nga binasa itong kamay ko nung nag dinner kami.


1 am.. 1:30 am.. 2 am.. Syet! 2:30 na, hindi parin ako makatulog, kahit anong mellow music ang piniplay ko sa Cp ko ay hindi parin ako makatulog.

Ano ka ba shaun! Hinawakan lang ang kamay mo hindi kana makatulog? How much more kung mag holding hands na kayo? Ano, di ka na makakatulog ng isang linggo? Ang singit ng aking pinaka magandang konsensya na ngayon ay naka upo sa gilid ng sidetable ko.

Plinay ko ang favorite kong mellow music, ang Someday by Nina. Inisip kong kinakantahan ako nun ni Howard habang ako ay nagpapakipot sa kanya. Wrong move! Kinilig ako sa naisip ko. Mas naging buhay ang aking dugo kaya hindi na talaga ako maka tulog.

In-off ko nalang ang music bago pa ako maka tili dito sa kwarto ko. Ilang gulong ang ginawa ko sa aking kama bago ako naka tulog.

At kung sineswerte ka naman, Maaga ang pasok mo. At sa kadahilanan na ayaw kong ma-late lalo na't kakasimula palang ng klase ay agad akng bumangon nung Tumili na ang aking alarm clock.

Pag labas ko sa kwarto ko ay pumunta kaagad ako sa banyo. Tinitigan ko pa ang mukha ko sa salamin namin. At talagang kumakaway pa talaga ang aking mga eyebags na para bang sumali sa Parade of Beauty Queens.

Kinusot ko nalang ang mga mata ko at nagsimula nang maligo.

Pagdating ko sa school ay as usual, marami paring mga studyante. Pumunta nalang ako sa building namin at agad na bumungad sa akin ang Talak ng talak na si Abi. Buti pa sya, may ka-close na sa mga classmates niya.

Nung nakita niya akong naglalakad papunta sa kanya ay agad naman syang tumakbo at hin-hug ako.

"Oh, bat parang ang hyper mo ngayon?" Tanong ko sa kanya nung kumalas na sya sa pag hug sakin.

"Alam mo Besh, sana section 3 narin lang ako. Ang daming gwapo ee." Sabi niya sabay kilig. Itong babaeng talaga to.

"Gwapo? Eh diba si Howard lng ang gwapo sa section namin?" Taka kong tanong habang naglalakad na kami papuntang room ko.

"Ano kaba besh, di ka ba updated? May bagong mukha ang room nyo. Gwapo, moreno, galing Canada, at narinig ko pang sobrang yaman daw nila" Sabi niya. Talaga? Hindi ako na informed.

"Eh ano ngayon? Loyal ako kay Howard no! Teka, alam mo bang nasa tapat na tayo ng room namin?" Sabi ko. Ngumiti lamang ito ay hinatak ako papunta sa loob. "Bye Besh! Enjoy your day! Hahahaha" Sabi niya sabay takbo palabas. Loka-loka talaga 'tong babaeng ito.

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglakad papunta sa seat ko. At Oo nga, sa likod ng seat ko ay may lalaking naka headset habang naka dapa sa desk niya. Natutulog ata.

Ipinagkibit-balikat ko nalang ito umupo na sa aking upuan.

Thursday ngayon kaya may practice sla from 5:30-7:00 am. Excuse sila sa first subject which is from 7:15-8:10 am. Para daw makapagpahinga pa sila.

Wala ako magawa kaya napagpasyahan kong mag soundtrip nalang muna habang naghihintay sa first subject namin.

Linakasan ko talaga ang Volume para walang istorbo. Tumingin lamang ako sa Window upang mas ma feel ko ang pinapakinggan ko.

Hindi ko namalayan, kinakausap na pala ako ni.... Yung lalaki na nasa likod ko, yung transferee.

"Anong oras mag s-start yung klase?" Tanong nito saking nung kinuha ko na ang headset sa aking tenga

"Ah.. 7:15 ata, pero 7:19 na, wala pa si Maam" Sabi niya at tumango. "Wala bang 15 minute policy dito sa school nyo?" Tanong nya ulit.

"Meron, kaso pag 15 minutes late na ang isang teacher, may ipapa assignment nalang siya. Yan ang Policy dito." Sagoy ko. "Ahhh.." Yun lang ang tugon nya at nagsout agad ng kanyang headset.

Nakita kong naka ngiti ng loko ang aking kaibigan na nasa door lng. Baka ano na naman ang isipin mg bruhang yun. Sabi ko sa aking sarili. "Kaibigan mo?" Tanong ni.. ahmm, ano nga ba pangalan niya?

"Ah.. eh. Oo." Sabi ko at tinanguan ako.

Tumayo ako para puntahan ang MAGANDA kong kaibigan. Hindi pa nga ako nakakalabas ay hinugot na ako ng bruha.

"Ano?" Agad kong sabi nung naka labas na kami.

"Alam mo besh, ang landi mo!" Sabi ni Abigail nung tuluyan na kaming naka labas.

"Ha? Ee kinakausap ko lang naman, alangan naman hindi ko sagutin dba?" Gets ko na agad ang sinabi niya kaya inunahan ko pang sagutin hahaha.

Hanggang sa napasarap ang kwentuhan namin. Ganito talaga kami basta kami na ni Abigail ang mag kwentuhan.

"Shaun, Prince charming mo oh!" Sabi ni Abi sakin sabay nguso sa likod ko.

Omg! Ang Hot nyang mag lakad! Parang Model! Sabi ko sa utak ko. Di ko na kasi ma buka ang bibig ko.

"Shaun, di ka pa papasok?" Biglang tanong ni Howard nung nakalapit na siya sa amin ni Abi. Ito ang nakapagpabalik sakin sa mundo.


"Ah.. eh.. Mauna kana, naguusap pa ka--"


"Ah hindi, tapos na tayo mag-usap, dba Shaun? Nagpaalam ka na?" Nakangiting sabi ng bruha sabay siko saking tagiliran. Walang hiya talaga tong si Abi.


"Sge sabay na tayo, para di ako dumugin ng mga babaeng nating kaklase, Bye Abi!" Sabi ni Howard bago umalis si Abi. Nag wave lng ng kamay ang bruha at tumakbo.


Medjo malayo-layo kami sa pintuan ng room namin kaya maglalakad pa kami ni Howard. Malayo? Malayo ba ang limang steps sa'yo, ha Shaun? Biglang singit ng konsensya ko!

MALAYO NA YUN KUNG KASAMA MO SI HOWARD! Sabi ko sa aking utak. Ngumiti lamang ako sa kadahilanang 'Sabay kaming maglakad ni Howard' Syet! Kinikilig ako. Gusto ko nang tumili.

"Ako na mauna, Baka kung dumugin ako, ikaw pa mapahamak!" Sabi sabay hawak sa braso ko at pumasok na kami ng room.

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon