Chapter 11

206 5 0
                                    

Chapter 11



Madaling tumakbo ang Panahon na hindi namin namalayan na magpapasko na, Sa pagtakbo ng panahon ay mas naging close kami ni Damien, Busyng-busy kasi talaga si Howard, kung hindi sa Pagiging Swimmer niya ay sa pagiging Basketball Player niya, though nakakasama parin namin siya pero minsanan nalang.

Sa panahong iyon, naging Bestfriend ko si Damien, naging mas open kami sa isa't-isa, wala nang ilangan, halos everyday niya akong hinahatid pauwi, kung minsan pagnalelate si manong driver ay pinagtataxi niya na lang ako. Hindi ko maiwasang magtaka sa mga inaasta ng lalaking ito pero ipinagsawalang-bahala ko nalang ito.

Ngayon, andito kami sa Mall ni Damien. Bibili kami ng gifts for our christmas party. Nakasanayan na rin kasi namin ng pamilya ko na bumili ng regalo di lang para sa Christmas Party sa school kundi para rin sa sarili at sa pamilya. Like what normal pinoy families do when christmas.

"Shaun, ano mas gusto mo? Itong Faded jeans o itong black nalang?" Tanong ni Damien. Andito kami sa Penshoppe ngayon, ako ang nag aya mag shopping pero sya yung nagsha-shopping ngayon. 'tong Damien talaga!

"Bilhin mo nalang yang dalawa, ito Damien, anong mas maganda, ito o ito?" Sabay ko pakita sa kanya sa dalawang damit na naka hanger pa.

Mahigit isa't kalahating oras kami nagshopping ni Damien, mas marami siyang binili kesa sa akin pero sya pa ang nagdala ng mga pinamili ko, He insisted kaya no choice na rin, wala naman syang angal kaya okey lang hahaha

Nadatnan kami ng gutom kaya tumungo agad kami sa malapit na Fastfood dito sa mall, ako na bumili ng pagkain namin at pina una ko nalang siya sa table namin.

Habang kumakain ay panay tingin si Damien sa Phone niya na nasa gilid lng ng plato niya na para bang may hinihintay. Ayan tuloy, hindi ako maka talak.

"Ano ba kasi hinihintay mo?" Tanong ko sa kanya.

"Text malamang! Alangan naman hihintayin ko lovelife ko dito sa phone ko!?" Pa sarkastiko niyang sabi.

"Oh bat nasama lovelife mo dito?" Tanong ko.

"Wala lang, wala akong masabi eh, kumain ka na nga lang!" Angal niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang ako ng mga pagkain ko.

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon